Puwede mong itakda ang gusto mong wika para sa mga button at iba pang display text na lumalabas sa Google Search.
Tip: Hindi nito babaguhin ang wika ng iyong mga resulta ng paghahanap.
Alamin kung paano tinutukoy ng Google ang wika ng mga resulta ng paghahanap.
Google app
Para palitan ang wikang ginagamit ng iyong Google app, baguhin ang setting ng wika ng device mo. Kapag binago mo ang setting na ito, mapapalitan mo ang wika para sa lahat ng app sa iyong device.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Settings app .
- I-tap ang General Language & Region iPhone language o iPad language.
- Piliin ang gusto mong wika.
- I-tap ang Tapos na.
Mobile browser
Sa Chrome o Safari, puwede mong gamitin ang page ng mga setting ng browser para palitan ang wika.
- Sa iyong mobile device, buksan ang Mga setting ng paghahanap.
- Mag-scroll papunta sa seksyong "Wika ng Display."
- Sa ibaba, i-tap ang Kumpirmahin.