Makakatulong ang mga moderator na suriin at pamahalaan ang mga komentong iniiwan ng mga user sa mga video, o ang mga mensaheng ipinapadala ng mga kalahok sa live chat ng iyong stream. Kapag nagdaragdag ng moderator ang mga creator, puwede nilang piliin kung gagawin siyang karaniwang moderator o namamahalang moderator. Mas marami ang mga available na opsyon para sa mga namamahalang moderator kaysa sa mga karaniwang moderator.
Live chat
- Buksan ang YouTube app .
- Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang Maghanap at ilagay ang pangalan ng channel para i-access ang page sa panonood.
- Piliin ang iyong Livestream para pumasok sa Live Chat.
- Mag-tap ng mensahe o komento, at pumili ng pagkilos mula sa mga opsyong lalabas.
- Kung isa kang namamahalang moderator, puwede mong i-tap ang mga setting para buksan ang admin panel at pumili ng mga karagdagang pagkilos sa pag-moderate.
May dalawang uri ng moderator: karaniwang moderator at namamahalang moderator. Magagawa ng karaniwang moderator na:
- Pumunta sa channel: Puwede mong alamin ang tungkol sa isang kalahok sa live chat bago ka magsagawa ng pagkilos sa pag-moderate sa pamamagitan ng direktang pagpunta sa kanyang channel.
- Mag-alis: Puwede kang mag-alis ng anumang hindi naaangkop o potensyal na mapang-abuso o nakakapanakit na content. Kapag nag-delete ka ng mensahe, permanente na itong maaalis sa live chat kasama ang anumang sagot.
- Mag-timeout ng user: Puwede mong pansamantalang pigilan ang isang tao na magpadala ng mga mensahe sa live chat, mula 10 segundo hanggang 24 na oras sa mga sumusunod na interval:
- 10 segundo
- 1 minuto
- 5 minuto
- 10 minuto
- 30 minuto
- 24 na oras
Kapag nag-time out ka ng isang tao, hindi siya makakapagpadala ng mga mensahe sa loob ng piniling yugto ng panahon.
- Mag-hide ng user sa channel na ito: Kapag nag-hide ka ng isang tao sa channel, hindi na makikita ng iba pang manonood ang kanyang mga mensahe sa chat at komento. Hindi ipapaalam ng YouTube sa taong iyon na na-hide mo siya.
- Sumuri ng mga potensyal na Hindi Naaangkop na mensahe: Puwede kang magpakita o mag-hide ng mga komento o mensahe na na-hold para masuri batay sa iyong mga setting ng komunidad.
Magagawa ng namamahalang moderator ang nasa itaas, bukod pa sa:
- Default ng komunidad: Puwede mong i-on ang feature na ito para gumamit ng teknolohiya para awtomatikong ma-detect ang content na spam, pag-promote sa sarili, walang kwenta, at iba pang potensyal na hindi naaangkop na content sa mga komento. Matuto pa rito.
- I-on/i-off ang Live Chat : Puwede mong i-on o i-off ang Live chat sa anumang oras, kahit nagsimula na ang event.
- Participation mode: Puwede mong palitan ang mga participation mode sa live chat sa pamamagitan ng pagpili sa subscriber lang, mga miyembro lang, o live commentary.
- Pag-antala ng mensahe: Puwede mong limitahan kung gaano kadalas makakapagpadala ang bawat user ng mensahe sa chat sa pamamagitan ng pagtatakda ng limitasyon sa oras sa pagitan ng mga mensahe.
- Mga naka-block na salita: Puwede kang mag-block ng mga mensahe sa live chat na naglalaman ng o malapit na tumutugma sa ilang partikular na salita.
- Mamahala ng mga karaniwang moderator: Puwede kang magdagdag o mag-alis ng mga inaprubahang user.
Tandaan: Walang access ang mga namamahalang moderator sa Live Control Room o YouTube Studio. Hindi puwedeng magtalaga ng iba pang moderator ang mga namamahalang moderator.
I-access ang Aktibidad ng Channel mula sa feed ng live chat:
Maa-access mo at ng mga moderator ang history ng pampublikong user mula sa feed ng live chat sa pamamagitan ng pag-click sa Aktibidad ng Channel mula sa Menu. Ipapakita nito ang:
- Pampublikong larawan sa profile ng user
- Pampublikong handle ng user
- Petsa ng pagsali sa YouTube
- Bilang ng mga subscriber ng user
- Mga pampublikong mensahe sa live chat (max na 50 mensahe kada stream)
Nakalagay din dito ang mga kabuuang bilang ng mga pagkilos sa pag-moderate na isinagawa sa user noong nakaraang taon:
- Mga na-delete na mensahe
- Mga timeout
- Mga pag-hide
Mga kalahok sa live chat
Sa live chat, ginagamit ang mga icon at kulay para visual na matukoy ang ilang partikular na kalahok. Puwedeng lumabas ang higit sa 1 icon sa tabi ng username ng isang tao sa bawat pagkakataon.
Icon | Kahulugan |
---|---|
Creator / may-ari ng channel | |
Creator na may na-verify na account | |
Kalahok na may na-verify na account | |
Miyembro ng channel | |
Moderator ng channel |
Mga Komento
May ilang paraan para ma-access ang mga tool sa pag-moderate ng komento sa YouTube mobile app.
Mag-moderate mula sa mga setting ng komento
Kung isa kang may-ari o moderator ng channel, pumunta sa anumang video at i-tap ang Mga Komento Mga Setting . Mula roon, puwede mong pamahalaan ang mga setting ng komento para sa channel, kabilang ang:
Pagkilos | May-ari ng Channel | Namamahalang moderator | Karaniwang moderator |
Mga setting ng komento sa video | Oo | Oo | Hindi |
Magdagdag ng mga naka-block na salita, i-delete ang lahat ng naka-block na salita, o kopyahin ang lahat ng naka-block na salita | Oo | Oo | Hindi |
I-on o i-off ang feature sa pag-block ng mga link | Oo | Oo | Hindi |
Mag-moderate ng komento mula sa page sa panonood
Kung isa kang may-ari o moderator ng channel, i-tap ang Higit pa sa tabi ng komento sa isang video para makita ang mga opsyon sa pag-moderate. Mula roon, puwede mong pamahalaan ang mga indibidwal na komento, kabilang ang:
Pagkilos | May-ari ng Channel | Namamahalang moderator | Karaniwang moderator |
Mag-pin o mag-unpin ng komento | Oo | Hindi | Hindi |
Mag-delete o mag-hold ng komento para masuri | Oo - I-delete | Oo - I-hold para masuri | Oo - I-hold para masuri |
Mag-ulat ng komento | Oo | Oo | Oo |
Magdagdag o mag-alis ng mga namamahalang moderator | Oo | Hindi | Hindi |
Magdagdag o mag-alis ng mga karaniwang moderator | Oo | Oo | Hindi |
Magdagdag o mag-alis ng mga inaprubahang user | Oo | Oo | Hindi |
Magdagdag o mag-alis ng mga na-hide na user | Oo | Oo | Oo |