Notification

Users can now migrate Google Podcasts subscriptions to YouTube Music or to another app that supports OPML import. Learn more here

Impormasyong medikal sa Google

Puwede kang maghanap sa Google ng impormasyong medikal na sinusuri ng mga doktor. Puwede kang matuto pa tungkol sa mga sumusunod:
  • Mga Sintomas
  • Mga Paggamot
  • Mga medikal na kundisyon
  • Pag-iwas at kaligtasan
  • Mga Alalahanin

Tip: Available lang ang impormasyong medikal tungkol sa mga sintomas at paggamot sa ilang bansa. Nagbibigay kami ng medikal na impormasyon tungkol sa mga pinakamadalas na hanaping paksa. Nagbibigay-kaalaman lang ang mga larawan.

Saan nagmumula ang impormasyong medikal

Nagmumula ang impormasyong medikal sa Google sa mga may mataas na kalidad na website, medikal na propesyonal, at resulta ng paghahanap.
  1. Hinahanap at sinusuri namin ang mga impormasyong may kaugnayan sa kalusugan mula sa mga may mataas na kalidad na site sa buong web.
  2. Maingat na sinusuri at pinipino ng mga team ng mga doktor ang impormasyon. 
  3. Gumagawa ng mga visual ang mga may lisensyang medical illustrator.
Kung maghahanap ka ng isang sintomas, makakakita ka ng seksyong tinatawag na "Mga kundisyong pangkalusugang nauugnay sa paghahanap na ito." Nagmumula ang seksyong ito sa mga resulta ng paghahanap at sa aming Knowledge Graph. Tinitingnan namin ang mga resultang ito para sa kaugnayan.
Mga source ng impormasyong medikal

Mga ahensya ng pamahalaan

  • Bundesministerium für Gesundheit (BMG - Federal Ministry of Health ng Germany)
  • Centers for Disease Control and Prevention (CDC)
    • Pagmamay-ari ng Department of Health and Human Services (HHS) ng US ang markang ‘CDC’ at ginagamit ito nang may pahintulot. Ang paggamit ng logo na ito ay hindi nangangahulugang ineendorso ng HHS o CDC ang anumang partikular na produkto, serbisyo, o enterprise.
  • ClinicalTrials.gov
  • Food and Drug Administration (FDA)
  • National Cancer Institute (NCI)
  • National Institutes of Health (NIH)
  • National Library of Medicine (NLM)
  • United States Surgeon General
  • World Health Organization (WHO)

Mga Partnership (nag-iiba sa bawat rehiyon)

  • Albert Einstein Hospital, Brazil
  • Apollo Hospitals, India
  • Cleveland Clinic, USA
  • College of Medicine, University of Ibadan, Nigeria
  • Columbia Asia Hospitals, India
  • Harvard Medical School (HMS), USA
  • Mayo Clinic, USA
  • Medical Note, Japan
  • Mitra Keluarga Hospitals, Indonesia
  • National Health Service
  • Power to Decide
  • Partnership for Drug-Free Kids
  • Database ng Disease Ontology
  • Truven Health Analytics
  • VoxHealth

Mga medical illustrator

  • Alison E. Burke
  • Cassio Lynm
  • Catherine Delphia
  • Christy Krames
  • Jennifer E. Fairman
  • Laurie O’Keefe
  • Michele Graham
  • Molly Borman-Pullen
  • Suman Kasturia
  • Todd Buck

Kailan dapat kumonsulta sa isang propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan

Hindi nalalapat sa lahat ng tao ang impormasyong medikal sa Google at hindi ito medikal na payo. Kung mayroon kang medikal na alalahanin, tiyaking makipag-ugnayan sa isang provider ng pangangalagang pangkalusugan. Kung sa tingin mo ay posibleng mayroon kang isang medikal na emergency, agad na tumawag sa iyong doktor o sa lokal mong pang-emergency na numero.

Mag-ulat ng maling impormasyon

Kung makakakita ka ng mga problema sa impormasyong medikal sa Google, magagawa mong:

  1. Sa ibaba ng medikal na impormasyon, piliin ang Feedback.
  2. Sundin ang mga hakbang sa screen para ipaliwanag kung anong impormasyon ang mali.
  3. Isumite ang iyong feedback.

Gagamitin namin ang iyong feedback para mapahusay ang mga resulta sa hinaharap.

Impormasyong sino-store ng Google tungkol sa iyong mga medikal na paghahanap

Para makita at alisin ang iyong mga paghahanap, pumunta sa Aking Aktibidad.

Alamin kung paano maghanap at magkontrol ng aktibidad sa iyong account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
834263748499675865
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false