Puwede mong gamitin ang iyong boses para maghanap ng kapaki-pakinabang na impormasyon.
Magsimula ng Paghahanap Gamit ang Boses
Mahalaga: Gumagana lang ang trigger na “Ok Google” para sa Google Assistant.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google app .
- I-tap ang Mikropono .
- Para maghanap ng kahit ano sa Google Search , gamitin ang iyong boses.
Mga karaniwang paghahanap gamit ang boses
Kung available ang paghahanap gamit ang boses sa iyong wika, bansa, at rehiyon, puwede mong sabihin ang karamihan sa mga halimbawang ito.
Tip: Gumagana lang ang ilan sa mga halimbawang ito sa ilang partikular na wika, bansa, o rehiyon.
Maghanap ng bagong musika: "Anong mga kanta ang kinakanta ng Mumford and Sons?"
Maghanap ng pelikula: "Anong mga pelikula ang palabas ngayong gabi?" o "Saan palabas ang Hunger Games?"
Maghanap ng mga larawan: "Magpakita sa akin ng mga larawan ng Golden Gate Bridge."
Kumuha ng mga direksyon: "Mag-navigate papuntang Safeway" o "Mga direksyon papunta sa 1299 Colusa Avenue Berkeley California."
Maghanap ng mga kalapit na lugar: "Saan ang pinakamalapit na coffee shop?"
Planuhin ang iyong biyahe: "Ano ang ilang atraksyon sa New York City?"
Mag-book ng mesa: "Mag-book ng mesa para sa 2 sa Cascal sa Miyerkules ng gabi."
Maghanap ng oras: "Anong oras na sa London?"
Tingnan ang lagay ng panahon: "Kailangan ko ba ng jacket ngayon?" o "Ano ang magiging lagay ng panahon bukas ng umaga?"
Sumagot ng mga trivia na tanong: "Saan ipinanganak si Albert Einstein?" o "Ilang taon na si Beyonce?"
Magsalin ng mga salita o parirala: "Paano sabihin ang pipino sa Spanish?"
Mag-define ng isang salita: "Ano ang ibig sabihin ng gluttony?"
Mag-convert sa pagitan ng mga unit: "Ano ang 16 ounces sa pounds?"
Lumutas ng isang math problem: "Ano ang square root ng 2209?"