Gamitin ang mga paghahanap at pagkilos ng boses na "Ok Google"

Magagamit mo ang iyong boses para makagawa ng mga pagkilos tulad ng paghahanap, pagkuha ng mga direksyon, at paggawa ng mga paalala. Halimbawa, para makita kung may ulan sa taya ng panahon, sabihin ang, "Ok Google, kailangan ko ba ng payong bukas?" Sa ilang device, maaari mo ring sabihin ang, "Hey Google."

I-on ang paghahanap gamit ang boses

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google app Google Search.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Higit pa Higit Pa at pagkatapos Mga Setting at pagkatapos Boses.
  3. Sa ilalim ng "Okay Google," i-tap ang Voice match.
  4. I-on ang I-access gamit ang voice match.

Magsimula ng isang paghahanap gamit ang boses

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google app Google Search.
  2. Sabihin ang "Ok Google" o i-tap ang Mikropono Mikropono.

Tip: Sa ilang device, maaari mo ring sabihin ang, "Hey Google."

Baguhin ang iyong mga setting ng "Ok Google"

Ang mga setting na "Ok Google" na maaari mong baguhin

Maaaring mag-iba ang mga setting ayon device at bersyon ng app ng Google. Hindi lahat ng setting ay available para sa lahat ng wika.

Alamin kung paano baguhin ang iyong mga setting ng Google app.

Kailan mo puwedeng sabihin ang "Ok Google"

  • Access sa Voice MatchMula sa anumang screen:
    Kung naka-on ang screen o nagcha-charge ang device, maaari mong sabihin ang "Ok Google" mula sa anumag screen. Ang setting na ito ay maaaring pumipigil sa paggana ng iba pang mga serbisyo ng boses na gumagamit ng mga hot word o mga wake-up command.
  • Habang nagmamaneho:
    Maaari mong sabihin ang "Ok Google" habang ginagamit mo ang Google Maps at Android Auto.
  • Laging naka-on:
    Puwede mong sabihin ang "Ok Google" naka-on man o naka-off ang iyong screen.

Kapag naka-lock ang iyong screen

  • Mag-unlock gamit ang Voice Match:
    Kapag sinabi mo ang "Ok Google" mula sa isang secure na lock screen at hindi namin nakilala ang tunog ng boses mo, puwede mong hilingin sa Google na kumilos para sa iyo o bumisita sa mga site nang hindi kinakailangang i-unlock nang manual ang device mo.
  • Mga personal na resulta:
    Tingnan ang mga personal na resulta para sa iyong mga paghahanap gamit ang boses, kahit na naka-lock ang device mo.

Modelo ng boses ng "Ok Google"

  • Muling sanayin ang modelo ng boses:
    Ituro muli sa Google ang tunog ng iyong boses. Subukan ito kung hindi makilala ng Google ang iyong boses kapag sinasabi mo ang "Ok Google." Kung hindi mo nakikita ang setting na ito, tiyaking naka-on ang "Access sa Voice Match," "Mula sa anumang screen," o "Laging naka-on."
  • I-delete ang voice model sa device:
    Alisin ang itinuro mo sa Google para makilala ang iyong boses sa device na iyon.
Mag-ayos ng mga isyu sa "Ok Google"

Alamin kung paano ayusin ang mga isyu sa "Ok Google."

I-delete ang mga recording ng boses na nagsasabing "Ok Google"

Kapag na-set up mong gumamit ng Voice Match ang iyong Assistant, ise-save sa iyong Google Account ang mga recording. Puwede mong hanapin at i-delete ang mga recording na ito sa iyong Google Account.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa myactivity.google.com.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Iba pang aktibidad sa Google at pagkatapos Pag-enroll sa Voice match at pagkatapos Tingnan ang data.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos I-delete lahat.

Mga paraan kung paano mo magagamit ang iyong boses

Kung available ang paghahanap gamit ang boses sa iyong wika at bansa, masasabi mo ang karamihan sa mga halimbawang ito. Hindi available sa lahat ng wika ang ilan sa mga ito.

Account, privacy, at paghahanap
Baguhin ang mga setting ng iyong account: "Buksan ang mga setting ng Google Account."
Tingnan ang iyong history ng paghahanap: "Ipakita ang history ng paghahanap ko sa Google."
Baguhin ang iyong mga setting sa privacy: "I-adjust ang mga setting ko ng privacy sa Google."
Baguhin ang iyong mga setting sa security: "I-adjust ang mga setting ko sa security sa Google."
Kalendaryo, mga alarma, mga paalala at impormasyon

Magtakda ng alarma: "Magtakda ng alarma para sa 7 AM" o "Magtakda ng alarma para sa bawat Biyernes ng umaga, 7 AM."

Magtakda ng isang paalala: "Ipaalala sa aking tawagan si John ng 6 PM" o "Ipaalala sa aking bumili ng Belgian chocolate sa Rustan's."

Gumawa ng isang event sa Google Calendar: "Gumawa ng isang event sa kalendaryo para maghapunan sa Cubao, Sabado ng 7 PM."

