Notification

Users can now migrate Google Podcasts subscriptions to YouTube Music or to another app that supports OPML import. Learn more here

Accessibility sa Google Search

Pagkatapos mong maghanap, inaayos ang page ng mga resulta para madali kang makapag-navigate dito gamit ang pantulong na teknolohiya, tulad ng mga screen reader at keyboard.

Gamitin ang mga link ng accessibility sa mga page ng mga resulta

Sa computer, may 3 link ng accessibility sa itaas ng page ng mga resulta ng paghahanap:

  • Lumaktaw sa pangunahing content: Mapupunta sa unang item ng content sa page, tulad ng resulta ng paghahanap o ad.
  • Tulong sa accessibility: Bubuksan ang artikulo ng tulong na ito.
  • Feedback sa accessibility: Bubuksan ang isang form kung saan puwede kang magbigay ng feedback para sa accessibility sa Google Search. Ilagay ang iyong feedback at piliin ang Ipadala.

Para pumili ng link ng accessibility:

  • Gamit ang keyboard:
    1. Pindutin ang Tab key hanggang sa umabot ka sa link na gusto mo.
    2. Pindutin ang Enter key.
  • Gamit ang screen reader: Gamitin ang mga mabilisang kontrol sa pag-navigate.

Mag-navigate sa mga heading ng seksyon

Para matulungan kang mag-navigate gamit ang screen reader, ang page ng mga resulta ng paghahanap ay may hierarchy ng mga heading ng seksyon.

Sa mga computer

  • Heading level 1 (H1): Kasama ang mahahalagang bahagi ng page, tulad ng mga resulta ng paghahanap, ad, at kung paano mag-navigate.
  • Heading level 2 (H2): Kasama ang mga pangalan ng mga nakagrupong resulta, tulad ng "Mga resulta ng sports" at "Mga Video."
  • Heading level 3 (H3): Kasama ang mga indibidwal na pamagat sa mga resulta ng paghahanap, pamagat ng ad, at nilimitahang nakagrupong resulta.

Sa mga telepono at tablet

  • Heading level 1 (H1): Kasama ang logo ng Google at link na may pangalang "Google" na dumidirekta sa homepage ng Google.
  • Heading level 2 (H2): Ang unang H2 heading ay ang mga resulta ng paghahanap. Ang ikalawa ay mga ad.
  • Heading level 3 (H3): Kasama ang mga indibidwal na pamagat ng resulta ng paghahanap at pamagat ng ad.

Maghanap ng higit pang opsyon sa accessibility

Para tumuklas ng mga bagong solusyon, magbahagi ng mga tip tungkol sa mga serbisyo ng Google, at magtalakay ng mga isyu sa accessibility kasama ang iba pang user ng Google:

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17218296959611432619
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false