Mga patakaran sa pag-upload at pagtugma

Nalalapat lang sa mga user ng Content Manager ng YouTube Studio ang mga feature na inilalarawan sa artikulong ito. Para sa impormasyon tungkol sa mga pangkalahatang patakaran ng YouTube, matuto pa rito.

Sa Content Manager ng Studio, may dalawang uri ng mga patakaran:

  • Mga patakaran sa pag-upload: Mga patakarang inilalapat sa mga video na ina-upload sa isang channel sa YouTube na pagmamay-ari mo.
    • Binibigyang-daan ka ng mga patakaran sa pag-upload na gumawa ng claim na na-upload ng partner at sabihin sa YouTube kung anong pagkilos ang gagawin sa mga video na ito (i-monetize, i-track, o i-block).
  • Mga patakaran sa pagtugma: Mga patakarang inilalapat sa mga video na ina-upload ng ibang tao sa kanilang mga channel.
    • Nalalapat ang mga patakaran sa pagtugma kapag nakita ng Content ID ang iyong content sa mga video ng ibang tao. May magagawang claim na nagsasabi sa YouTube kung anong pagkilos ang gagawin sa mga video na ito (i-monetize, i-track, o i-block).

Gumagana sa parehong paraan ang mga patakaran sa pag-upload at patakaran sa pagtugma. Parehong naglalaman ang mga ito ng mga panuntunan sa pagtukoy kung imo-monetize, ita-track, o iba-block ang na-claim na video. Magkaiba lang ang mga naglalapat ng mga ito sa isang video — ikaw o ang Content ID. Matuto pa tungkol sa kung paano inilalapat ang mga patakaran.

Puwede kang magtakda ng isang patakaran na malalapat sa iyong mga video at sa mga video na na-upload ng user na naglalaman ng content mo. Pero kung naglalaman ang iyong patakaran ng mga custom na pamantayan sa pagtutugma ng Content ID, hindi ito magagamit bilang patakaran sa pag-upload. Matuto pa sa ibaba.

Magdagdag ng mga kundisyon sa mga patakaran sa pagtugma

Nalalapat lang ang mga patakaran sa pag-upload sa mga sarili mong video — walang kasangkot na pagtutugma ng Content ID. Dahil dito, ang Lokasyon ng manonood lang ang nauugnay na kundisyon para sa mga patakaran sa pag-upload. Hindi lalabas ang mga kundisyong inilalarawan sa ibaba kapag itinatakda mo ang iyong patakaran sa pag-upload.

Sinasabi ng mga patakaran sa pagtugma kung anong pagkilos ang dapat gawin ng YouTube sa na-claim na video (i-monetize, i-track, o i-block). Puwede ring maglaman ang mga patakaran sa pagtugma ng mga tagubilin tungkol sa kung kailan dapat mag-claim ng video ang Content ID. Puwede mong sabihin sa Content ID na awtomatikong mag-claim ng mga video batay sa:

  • Uri ng pagtutugma: Uri ng content na tumutugma sa iyong reference na file: audio lang, video lang, o pareho.
  • Laki ng tumutugmang video ng user: Ang haba o porsyento ng na-upload na video na tumutugma sa iyong reference na file.
  • Laki ng tumutugmang reference: Ang haba o porsyento ng iyong reference na file na tumutugma sa na-upload na video.

Puwede mo ring piliin ang opsyong magruta ng mga na-claim na video para sa manual na pagsusuri kapag ginagawa ang iyong patakaran sa pagtugma. Matuto pa tungkol sa paggawa ng mga patakaran.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14672950986066994292
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false