May iba't ibang paraan para i-filter ang iyong mga paghahanap sa Google para maging mas tumpak o mapalawak sa mga bagong direksyon ang mga ito.
Advanced na paghahanap
Nag-aalok ang Google ng mga page na idinisenyo para tulungan kang magsagawa ng mga specialized na paghahanap sa web at paghahanap ng larawan:
Mga filter at paksa
Pagkatapos mong magsagawa ng paghahanap, lalabas ang button ng filter at button ng paksa malapit sa search bar. Posible ring lumabas ang mga ito sa iba pang lugar sa page.
Mga Filter
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga filter na limitahan ang mga resulta sa isang partikular na uri, gaya ng:
- Video
- Balita
- Mga Larawan
- Web
Makakakuha sa filter na "Web" ng mga text-based na link na papunta sa mga website.
Dynamic ang mga eksaktong filter at ang pagkakasunod-sunod ng paglabas ng mga ito. Batay ito sa kung ano sa palagay ng aming mga system ang pinakakapaki-pakinabang sa iyong query. Kung hindi mo nakikita ang isang partikular na filter na gusto mo, gamitin ang opsyong "Lahat" para tingnan ang iba pang available.
Mga Paksa
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga paksang magdagdag ng mga termino sa query mo na makakatulong sa iyong makakuha ng mas partikular na impormasyon o mag-explore ng nauugnay na impormasyon. Awtomatikong binubuo at ipinapakita ang mga nauugnay na paksa para sa isang query. Batay ang mga ito sa kung ano ang nauunawaan ng aming mga system tungkol sa kung paano naghahanap ang mga tao at kung paano sinusuri ang content sa buong web. Available ang mga paksa sa mga computer para sa karamihan ng mga bansa o rehiyon, at papalawakin ang mga ito sa higit pang bansa o rehiyon at wika sa mobile.
Mga Operator
Para limitahan ang iyong mga resulta sa mga partikular na paraan, puwede kang gumamit ng mga espesyal na operator sa paghahanap mo. Huwag maglagay ng mga space sa pagitan ng operator at iyong termino para sa paghahanap. Gagana ang paghahanap para sa [site:nytimes.com
], pero hindi ang [site: nytimes.com
]. Narito ang ilang sikat na operator:
Maghanap ng eksaktong tugma: Maglagay ng salita o parirala sa loob ng mga panipi. Halimbawa, [pinakamataas na gusali
].
Pumunta sa aming blogpost para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano maghanap gamit ang mga panipi.
Maghanap ng partikular na site: Ilagay ang site:
sa unahan ng site o domain. Halimbawa, [site:youtube.com mga video ng pusa]
.
Magbukod ng mga salita sa iyong paghahanap: Ilagay ang -
sa unahan ng salitang ayaw mong maisama. Halimbawa, [bilis ng jaguar -kotse
].
Mga kaugnay na resulta
Pagkatapos mong mag-click ng resulta sa web at bumalik sa mga resulta ng paghahanap, puwede kang makakita ng higit pang kaugnay na resulta na idinagdag sa orihinal na binuo. Nauugnay ang mga idinagdag na resultang ito sa resulta sa web na na-click mo.
Mga kaugnay na paghahanap
Pagkatapos ng isang paghahanap, makakakita ka ng mga kaugnay na paghahanap sa orihinal mong hinanap. Awtomatikong binubuo ang mga kaugnay na paghahanap batay sa kung ano ang nauunawaan ng aming mga system tungkol sa kung paano naghahanap ang mga tao.
Mga Setting
Sa Google Search, puwede kang gumamit ng mga setting na magbibigay-daan sa iyong magtugma o mag-alis ng ilang partikular na uri ng content:
- Puwede kang mag-filter ng mga resulta sa Google Search sa iba't ibang wika gamit ang Filter ng mga resulta ayon sa wika.
- Puwede kang mag-filter ng explicit na content sa iyong mga resulta gamit ang SafeSearch.