Mag-ulat ng problema sa Google Search

Kung nagkakaproblema ka sa Google Search, o gusto mong sabihin sa amin ang iyong mga saloobin tungkol sa kung paano ito gumagana, puwede kang magpadala ng feedback report sa Google. 

Mag-ulat ng problema

Mobile browser
Kung gumagamit ka ng isang mobile browser tulad ng Chrome, sundin ang mga hakbang na ito para mag-ulat ng isyu:
  1. Maghanap sa Google.
  2. Mag-scroll pababa sa ilalim ng page ng mga resulta.
  3. I-tap ang Feedback.
  4. Maglagay ng isang paglalarawan ng isyung nakikita mo.
  5. Kung gusto mo, maaari kang magsama ng isang screenshot ng page na hinahanap mo.
  6. I-tap ang Ipadala Ipadala.
Google app
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google app Google .
  2. Sa kaliwang itaas, i-tap ang Higit pa Higit Pa at pagkatapos Magpadala ng Feedback.
  3. Maglagay ng isang paglalarawan ng isyung nakikita mo.
  4. I-tap ang Ipadala Ipadala.

Ano ang mangyayari sa iyong feedback

Puwede naming suriin ang feedback na ipapadala mo at gamitin ito para mapahusay ang karanasan sa Google Search para sa lahat.

Mahalaga: Hindi kami palaging makakasagot sa iyong feedback, pero hindi iyon nangangahulugang hindi ito nasuri.