Mag-troubleshoot ng mga isyu sa streaming at video

Kung ang iyong pelikula, palabas, o on demand na content ay nagba-buffer o nagla-lag pa rin o hindi nagpe-play nang maayos, subukan ang isa sa mga solusyong ito para ayusin ang mga isyu sa computer o mobile device mo. Kung nagkakaisyu ka sa iyong TV, subukan ang mga hakbang na ito. Makakatulong ang mga hakbang na ito sa pag-troubleshoot sa karamihan ng isyu at error sa pag-playback.

Kung nasubukan mo na ang mga hakbang na ito, at hindi pa rin nagpe-play nang tama ang iyong video, puwede mong subukang manood sa ibang sinusuportahang device.

Ayusin ang mga isyu sa video sa iyong computer

Mga halimbawa ng mga karaniwang mensahe ng error:
  • Paumahin, nagka-error sa pagbibigay ng lisensya sa video na ito.
  • Nangangailangan ng pagbabayad ang video na ito.
  • Nagka-error. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon.
  • Nagkakaproblema kami sa aming mga server. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon.
  • Nagkaproblema.

Kung makakatanggap ka ng error na katulad ng mga nasa itaas, subukan ang mga hakbang na ito:

  1. Tiyaking up to date ang iyong computer.
  2. Isara at buksan ulit ang iyong web browser.
  3. Kung marami kang nakabukas na tab ng browser, subukang isara ang karamihan sa mga ito maliban sa ginagamit mong tab ng browser para sa YouTube.
  4. I-update ang iyong browser sa pinakabagong bersyon.
  5. Gamitin ang Google Chrome bilang iyong browser.
  6. I-restart ang iyong device.

Ayusin ang mga problema sa mga nagba-buffer o naglo-load na video

Subukang panoorin ang iyong video gamit ang Google Chrome bilang browser mo. Kung hindi mo magamit ang Chrome, o nagkakaproblema ka pa rin, subukan ang mga hakbang sa ibaba.

  1. Sa iyong computer, i-refresh o i-restart ang internet browser mo.
  2. Tingnan ang bilis ng iyong internet. Kung gumagamit ka ng mas mabagal na koneksyon sa internet, subukang isara ang iba pang browser, tab, at app. Puwede mo ring subukang i-restart ang iyong modem or router.
  3. I-update ang iyong browser sa pinakabagong bersyon.
  4. Subukang i-clear ang iyong cache at cookies.
  5. Subukang ibaba ang kalidad ng video mo.
  6. I-restart ang iyong device.

Ayusin ang mga problema sa iyong nagha-hang na pelikula

Sa timeline ng pelikula, i-click ang i-fast forward sa susunod na ilang eksena para malaman kung magpe-play na ulit nang normal ang pelikula.

Kung hindi makakatulong ang pagkilos na ito, subukang isara at buksan ulit ang iyong web browser. Kung nagkakaproblema ka pa rin, tingnan kung may anumang update sa browser o sumubok ng ibang sinusuportahang browser, gaya ng Chrome. Kung hindi makakatulong ang mga pagkilos na ito, subukang i-clear ang iyong cache at cookies.

Ayusin ang mga problema sa mga nawawalang binili sa library

Para makita ang iyong biniling content, tiyaking naka-sign in ka sa personal na account na ginamit sa pagbili. Hindi sinusuportahan ng Mga Brand Account ang panonood ng mga pelikula o palabas, kaya kakailanganin mong lumipat sa iyong personal na account.

Para lumipat sa iyong personal na account:

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng YouTube, i-click ang icon ng iyong channel.
  2. Sa tabi ng iyong larawan sa profile, i-tap ang Lumipat ng account at pagkatapos ay. Makakakita ka ng listahan ng Mga Account na pinapamahalaan mo at ang iyong pagkakakilanlan sa Google Account.
  3. I-click ang account na gusto mong gamitin. Kung pipili ka ng Brand Account na walang channel, makakagawa ka ng channel para sa page na iyon.

Ayusin ang mga isyu sa video sa iyong TV

Suriin ang iyong koneksyon sa internet

Inirerekomenda ang bilis ng koneksyon na hindi bababa sa 7 Mbps para sa HD streaming. Puwede mong subukan dito ang bilis ng iyong koneksyon.
Inirerekomenda naming gawin ito sa tabi mismo ng TV. Kung mabagal ang iyong internet, inirerekomenda naming tiyaking abot ang iyong device o Smart TV ng saklaw ng router mo at may kakaunting interference (hal., hindi nakapaloob sa pader, hindi bina-block ng bakal, atbp.). Subukang ilipat ang iyong device para malaman kung papahusayin nito ang pagkakonekta. Puwede mo ring bawasan ang iba pang device na nakakonekta sa iyong network.

