Makikita na ngayon ang survey sa ilalim ng Demograpiko ng Creator sa seksyong Mga Setting ng YouTube Studio. Sa kasalukuyan, mga nasa U.S. lang na may-ari ng channel ang makakagamit sa setting na ito. Tandaan: Kung lumahok ka na dati sa survey, nailipat na ang mga sagot mo sa seksyong ito ng Studio.
Ang data na ibinibigay sa Demograpiko ng Creator ay nagbibigay sa amin ng mas malawak na pag-unawa sa mga artist at creator na gumagamit ng YouTube. Kung pipiliin nila, puwedeng ibigay sa amin ng mga creator at artist ang kanilang:
- Pagkakakilanlan ng kasarian
- Lahi at etnisidad
- Sekswal na oryentasyon
Nakakatulong sa amin ang impormasyong ito tungkol sa mga channel sa YouTube na matiyak na hindi nagpapakita ang aming mga system ng mga hindi nilalayong bias.
Gusto naming matiyak na inclusive at naaangkop para sa lahat ang YouTube. Ngayon, limitado ang proseso ng pagsusuri ng aming mga system dahil wala kaming impormasyon ng pagkakakilanlan tungkol sa mga channel sa YouTube. Wala kaming paraan para suriin, nang malawakan, kung paano gumagana ang aming mga produkto at patakaran sa mga channel ng mga komunidad ng creator at artist na napapabilang sa isang partikular na lahi at etnisidad, pagkakakilanlan ng kasarian, o sekswal na oryentasyon.
Calling All U.S. Creators: Important New Survey
Paano namin gagamitin ang data ng Demograpiko ng Creator
Gagamitin namin ang nakolektang data para suriin kung paano gumagana ang YouTube para sa mga channel ng mga creator at artist na kumakatawan sa iba't ibang komunidad. Gagamitin namin ang ibinigay na data para:
- Suriin kung ano ang ginagawa ng aming mga algorithm at system sa content mula sa iba't ibang komunidad
- Maunawaan kung paano lumalaki ang iba't ibang komunidad sa YouTube
- Tumukoy ng mga potensyal na pattern ng pang-aabuso, kabilang ang panliligalig at pagkamuhi
- Pahusayin ang aming mga kasalukuyang programa, campaign, at alok
Kung makakakita kami ng mga isyu sa aming mga system na nakakaapekto sa mga partikular na komunidad, nakatuon kami sa pagsisikap na ayusin ang mga ito. Patuloy naming ibabahagi sa iyo ang aming progreso tungkol sa mga tuloy-tuloy na pagsisikap na ito.
Kung pipiliin mong ibigay ang iyong impormasyon sa Demograpiko ng Creator, papanatilihin ng Google LLC ang impormasyon mo alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Google. Iso-store sa iyong channel sa YouTube ang impormasyong ibibigay mo at hindi ito gagamitin ng ibang produkto ng Google. Hindi ito isasapubliko nang walang karagdagang pahintulot mo, o gagamitin para sa mga layunin ng pag-advertise.
Narito ang higit pang detalye tungkol sa kung paano namin gagamitin ang data na ibinigay:
Suriin kung ano ang ginagawa ng aming mga algorithm at system sa content mula sa iba't ibang komunidad
Maunawaan kung paano lumalaki ang iba't ibang komunidad sa YouTube
Gagamitin din ang data na ito para matulungan kaming maunawaan kung paano lumalaki ang iba't ibang komunidad ng creator sa YouTube.
Ang isang halimbawa ng kung paano namin susuriin ang paglaki ay suriin kung paano nagmo-monetize ang iba't ibang komunidad sa YouTube. May nakarating sa aming feedback mula sa mga creator at artist tungkol sa mga sitwasyon kung saan hindi gumagana ang aming mga system ng pag-monetize tulad ng inaasahan. Bukod pa sa pagtugon sa mga alalahaning ito, magiging mas proactive kami sa pagtiyak na gumagana nang maayos ang aming mga system at patakaran sa lahat ng creator at uri ng content.
Tumukoy ng mga potensyal na mapanganib na pattern ng gawi, kabilang ang panliligalig at pagkamuhi
Pahusayin ang aming mga kasalukuyang programa, campaign, at alok
Opsyong i-edit o i-delete ang impormasyon sa iyong sagot
Magbasa sa ibaba para sa mga tagubilin sa kung paano i-delete ang impormasyon sa iyong sagot. Puwede mong i-edit anumang oras ang ibinigay mong impormasyon tungkol sa iyong pagkakakilanlan ng kasarian, lahi at etnisidad, at sekswal na oryentasyon isang beses sa loob ng isang 45 araw na panahon. Lalabas sa Studio ang susunod na posibleng petsa kung kailan mo puwedeng isumite ulit ang impormasyon sa iyong sagot. Puwede ring ganap na i-delete ang iyong mga sagot.
I-edit ang mga sagot sa Demograpiko ng Creator:
- Mag-sign in sa YouTube sa isang computer o gamitin ang YouTube Studio app gamit ang iyong account ng may-ari ng channel.
