Notification

Users can now migrate Google Podcasts subscriptions to YouTube Music or to another app that supports OPML import. Learn more here

Limitahan ang mga resulta ng iyong paghahanap gamit ang mga filter

Puwede mong limitahan at i-customize ang mga resulta ng iyong paghahanap para makita mismo ang gusto mo. Halimbawa, puwede kang maghanap ng mga site na na-update saloob ng nakalipas na 24 na oras o mga larawan na may impormasyon ng lisensya.

Tip: Kapag gumamit ka ng mga filter, hindi magbabago ang iyong Mga setting ng paghahanap. Para i-delete ang mga nakaraang paghahanap o baguhin ang mga setting tulad ng SafeSearch, mga resulta sa bawat page, o mga wika, pumunta sa Mga setting ng paghahanap.

Magdagdag o mag-alis ng mga filter

Tip: Nakabatay sa iyong paghahanap at uri ng mga resulta ang Mga tool sa paghahanap na makikita mo. Hindi mo palaging makikita ang bawat opsyon.

  1. Sa iyong computer, buksan ang browser mo, tulad ng Chrome o Safari.
  2. Maghanap sa google.com.
  3. Sa ibaba ng box para sa paghahanap, piliin ang uri ng mga resultang gusto mo, tulad ng LahatMga Larawan, o Balita.
    • Para sa higit pang opsyon, i-click ang Higit pa.
  4. Sa ibaba ng box para sa paghahanap, i-click ang Mga Tool.
    • Para magdagdag ng mga filter: Sa bar na Mga Tool, i-click ang filter at pumili ng opsyon.
    • Para mag-alis ng mga filter: Sa bar na Mga Tool, i-click ang I-clear.

Tip: Para sa mga filter na idaragdag mo sa isang click, i-click ulit ang filter para alisin ito.

Mga paraan kung paano i-filter ang mga resulta ng iyong paghahanap

Uri ng resulta

Puwede mong limitahan ang iyong mga resulta sa isang uri ng content, tulad ng mga larawan, video, o balita. Sa tabi ng box para sa paghahanap, piliin ang iyong mga resulta.

Halimbawa, para makakuha ng:

  • Mga Litrato: Piliin ang Mga Larawan.
  • Mga resulta ng paghahanap na makakatulong sa iyong bumili: Piliin ang Pamimili.

Mga tool sa paghahanap

Kapag napili mo na ang uri ng mga resultang gusto mo, puwede mo pang limitahan ang iyong mga resulta gamit ang Mga tool sa paghahanap. Puwedeng kasama sa mga tool na ito ang lokasyon, kulay, laki, o petsa kung kailan na-publish ang isang page.

Mga operator sa paghahanap

Puwede mo ring limitahan ang iyong paghahanap kapag nagdagdag ka ng mga operator sa paghahanap, na mga salita o simbolong puwede mong idagdag sa iyong query. Alamin kung paano pinuhin ang mga paghahanap sa web.

Mga uri ng mga tool sa paghahanap

Mahalaga: Available lang ang ilang Tool sa paghahanap sa ilang wika o kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account.

Mga resulta sa web
Tip: Magbabago ang Mga tool sa paghahanap na makikita mo batay sa iyong paghahanap, uri ng mga resulta, at browser. Hindi mo palaging makikita ang bawat opsyon.

Kasama sa ilang tool ang:

  • Petsa ng pag-publish: Maghanap ng mga resulta batay sa kung kailan na-publish ang mga ito.
  • Verbatim: Maghanap ng mga eksaktong salita o parirala.
  • Diksyunaryo: Maghanap ng mga kahulugan, kasingkahulugan, o larawan.
  • Personal: Maghanap ng content na ibinahagi sa iyo sa mga produkto ng Google tulad ng Gmail.
    • Para makatanggap ng mga personal na resulta, mag-sign in sa iyong Google Account.
  • Nasa Malapit: Limitahan ang mga resulta sa kung ano ang malapit sa iyong kasalukuyang lokasyon.
  • Mga Recipe: Limitahan ang mga resulta batay sa mga sangkap, tagal ng pagluluto, at mga calorie.
  • Mga Application: Maghanap ng app batay sa presyo o operating system (OS) nito.
  • Mga Patent: Maghanap ng patent batay sa status, uri, tanggapan ng patent, petsa ng pag-file, o petsa ng pag-publish.
Mga resulta mula sa mga larawan
  • Laki: Piliin kung malaki, katamtaman, o icon.
  • Kulay: Maghanap ng mga larawan na may partikular na kulay, black and white, o transparent.
  • Uri: Limitahan ang mga resulta sa mga clip art, line drawing, o animated na GIF.
  • Oras: Maghanap ng larawan na na-publish kamakailan o na-publish sa isang partikular na petsa.
  • Mga karapatan sa paggamit: Maghanap ng mga larawan na may naka-attach na impormasyon ng lisensya sa mga ito.
Mga resulta mula sa video
  • Tagal: Limitahan ang mga resulta batay sa haba ng video.
  • Oras: Maghanap ng mga video na na-publish kamakailan o na-publish sa isang partikular na petsa.
  • Kalidad: Maghanap ng mga video na may mataas na kalidad.
  • May mga closed caption: Limitahan ang mga resulta sa mga video na may mga closed caption.
  • Source: Limitahan ang mga resulta sa mga video mula sa isang partikular na source, tulad ng YouTube.
Mga resulta mula sa lugar

Kapag naghanap ka ng mga partikular na lugar, posibleng makakita ka ng mga filter tulad ng:

  • Iyong mga nakaraang pagbisita: Limitahan ang mga resulta sa mga lugar na nabisita mo na o hindi pa nabibisita.
  • Rating: Limitahan ang mga resulta sa mga lugar na may partikular na rating o mas mataas.
    • Nire-rate ng mga tao ang mga lugar na ito sa Google.
  • Cuisine: Limitahan ang mga resulta sa mga lugar na naghahain ng partikular na uri ng pagkain.
  • Presyo: Maghanap ng mga lugar batay sa kung magkano ang magagastos sa mga ito.
  • Mga Oras: Maghanap ng mga lugar batay sa kung kailan bukas ang mga ito.

Magdagdag o mag-alis ng mga lugar na nabisita mo na

Para makakuha ng mas mahuhusay na resulta ng paghahanap, puwede mong ipaalam sa Google kung napuntahan mo na ang isang lugar:

  • Sa iyong telepono: Sa ilalim ng "Pangkalahatang-ideya," i-tap ang Bumisita ka rito __ (na) araw/linggo/taon na ang nakalipas.
  • Sa iyong computer: Sa tabi ng "Mga nakaraang pagbisita mo," i-click ang I-edit at pagkatapos ay Oo o Hindi.

Tip: Para mag-filter ayon sa mga lugar na nabisita mo na:

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13170207426443788485
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false