Kung nagkakaproblema ka sa Google Search, o gusto mong sabihin sa amin ang iyong mga saloobin tungkol sa kung paano ito gumagana, puwede kang magpadala ng feedback report sa Google.
Mag-ulat ng problema
Mobile browserKung gumagamit ka ng isang mobile browser tulad ng Chrome, sundin ang mga hakbang na ito para mag-ulat ng isyu:
- Maghanap sa Google.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas ng page, i-tap ang Menu Magpadala ng feedback.
- Maglagay ng paglalarawan ng isyu.
- Kung gusto mo, puwede kang magsama ng screenshot ng page na tinitingnan mo.
- I-tap ang Ipadala .
- Sa iyong Android device, buksan ang Google app .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o inisyal Tulong at feedback Magpadala ng Feedback.
- Maglagay ng paglalarawan ng isyu.
- I-tap ang Ipadala .
Ano ang mangyayari sa iyong feedback
Puwede naming suriin ang feedback na ipapadala mo at gamitin ito para mapahusay ang karanasan sa Google Search para sa lahat.