Suriin ang kalidad ng iyong streaming

Subukang manual na i-adjust ang kalidad.
  1. Piliin ang Mga Setting sa video player.
  2. Piliin ang Kalidad at tingnan kung may opsyon kang manual na mag-adjust.

Isara at buksan ulit ang YouTube app

  1. Pindutin ang button ng home sa iyong remote.
  2. Buksan ulit ang YouTube app.
  3. Subukang i-replay ang iyong video.

Mag-sign out sa YouTube app at mag-sign in ulit

  1. Buksan ang YouTube app.
  2. Piliin ang iyong larawan sa profile at pagkatapos ay ang icon sa ibaba para pamahalaan ang iyong profile.
  3. Piliin ang Susunod para magpatuloy at mag-sign out.
  4. Bumalik sa Mga Setting at piliin ang Mag-sign in. Posibleng kakailanganin mong maglagay ng code.
  5. Subukang i-replay ang iyong video.

I-restart ang iyong device

  1. Idiskonekta ang iyong device mula sa saksakan.
  2. Maghintay nang ilang segundo.
  3. Ikonekta ulit ang iyong device.
  4. Bumalik sa YouTube app at subukang i-replay ang iyong video.

I-update ang system software para sa iyong device

Tingnan kung may anumang available na update sa system ng iyong device. Puwede mong tingnan kung may mga update sa pamamagitan ng pagtingin sa seksyong update sa system ng mga setting ng iyong device. Kung may available na update, sundin ang mga tagubilin sa screen para ma-update ang system, pagkatapos ay subukan ulit ang iyong video.

Kung nagkakaproblema ka sa pag-update o pagtingin sa mga isyu sa streaming sa ilang iba't ibang serbisyo, tingnan ang site ng suporta ng manufacturer ng iyong device para sa tulong sa pag-troubleshoot.

Puwede mo ring subukang gumamit ng ibang paraan para ma-play ang pamagat sa iyong TV:

  • Kung may Chromecast ka, mag-play sa isa pang device at i-cast sa iyong TV.
  • Kung may HDMI cable ka, mag-play mula sa isang laptop at ikonekta sa iyong TV.

Gayundin, subukang manood sa isa pang device para malaman kung magpapatuloy ang parehong isyu.

Bawasan ang pagkaantala ng broadcast sa iyong TV para sa Mga Primetime Channel

Ang pagkaantala ng broadcast ay ang pagkaantala sa pagitan ng pag-capture ng camera sa isang event at sa pagpapakita ng nasabing event kapag nanonood ka sa iyong TV. 

Kapag mas maikli ang pagkaantala ng broadcast, mas mababawasan ang pag-buffer sa video player. Sa pamamagitan ng mas maikling pagkaantala ng broadcast, mas malamang na maka-experience ka ng interruption sa pag-playback.

Posible ring magdulot ang trapiko sa network at iba pang salik ng mga isyu sa live programming, na puwedeng makaantala sa stream. Puwedeng mangyari ang mga pagkaantala kahit na may malakas kang network.

I-update ang iyong pagkaantala ng broadcast sa YouTube app sa TV mo

  1. Mula sa kanang sulok sa ibaba, piliin ang Mga Setting.
  2. Piliin ang Pagkaantala ng Broadcast.
  3. Piliin ang Bawasan o Default.

Pinakamainam ang “Default” para bawasan ang mga pagkaputol ng pag-playback. Pinakamainam ang “Bawasan” para mabawasan ang mga spoiler sa live. Piliin ang opsyong “Bawasan” kung gusto mo ng kaunting pagkaantala ng broadcast na walang masyadong pagkaputol ng pag-playback.

Magpadala ng feedback

Puwede kang magsumite ng feedback tungkol sa mga isyu sa panonood ng mga video sa YouTube app sa pamamagitan ng pagpunta sa icon ng iyong profile at pagkatapos ay Tulong at Feedback at pagkatapos ay Magpadala ng Feedback nang direkta pagkatapos ng problema mo sa pag-playback.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10336560410518759445
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false