I-filter ang mga resulta ng paghahanap mo

Maaari mong i-filter at i-customize ang mga resulta ng paghahanap mo para eksaktong mahanap ang gusto mo. Halimbawa, maaari kang maghanap ng mga site na na-update sa loob ng nakalipas na 24 na oras o mga larawan ng isang partikular na kulay.

Tandaan: Hindi binabago ng pagfi-filter ng iyong mga resulta ng paghahanap ang anuman sa iyong mga setting ng paghahanap. Para baguhin ang mga setting tulad ng SafeSearch, mga resulta bawat page, wika, o para i-delete ang mga nakaraang paghahanap, pumunta sa Mga setting ng paghahanap

Magdagdag o mag-alis ng mga filter

Computer
  1. Sa computer mo, sa isang browser tulad ng Chrome o Firefox, gumawa ng isang paghahanap sa Google.
  2. Sa ibaba ng box para sa paghahanap:
    • Para piliin ang uri ng resultang gusto mong makita, i-click ang uri ng resulta, tulad ng Mga Larawan o Balita.
    • Para makita ang mga karagdagang pagpipilian, i-click ang Higit Pa.
    • Para makakita ng mga filter na magagamit mo, i-click ang Mga Tool.
      Tip: Magbabago ang mga tool na nakikita mo batay sa mga paghahanap at filter mo. Para hindi mo makita ang lahat ng opsyon sa bawat pagkakataon.
Telepono o tablet
  1. Sa mobile device mo, sa isang mobile browser tulad ng Chrome o Safari, gumawa ng isang paghahanap sa Google.
  2. Sa ibaba ng box para sa paghahanap:
    • Para mapili ang uri ng resultang gusto mong makita, i-tap ang uri ng resulta, tulad ng Mga Larawan o Balita.
    • Para makakita pa ng mga filter na magagamit mo, i-tap ang Maghanap ng mga tool.
      Tip: Magbabago ang mga tool na nakikita mo batay sa mga paghahanap at filter mo. Para hindi mo makita ang lahat ng opsyon sa bawat pagkakataon.
    • Para alisin ang mga filter na idinagdag sa pamamagitan ng mga tool sa Paghahanap, i-tap ang I-clear.

Mga paraan para mag-filter ng mga resulta ng paghahanap

Uri ng resulta

Sa itaas o ibaba ng isang page ng resulta ng paghahanap, makakakita ka ng mga paraan para ma-filter ang mga resulta mo sa isang uri ng content. Halimbawa:

  • Para makakuha lang ng mga larawan sa mga resulta ng paghahanap, piliin ang Mga Larawan.
  • Para makakuha ng mga resulta ng paghahanap na nakakatulong sa iyong maghanap ng mga paraan para mabili ang mga bagay na hinanap mo, piliin ang Shopping.

Mga tool sa paghahanap

Pagkatapos mong magpasya kung aling uri ng mga resulta ang gusto mo, maaari mong pinuhin ang mga resulta mo gamit ang Mga tool sa paghahanap. Maaaring kasama sa mga tool na ito ang mga bagay tulad ng lokasyon, kulay, laki, at ang petsa kung kailan na-publish ang isang page.

Mga uri ng mga tool sa paghahanap

Available ang ilang mga tool sa Paghahanap sa ilang mga wika lang, o nagpapakita lang kung naka-sign in ka sa Google Account mo.

Mga resulta sa web

Magbabago ang mga tool na nakikita mo batay sa mga paghahanap at filter mo. Kaya't hindi mo makikita ang lahat ng opsyon sa bawat pagkakataon. Maaaring kabilang sa mga tool ang:

  • Petsa ng pag-publish: Limitahan ang mga resulta ayon sa kung kailan na-publish ang mga ito.
  • Verbatim: Maghanap para sa mga eksaktong salita o kataga.
  • Diksyunaryo: Maghanap ng mga kahulugan, kasingkahulugan, larawan, at mas marami pa.
  • Pribado: Kung naka-sign in ka sa iyong Google Account, maaari kang makakita ng content na naibahagi sa iyo sa Google+ o Gmail.
  • Kalapit: Tingnan ang mga resulta para sa iyong kasalukuyang lokasyon.
  • Mga Video: I-filter ayon sa haba ng video, kalidad at pinagmulan (tulad ng youtube.com).
  • Mga Recipe: I-filter ayon sa mga sangkap, oras ng pagluluto, at mga calorie.
  • Mga Application: Piliin ang presyo at operating system (o OS) para sa mga available na app.
  • Mga Patent: Pumili ng pagfa-file o petsa ng pagpa-publish ng patent, ang tanggapan ng patent kung saan ito na-file, status ng pagfa-file at uri. Maaari ka ring magsagawa ng paghahanap ng patent nang direkta sa patents.google.com
Mga resulta ng mga larawan
  • Laki: Pumili mula sa malaki, katamtaman, o icon, o itakda ang mga eksaktong dimensyon.
  • Kulay: Maghanap ng mga larawan ng isang partikular na kulay, itim at puti o transparent.
  • Uri: Tingnan lang ang mga larawan na mga mukha, larawan, clip art, line drawing, o animated na GIF.
  • Oras: Hanapin ang isang larawan na na-publish kamakailan, o na-publish sa isang tiyak na petsa.
  • Mga karapatan sa paggamit: Tumingin ng mga larawan na maaari mong muling gamitin o baguhin. Matutunan kung paano maghanap ng content na muling gagamitin.
Mga resulta ng lugar

Depende sa uri ng lugar na hinanap mo, makikita mo ang ilan sa mga filter na ito:

  • Mga nakaraang pagbisita mo: Pakauntiin ang mga resulta sa mga lugar na nabisita mo na o hindi pa nabisita.
  • Rating: I-filter ayon sa rating na ibinigay ng ibang taong gumagamit ng Google.
  • Cuisine: Tingnan ang mga resulta batay sa uri ng ihinaing pagkain.
  • Presyo: I-filter kung magkano ang presyo sa isang restaurant o sa ibang lugar.
  • Oras: Limitahan ang mga resulta batay kung kailan bukas ang lugar.

Magdagdag o mag-alis ng mga lugar na binisita mo

Para makakuha ng mas mahusay na mga resuta sa paghahanap, masasabi mo sa Google kung napuntahan mo na o hindi pa ang isang lugar.

  • Sa telepono mo: Sa ilalim ng "Overview," i-tap ang Bumisita ka rito __ (na) araw/linggo/taon na ang nakaraan.
  • Sa computer mo: Sa tabi ng "Mga nakaraang pagbisita mo," i-tap ang I-edit at pagkatapos ay Oo o Hindi.

Tandaan: Para i-filter ayon sa mga lugar na nabisita mo na, i-on ang History ng Lokasyon sa Android device o iPhone o iPad mo, at i-on ang Aktibidad sa Web at App.

Maghanap ng mga operator

Isa pang paraan para i-filter ang mga resulta ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga operator ng paghahanap. Ang mga salita o simbolong tumutulong na pakauntiin ang mga resulta mo.