Ginagamit mo man ang Google Search sa trabaho, sa mga bata, o para sa iyong sarili, matutulungan ka ng SafeSearch na i-filter ang tahasang content sa mga resulta mo. Kasama sa mga tahasang resulta ang tahasang sekswal na content tulad ng pornograpiya, karahasan, at gore. Matuto pa tungkol sa mga patakaran sa content ng Google Search.
Mahalaga: Gumagana lang ang SafeSearch sa mga resulta ng paghahanap sa Google. Hindi nito iba-block ang tahasang content na mahahanap mo sa iba pang search engine o website na direkta mong pupuntahan.
I-on o i-off ang SafeSearch
Kung papamahalaan mo ang iyong sariling Google Account, puwede mong i-on ang SafeSearch para sa iyong personal na account o browser.
- Sa iyong computer, pumunta sa mga setting ng SafeSearch.
- I-on o i-off ang SafeSearch.
- Kung may makikita kang Lock
sa kanang bahagi sa itaas, naka-lock ang iyong setting ng SafeSearch. Nagbibigay ang page ng mga setting ng impormasyon tungkol sa kung sino ang namamahala sa iyong setting ng SafeSearch. Matuto pa tungkol sa kung bakit naka-lock ang iyong SafeSearch.
- Kung may makikita kang Lock
Tip: Sa kanang bahagi sa itaas ng mga resulta ng paghahanap sa Google, puwede mo ring i-click ang Mga Mabilisang Setting para ma-on o ma-off ang SafeSearch .
Paano gumagana ang SafeSearch
Kapag naka-on ang SafeSearch: Bagaman hindi 100% tumpak ang SafeSearch, nakakatulong itong i-filter ang tahasang content sa mga resulta ng paghahanap sa Google para sa lahat ng iyong query sa mga larawan, video, at website.
Kapag naka-off ang SafeSearch: Ibibigay namin ang mga pinakanauugnay na resulta para sa iyong paghahanap na puwedeng may kasamang tahasang content kapag hinanap mo ito.
Sino ang puwedeng bumago sa iyong mga setting ng SafeSearch
- Kung pinapamahalaan mo ang iyong sariling Google Account, puwede mong i-on o i-off ang SafeSearch.
- Kung tinutulungan ka ng isang magulang na pamahalaan ang iyong account sa Family Link app, mapapamahalaan ng magulang mo ang iyong setting ng SafeSearch.
- Kung naka-sign in ka sa Google Workspace for Education account at wala ka pang 18 taong gulang o nauugnay ka sa isang K-12 na institusyon, mapapamahalaan ng iyong administrator ang setting ng SafeSearch mo.
- Puwedeng i-lock ng mga administrator ng iyong device o network sa palaging naka-on ang SafeSearch.
Pamahalaan ang mga setting ng SafeSearch para sa iba
Baguhin ang mga setting ng SafeSearch ng iyong anak sa Family Link appNaka-on ang SafeSearch bilang default para sa mga batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa) na naka-sign in sa isang account na pinapamahalaan gamit ang Family Link. Para sa mga account na ito, mga magulang lang ang puwedeng mag-off sa SafeSearch. Matuto pa tungkol sa Search at sa Google Account ng iyong anak gamit ang Family Link app.
Kung gusto mong matiyak na mga resulta ng SafeSearch ang makikita sa isa pang device na pinapamahalaan mo, tulad ng iyong PC o MacBook, puwede mong imapa ang mga Google domain sa forcesafesearch.google.com. Alamin kung paano panatilihing naka-on ang SafeSearch para sa mga device na pinapamahalaan mo.
Ayusin ang mga isyu sa SafeSearch
Kung hindi gumagana ang SafeSearch, alamin kung paano ayusin ang mga isyu sa SafeSearch.
Mag-ulat ng content na naglalaman ng kabastusan
Kung naka-on ang SafeSearch at nakakita ka ng tahasang content, puwede mong iulat ang content.