Tingnan ang mga paparating na mga bill: "Aking mga bill" o "Mga bill sa Comcast 2013."

Suriin ang iyong iskedyul: "Anong mangyayari sa araw ko bukas?" o "Kailan ko ang susunod kong meeting?"

Makipag-ugnayan sa mga kaibigan at pamilya

Tumawag sa isang kaibigan: "Tawagan si Lindsay Hampson" o "Tawagan si Mama."

Mag-text sa isang kaibigan: "Mag-text kay Jason na mahuhuli ako ng 5 minuto."

Magpadala ng email: "Magpadala ng email kay Kristin, tungkol sa bagong sapatos, mensahe, hindi ako makapaghintay na ipakita sa iyo ang bago kong sapatos, full stop."

 

Mga direksyon at paglalakbay

Kumuha ng mga direksyon: "Mag-navigate papuntang Safeway" o "Mga direksyon sa 1299 Columbia Street Cubao."

Maghanap ng mga kalapit na lugar: "Saan ang pinakamalapit na coffee shop?"

Mga katotohanan at mabilis na sagot

Maghanap ng oras: "Anong oras na sa London?"

Suriin ang panahon: "Kailangan ko ba ng jacket ngayon?" o "Ano ang lagay ng panahon bukas ng umaga?"

Sumagot ng mga trivia question: "Saan ipinanganak si Albert Einstein?" o "Ilang taon na si Beyonce?"

Kalkulahin ang tip: "Magkano ang tip para sa 42 dollars?"

Magsalin ng mga salita o parirala: "Paano sabihin ang pipino sa Spanish?"

Mag-define ng isang salita: "Ano ang ibig sabihin ng gluttony?"

Mag-convert sa pagitan ng mga unit: "Ano ang 16 ounces sa pounds?"

Lumutas ng isang problema sa math: "Ano ang square root ng 2209?"

Subaybayan ang isang package mula sa iyong kumpirmasyon ng order sa Gmail: "Nasaan ang package ko?"

Mas marami pang app na maaari mong gamitin kasama ng "Ok Google"

Maaari mong sabihin ang "Ok Google" upang magawa ang mga pagkilos gamit ang boses kasama ang iba pang mga app sa device mo. Available lang ito sa ilang mga app sa kasalukuyan, at ilang mga kataga lang ang gumagana.

Mas marami pang app na gumagana gamit ang "Ok Google"

  • Flixster: "Ipakita mo sa akin ang Inception sa Flixster."
  • Instacart: "Ipakita ang availability ng instacart."
  • Lincoln: "Simulan ang aking Lincoln MKZ."
  • NPR One: "Makinig sa NPR."
  • NextPlus: "Magpadala ng isang mensahe gamit ang NextPlus."
  • Realtor.com: "Ipakita ang mga mauupahan na malapit sa akin sa Realtor."
  • Shazam: "I-Shazam ang kantang ito."
  • Telegram: "Magpadala ng mensahe sa Telegram para kay Mama."
  • Threema: "Magpadala ng mensahe sa Threema para kay Kate."
  • TripAdvisor: "Magpakita ng mga atraksyon na malapit sa akin sa TripAdvisor."
  • Trulia: "Magpakita ng mga ibinebentang tahanan sa Boston sa Trulia."
  • TuneIn Radio: "Buksan ang TuneIn sa car mode."
  • Walmart: "I-scan ang resibo ko sa Walmart."
  • WhatsApp: "Magpadala ng WhatsApp kay Joe."
  • Wink: "I-activate ang home mode sa Wink."
  • Viber" "Magpadala ng isang mensahe gamit ang Viber."
  • Zillow: "Ipakita sa akin ang mga malapit na open house sa Zillow.

Tingnan ang mas marami pang halimbawa ng pagkilos gamit ang boses.

Natututunan ng Google ang ilan sa mga ginusto mong app

Kapag hindi mo nabanggit ang pangalan ng app para sa ilang mga kahilingan (halimbawa, maaari mong sabihin ang “i-scan ang resibo ko”), maaari mong buksan ang app mula sa mga resulta ng paghahanap. Pagkatapos mong gawin ito nang ilang beses, natututunan ng Google na gusto mong buksan ang app at hindi ka na muling tatanungin.

Kung gusto mong tanungin sa tuwing bubuksan ang app:

  1. Sabihin o i-type ang pagkilos gamit ang boses.
  2. Kanselahin sa pamamagitan ng pag-tap sa   .
  3. Ulitin nang ilang beses.
Hindi na awtomatikong maglulunsad ang app, at lalabas muli sa mga resulta ng paghahanap, at sa ilang mga kaso, pagkatapos ng ilang minuto.

Kung saan mo maaaring gamitin ang paghahanap gamit ang boses

Available ang mga pagkilos na ito sa English sa United States, United Kingdom, Australia, Canada, India, Ireland, Singapore, at South Africa.

Kinakailangang may Google app 4.0 o mas mataas ang device mo na kung saan naka-on ang Aktibidad sa Web at App.