Notification

Users can now migrate Google Podcasts subscriptions to YouTube Music or to another app that supports OPML import. Learn more here

Hindi ipapakita ng Google app ang mga resulta ng paghahanap

Kung wala kang makukuhang resulta ng paghahanap sa Google app, posibleng kailanganin mong baguhin ang ilang setting. Puwede mong lutasin ang mga error na tulad ng:

  • "Sa kasamaang palad, huminto sa paggana ang Google Search."
  • "Hindi naisagawa ang kahilingan dahil walang koneksyon sa internet." 

Sundin ang mga hakbang na ito para subukang lutasin ang iyong problema.

Tip: Posibleng mag-iba-iba ang mga setting ayon sa device.

Hakbang 1: Subukang ayusin ang iyong koneksyon sa Internet

1. Siguraduhing wala sa Airplane mode ang iyong device

Ino-off ng Airplane mode ang Wi-Fi at mga mobile network. Kung mayroong icon na eroplano sa itaas ng iyong screen, naka-on ang Airplane mode.

Para i-off ang Airplane mode:

  1. Buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-off ang "Airplane mode."

Para makita kung makakakuha ka ng mga resulta, subukan ulit ang iyong paghahanap.

2. Tingnan ang iyong koneksyon ng Wi-Fi.

Kung gumagamit ka ng Wi-Fi para makakonekta sa Internet, posibleng kailanganin mong isaayos ang mga setting ng iyong Wi-Fi.

Para i-on ang Wi-Fi:

  1. Buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Wi-Fi.
  3. I-on ang "Wi-Fi."
  4. Pumili ng network at maglagay ng password, kung hihingin ito.

Dapat ay may lumabas na icon ng Wi-Fi sa itaas ng iyong screen. Para makita kung makakakuha ka ng mga resulta, subukan ulit ang iyong paghahanap.

Kung wala kang makukuhang resulta, subukan ang mga hakbang na ito:

  • Kung naka-on ang Wi-Fi pero hindi ka nakakonekta o kung matatanggap mo ang alertong "Walang Koneksyon sa Internet sa setting ng Wi-Fi:”
    • Tiyaking pinili mo ang tamang network.
    • Kung nakakonekta ka sa isang pampublikong network, posibleng mangailangan ka ng password. Sa iyong browser, magbukas ng webpage para makakita ng screen sa pag-sign in.
    • Kung sa iyo ang modem, i-restart ito. Kung hindi ito gagana, makipag-ugnayan sa iyong Internet provider.
  • Kung ang icon ng Wi-Fi ay bahagyang puno o nagbi-blink:
    • Tiyaking pinili mo ang tamang network.
    • Kung alam mo kung nasaan ang router, para magkaroon ka ng mas malakas na signal, lumapit dito.
    • Kung sa iyo ang router, i-restart ito.

Kung hindi pa rin gagana ang Wi-Fi, posibleng kailanganin mong gumamit na lang ng koneksyon ng mobile data. I-off ang Wi-Fi at subukan ulit ang iyong paghahanap.

3. Suriin ang iyong koneksyon ng mobile data

Kapag hindi available ang Wi-Fi, puwede kang kumonekta sa Internet gamit ang mobile data.

Para masuri ang iyong koneksyon ng mobile data: Buksan ang browser mo at pumunta sa anumang webpage. Kung hindi maglo-load ang page, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

Para i-on ang mobile data:

  1. Buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Cellular.
  3. I-on ang Cellular data. Kung naka-on na ito, i-off ito at i-on ulit.

Sa itaas ng iyong screen, makikita mo dapat ang lakas ng iyong signal at uri ng koneksyon sa data (tulad ng LTE). Para makita kung makakakuha ka ng mga resulta, subukan ulit ang iyong paghahanap.

Kung wala kang makukuhang resulta o kung makakakita ka ng icon na nagpapahiwatig na walang signal, subukan ang mga hakbang na ito:

1. Pumunta sa isang lugar na may mas mahusay na coverage.

Walang koneksyon sa ilang underground at rural na lokasyon. Subukang kumonekta sa ibang lugar.

2. Makipag-ugnayan sa iyong service provider sa mobile.

Kung madalas na nagkakaroon ng problema sa mga koneksyon ang iyong device, makipag-ugnayan sa service provider mo.

Hakbang 2: Subukang ayusin ang Google app

1. I-restart ang Google app
  1. Sa isang iPhone X at mas bago, sa iPad na may iOS 12 at mas bago, o sa iPadOS: Mula sa Home screen, mag-swipe pataas at mag-pause nang bahagya sa gitna ng screen.
    Sa isang iPhone 8 o mas luma: Para ipakita ang iyong mga pinakakamakailang ginamit na app, i-double click ang button na Home.
  2. Para mahanap ang app na gusto mong isara, mag-swipe pakanan o pakaliwa.
  3. Para maisara ang app, mag-swipe pataas sa preview ng app.
  4. Para mag-restart, i-tap ang preview ng app.

Para makita kung makakakuha ka ng mga resulta, subukan ulit ang iyong paghahanap.

2. I-restart ang iyong device
I-restart ang iyong device at subukan ulit ang iyong paghahanap.
3. I-update ang Google app

Kung nakakakonekta ka sa Internet, i-update ang Google app sa pinakabagong bersyon.

Para makita kung makakakuha ka ng mga resulta, subukan ulit ang iyong paghahanap.

Tandaan na maraming problema na kusang nalulutas. Kung sinundan mo ang mga hakbang na ito at hindi pa rin lumalabas ang mga resulta ng paghahanap, subukan ulit sa loob ng ilang oras.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8612500838617931075
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false