I-troubleshoot ang mga Android phone at tablet
Kung hindi gumagana ang Google Assistant mo sa “Hey Google” sa Android device mo, tiyaking naka-on ang Google Assistant, Hey Google at Voice Match:
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Assistant app at sabihin ang, “Mga setting ng Assistant.”
- Sa ilalim ng "Mga sikat na setting," i-tap ang Voice Match.
- I-on ang Hey Google at i-set up ang Voice Match.
Para sa karagdagang tulong o para mag-troubleshoot ng mga iPhone o iPad, alamin kung paano ayusin ang mga isyu sa isang telepono o tablet.
Tip: Kung naka-sign in ka sa isang Google Workspace for Education account sa iyong device at hindi ma-on ang "Hey Google," posibleng in-off ng admin ang mga setting na kinakailangan para gumana ang "Hey Google." Makipag-ugnayan sa iyong admin para sa higit pang detalye.
Mag-troubleshoot ng mga speaker, Smart Display, at Smart Clock
Suriin ang speaker, Smart Display, o Smart Clock na nakakaranas ka ng mga isyu.
- Tiyaking nakasakask ito at naka-on.
- Tiyaking nakakonekta ito sa internet at nasa parehong Wi-Fi network kung saan nakakonekta ang iyong mobile device.
- Tiyaking naka-on ang mikropono:
- Mga speaker (maliban sa Google Home), Smart Display, o Smart Clock: Sa likod ng device mo, tiyaking naka-on ang switch para sa mikropono. Kadalasan ay orange o pula ang switch kapag naka-off ang mikropono.
- Google Home: Sa likod ng speaker mo, pindutin ang button na i-mute ng mikropono para i-on o i-off ang mikropono. Sasabihin ng Assistant mo kung na-on mo ang mikropono o na-mute ito.
Para sa karagdagang tulong sa mga speaker, Smart Display, at Smart Clock, alamin kung paano ayusin ang mga isyu sa isang speaker, Smart Display, o Smart Clock o paano i-adjust kung gaano kasensitibo ang Google Assistant sa “Hey Google”.