Makakuha ng impormasyon tungkol sa iyong mga larawan at kapaligiran

Puwede mong kunin ang mga detalye o gamitin ang iyong mga larawan, bagay sa paligid mo, at paghahanap ng larawan gamit ang Google Lens.

Mga Tala:  

  • Puwedeng isalin ng Lens ang text sa lahat ng wika sa Google Translate.
  • Available ang mga resulta sa Shopping sa Austria, Australia, Belgium, Brazil, Canada, Chile, Colombia, Czechia, Denmark, France, Germany, India, Indonesia, Ireland, Italy, Japan, Malaysia, Mexico, Netherlands, New Zealand, Norway, Pilipinas, Poland, Portugal, Russia, Singapore, South Africa, South Korea, Spain, Sweden, Switzerland, Turkey, UAE, United Kingdom, at United States.

Magagamit mo ang Google Lens sa Google Photos o sa Google app, pero hindi sa iyong camera o Google Assistant.

Kunan ng mga detalye at gamitin ang iyong mga larawan

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Pumili ng larawan.
  3. I-tap ang Google Lens Google Lens.
  4. Depende sa iyong larawan, tingnan ang mga detalye o gumawa ng pagkilos.

Kung kukuha ka ng larawan ng: 

  • Business card: I-save ang numero ng telepono o address sa isang contact.
  • Aklat: Kumuha ng buod at magbasa ng mga review.
  • Flyer o billboard ng event: Idagdag ang event sa iyong kalendaryo.
  • Palatandaan o gusali: Tumingin ng mga dating impormasyon, oras ng operasyon, at higit pa.
  • Painting sa museo: Magbasa tungkol sa artist at matuto pa.
  • Halaman o hayop: Matutunan ang tungkol sa mga species at breed.

Tip: Para kumopya ng text, i-tap at piliin ang mga salitang gusto mong kopyahin.

Maghanap ng impormasyon tungkol sa mga bagay sa paligid mo

Tandaan: Sa English lang available ang Google Lens sa Google app.

  1. Sa iyong iPhone, buksan ang Google app.
  2. Sa search bar, i-tap ang Google Lens Google Lens.
    • Kung hindi mo pa nagagamit ang Google Lens, i-tap ang I-on ang camera para magamit ang Lens.
  3. Sa iyong screen, i-tap ang item.
    • Para pumili ng text, i-tap ang isang salita, pagkatapos ay i-tap ito ulit at i-drag ang mga asul na tuldok.
  4. Sa ibaba, i-tap ang isang resulta o Hanapin.

Maghanap ng impormasyon tungkol sa mga resulta sa paghahanap ng larawan

  1. Sa iyong telepono o tablet, pumunta sa images.google.com at maghanap ng larawan.
    • Ang Google Lens sa paghahanap ay gumagana lang mula sa paghahanap ng larawan at sa mga still na larawan lang.
    • Hindi ito gagana para sa mga nakakapanakit na larawan.
  2. Mag-tap ng resultang larawan.
  3. I-tap ang Google Lens Google Lens.
  4. Kung available, mag-tap ng puting tuldok. Kung hindi, bilugan ang isang bahagi ng larawan gamit ang iyong daliri o stylus.
  5. Mag-tap ng resultang larawan.
  6. Para umalis sa Lens at bumalik sa paghahanap ng larawan, i-tap ang Isara Remove.

Tingnan at i-delete ang iyong aktibidad sa Google Lens

Para hanapin at i-delete ang iyong aktibidad sa Google Lens, pumunta sa page ng Lens sa Aking Aktibidad. Alamin kung paano kontrolin kung ano ang nase-save sa iyong Google Account

Kung ayaw mong ma-save sa iyong Google Account ang aktibidad mo sa Google Lens, kabilang ang larawan, i-off ang Aktibidad sa Web at App. Alamin kung paano tingnan at kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App.