- Pumunta sa Mga Setting ng YouTube Studio at piliin ang Demograpiko ng Creator.
- Sa YouTube Studio app, hanapin ang Demograpiko ng Creator sa pamamagitan ng pag-tap sa iyong larawan sa profile
at pag-tap sa Mga Setting
.
- Sa YouTube Studio app, hanapin ang Demograpiko ng Creator sa pamamagitan ng pag-tap sa iyong larawan sa profile
- Piliin ang I-EDIT ANG SURVEY.
- I-edit ang iyong mga sagot.
- Piliin ang ISUMITE.
Mag-delete ng mga sagot sa Demograpiko ng Creator:

- Piliin ang I-DELETE ANG DATA.
- Piliin ang I-DELETE kapag nag-pop up ang window ng kumpirmasyon.
I-download ang mga sagot sa Demograpiko ng Creator:
Para i-download ang iyong data ng demograpiko ng Creator, sundin ang mga tagubiling ito. Tandaang para mag-download ng data para sa (mga) channel sa YouTube na pagmamay-ari mo, kailangang naka-log in ka gamit ang iyong personal na Google Account, hindi isang Brand Account.
Matuto pa tungkol sa Demograpiko ng Creator
Kailan ko magagamit ang setting na ito?Sinimulan naming ilunsad ang Survey sa Creator at Artist sa mga creator at artist na nasa U.S. noong Marso 29, 2021. Simula Oktubre 1, 2021, makikita na ang mga tanong na ito sa ilalim ng Demograpiko ng Creator sa iyong seksyong Mga Setting ng YouTube Studio sa isang computer.
Tandaang dapat ay isa kang may-ari ng channel para ma-access ang setting na ito. Kung gumagamit ka ng Brand Account, ikaw dapat ang Pangunahing May-ari. Kung gumagamit ka ng mga pahintulot sa channel sa YouTube, ikaw dapat ang May-ari.
Kailan mo papalawakin ang setting na ito sa ibang bansa/rehiyon at higit pang pagkakakilanlan?
Magsisimula kami sa mga creator at artist na nasa US at posibleng gawin naming available ang setting na ito sa mas maraming bansa/rehiyon sa paglipas ng panahon. Alam naming hindi ipinapakita ng mga kategorya at pagpipilian sa survey ang lahat ng paraan kung paano posibleng tukuyin ng mga indibidwal sa buong mundo ang kanilang pagkakakilanlan. Layunin naming palawakin ang mga kategorya at pagpipiliang ito sa hinaharap.
Ang setting na ito ay dagdag pa sa ibang pagsisikap na kasalukuyang ginagawa para matulungan kaming pagandahin ang karanasan para sa lahat ng creator at manonood. Halimbawa, patuloy na nakikipagtulungan ang YouTube sa mga manonood at creator na may mga kapansanan para mapahusay ang pagiging accessible ng platform at para makatulong na tiyaking may inclusive na karanasan ang lahat sa YouTube.
Kailangan ko bang sagutin ang bawat tanong sa Demograpiko ng Creator?
Maaapektuhan ba ng setting na ito ang performance ng channel ko?
Hindi gagamitin ang impormasyong ibibigay mo para maapektuhan ang performance ng isang partikular na content sa mga system ng YouTube.
Gusto naming tiyaking hindi nagpapakita ang aming mga system ng hindi sinasadyang bias. Gagamitin ang data mula sa Demograpiko ng Creator para suriin ang mga bahagi ng YouTube tulad ng aming mga system ng Search, Discovery, at Pag-monetize. Kung makakakita kami ng mga error na nakakaapekto sa ilang partikular na komunidad, pagtutuunan namin ng pansin ang pagpapahusay sa pagsasanay ng aming system para gawing mas tumpak at inclusive ang mga ito.Paano ninyo ginawa ang questionnaire ng Demograpiko ng Creator?
Ibabahagi ba sa labas ng YouTube ang aking mga sagot?
Iso-store sa iyong channel sa YouTube ang impormasyong ibabahagi mo sa Survey sa Creator at Artist o setting ng Demograpiko ng Creator, at hindi gagamitin ng iba pang produkto ng Google. Hindi ito isasapubliko nang walang karagdagang pahintulot mo, at hindi ito gagamitin para sa mga layunin ng pag-advertise. Hindi namin ibibigay ang impormasyong ito sa mga advertiser o gagamitin ito para sa pag-target ng mga ad.
Puwede mong piliin kung magbibigay ka ng pahintulot sa amin na gamitin ang iyong impormasyon para magpadala ng mga imbitasyon sa mga programa at event. Posibleng kabilang dito ang pag-highlight sa iyong channel o content; o mga workshop, pananaliksik tungkol sa user, o iba pang campaign.
Puwede mong i-edit ang iyong mga sagot sa Demograpiko ng Creator isang beses sa loob ng 45 araw na panahon. Lalabas sa Studio ang susunod na posibleng petsa kung kailan mo puwedeng isumite ulit ang impormasyon sa iyong sagot. Puwede ring ganap na i-delete ang iyong mga sagot.