Baguhin ang iyong wika sa Google

Maaari mong piliin ang wikang ginagamit mo para sa mga produkto ng Google at resulta ng paghahanap.

Google app

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google app Google Search.
  2. Sa kaliwang sulok sa itaas, i-tap ang Higit Pa Higit Pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Wika at rehiyon at pagkatapos ay Wika ng paghahanap.
  3. I-tap ang wika kung saan mo gustong makita ang mga resulta ng paghahanap.

Mobile browser

Kung gumagamit ka ng browser, tulad ng Chrome, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Sa iyong Android na phone o tablet, pumunta sa page ng Mga setting ng paghahanap.
  2. Piliin ang iyong mga setting sa wika.
    • Wika sa mga produkto ng Google: Binabago ng setting na ito ang wika para sa interface ng Google, kabilang ang mga mensahe at button sa iyong screen.
    • Wika ng mga resulta ng Paghahanap: Hinayahaan ka ng setting na ito na piliin mo ang mas maraming wika kung saan mo nakikita ang mga resulta ng paghahanap. Sinusubukan naming awtomatikong makahanap ng mga resultang nakasulat sa wikang pinili mo sa itaas, pero maaari ka namang pumili ng iba pang wika.
  3. I-tap ang I-save.

Baguhin kung aling mga wika ang gagamitin mo sa Discover

Matutunan kung paano i-customize kung aling mga wika ang makikita mo sa Discover.