Baguhin ang iyong wika sa Google

Maaari mong piliin ang wikang ginagamit mo para sa mga produkto ng Google at resulta ng paghahanap.

Google app

Upang baguhin ang wika na ginagamit ng Google app, palitan ang setting ng wika ng iyong telepono. Kapag binago mo ang setting na ito, babaguhin nito ang wika ng lahat ng app sa telepono mo.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang app na Mga Setting Mga Setting.
  2. I-tap ang Pangkalahatan at pagkatapos ay Wika at Rehiyon at pagkatapos ay Wika sa iPhone o iPad.
  3. Piliin ang gusto mong wika.
  4. I-tap ang Tapos na.

Mobile browser

Kung gumagamit ka ng browser, tulad ng Chrome o Safari, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Sa iPhone o iPad mo, pumunta sa page ng Mga setting ng paghahanap.
  2. Piliin ang iyong mga setting sa wika.
    • Wika sa mga produkto ng Google: Binabago ng setting na ito ang wika para sa interface ng Google, kabilang ang mga mensahe at button sa iyong screen.
    • Wika ng mga resulta ng Paghahanap: Hinayahaan ka ng setting na ito na piliin mo ang mas maraming wika kung saan mo nakikita ang mga resulta ng paghahanap. Sinusubukan naming awtomatikong makahanap ng mga resultang nakasulat sa wikang pinili mo sa itaas, pero maaari ka namang pumili ng iba pang wika.
  3. I-tap ang I-save.