Kapag naghanap ka ng mga larawan sa mga kwalipikadong serbisyo ng Google, tulad ng Google Lens sa Google App, puwede mong piliin kung ise-save ng Google ang History ng Visual na Paghahanap sa iyong Aktibidad sa Web at App kapag naka-sign in ka. Kung io-on mo ang setting ng History ng Visual na Paghahanap, makikita at made-delete mo ang iyong nakaraang History ng Visual na Paghahanap. Alamin kung saan puwedeng i-save ang iyong mga larawan.
Posibleng gamitin ang iyong History ng Visual na Paghahanap para pagandahin ang experience mo sa mga serbisyo ng Google, tulad ng pagbibigay-daan sa iyong balikan ang mga nakaraang visual na paghahanap mo. Posible itong gamitin para i-develop at pahusayin ang mga teknolohiya sa visual na pagkilala at paghahanap ng Google, pati na rin ang mga serbisyo ng Google na gumagamit ng mga ito.
Tip: Naka-off ang setting ng History ng Visual na Paghahanap bilang default.
I-on o i-off ang History ng Visual na Paghahanap
- Pumunta sa iyong Google Account.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Data at privacy.
- Sa "Mga setting ng history," i-click ang Aktibidad sa Web at App.
- Sa tabi ng "History ng Visual na Paghahanap," lagyan ng check o i-uncheck ang box.
Kapag naka-off ang setting ng History ng Visual na Paghahanap, hindi mase-save sa iyong Aktibidad sa Web at App ang mga larawang ginagamit mo sa paghahanap. Kung dati nang naka-on ang setting ng History ng Visual na Paghahanap at in-off mo ito, posibleng patuloy na gamitin ang mga larawang na-save bilang bahagi ng iyong Aktibidad sa Web at App para mapahusay ang mga teknolohiya sa visual na pagkilala at paghahanap maliban na lang kung ide-delete mo ang mga ito sa iyong account. Makikita at made-delete mo ang iyong History ng Visual na Paghahanap sa Aking Aktibidad sa Google.
Hanapin o i-delete ang iyong mga larawan
Hanapin ang iyong mga larawan- Pumunta sa iyong Google Account.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Data at privacy.
- Sa ilalim ng "Mga setting ng history," i-click ang Aktibidad sa Web at App Pamahalaan ang lahat ng Aktibidad sa Web at App.
- Sa page na ito, magagawa mong:
- Maghanap ng listahan ng iyong nakaraang aktibidad: Ipinapakita ang mga larawang na-save sa account mo.
- Mag-download ng larawan: Para mag-download ng larawan, i-click ang larawang gusto mong i-download.
- Sa page na ito, magagawa mong:
Sa iyong Google Account, puwede mong i-download ang iyong mga naka-save na larawan gamit ang Google Takeout. Alamin kung paano i-download ang iyong data sa Google.
Tip: Para mapaigting ang seguridad, puwede kang mag-require ng karagdagang hakbang sa pag-verify para matingnan ang iyong buong history.
Alamin kung paano i-delete ang iyong aktibidad.
Posibleng i-delete ng Google ang mga larawan mo sa iyong Aktibidad sa Web at App nang mas maaga kaysa sa timeframe na pipiliin mo, kapag hindi na kailangan ang mga ito para sa pag-develop at pagpapahusay ng mga serbisyo na gumagamit ng mga teknolohiya sa visual na paghahanap. Puwede mong i-download ang mga naka-save na larawan sa iyong Google Account gamit ang Google Takeout. Alamin kung paano i-download ang iyong data sa Google.
Tungkol sa setting ng History ng Visual na Paghahanap
Kapag gumamit ka ng larawan para maghanap, gagamitin ng Google ang mga teknolohiya nito sa visual na paghahanap para iproseso ang larawan, tulad kapag naghanap ka gamit ang Google Lens. Halimbawa, kung gagamitin mo ang Google Lens para maghanap ng larawan ng isang bulaklak, ipoproseso ng mga teknolohiya sa visual na paghahanap ng Google ang larawan at magbibigay ang mga ito ng mga nauugnay na resulta.
Sine-save ng Aktibidad sa Web at App ang mga bagay na ginagawa mo sa mga site, app, at serbisyo ng Google sa iyong Google Account.
Gamit ang opsyonal na setting ng History ng Visual na Paghahanap na ito, puwede ka ring mag-save ng mga larawan sa iyong Aktibidad sa Web at App kapag nakipag-interact ka sa mga kwalipikadong serbisyo ng Google. Naka-off ang setting ng History ng Visual na Paghahanap bilang default.
Kung saan puwedeng i-save ang iyong mga larawan
Kapag naka-on ang setting ng History ng Visual na Paghahanap, posibleng ma-save sa iyong Aktibidad sa Web at App ang mga larawang ginagamit mo sa paghahanap mula sa mga sumusunod na kwalipikadong serbisyo ng Google kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account:
- Google Lens na nasa Google App sa Android, iPhone, at iPad
- Box para sa Mabilis na Paghahanap at Tray ng Lahat ng App sa Android
- Lens App
Posibleng hindi ma-save ang mga larawang ginagamit mo sa paghahanap mula sa mga serbisyo ng Google na nasa itaas para sa ilang partikular na bersyon ng app at device.
Tip: Hindi naaapektuhan ng setting ng History ng Visual na Paghahanap ang mga larawang posibleng ma-save ng iba pang setting, tulad ng Aktibidad sa Mga Gemini App.
Paano ginagamit ang mga larawan
Posibleng gamitin ang iyong History ng Visual na Paghahanap para pagandahin ang experience mo sa mga serbisyo ng Google, tulad ng pagbibigay-daan sa iyong balikan ang mga nakaraang visual na paghahanap mo. Ginagamit ng Google ang mga larawang na-save kapag naka-on ang setting na ito para i-develop at pahusayin ang mga teknolohiya sa visual na paghahanap at pagkilala, at ang mga serbisyo ng Google na gumagamit ng mga ito, tulad ng Google Lens.
Mga teknolohiya sa visual na paghahanapNagagawa ng ilan sa mga teknolohiya sa visual na paghahanap ng Google na tumukoy ng mga bagay sa loob ng mga larawang ginagamit mo sa paghahanap at masagot ang iyong mga tanong kaugnay ng larawan. Kung naka-on ang iyong setting ng History ng Visual na Paghahanap, posibleng gamitin ng Google ang mga larawang ginagamit mo sa paghahanap sa mga kwalipikadong serbisyo ng Google para sanayin ang mga modelong nagde-develop at nagpapahusay sa mga teknolohiya sa visual na paghahanap ng Google.
Tip: Posibleng hindi available ang setting ng History ng Visual na Paghahanap para sa lahat ng uri ng account sa lahat ng lokalidad.
Kung gagamitin mo ang iyong device nang walang koneksyon sa internet, posibleng ma-save ang History ng Visual na Paghahanap sa Google Account mo kapag nag-online ka na
- Hindi nito mao-off ang mga setting ng larawan ng Google Lens.
- Hindi nito mao-off ang Aktibidad sa Web at App, na puwede pa ring mag-save ng iyong aktibidad sa paghahanap sa mga serbisyo ng Google.
- Magagamit pa rin ang mga dati nang naka-save na larawan para mapahusay ang mga teknolohiya sa visual na paghahanap.