Kapag naghanap ka sa Google, posibleng makakuha ka ng mga resulta sa mga wikang iba sa wikang ginamit mo sa paghahanap, lalo na sa mga lugar kung saan maraming tao ang nagsasalita ng dalawa o higit pang pangkalahatang wika. Ipinapaliwanag sa page na ito kung paano awtomatikong tinutukoy ang wika ng mga resulta at kung paano ka manual na makakapag-filter para sa isang partikular na wika.
Paano namin tinutukoy ang wika ng mga resulta
Sa maraming bansa at rehiyon, gumagamit ang mga tao ng maraming wika para maghanap sa Google. Para mapaglingkuran ang mga multilingual na tao sa pinakamahusay na paraan, gumagamit ang Google ng ilang salik para awtomatikong matukoy kung anong wika o mga wika ang magiging pinakakapaki-pakinabang na gamitin para sa mga resulta:
Wikang ginamit ng user sa paghahanap
Pagiging kapaki-pakinabang ng content
Setting ng Wika ng Display
Mga setting ng browser at device
Mga setting ng Lokasyon at Rehiyon
Impormasyong ibinibigay ng mga content creator
Paano i-filter ang mga resulta sa isang partikular na wika
May dalawang paraan para manual na ma-filter ang mga resulta ng paghahanap sa isang partikular na wika:
- Filter ng Mga Resulta ayon sa Wika: Isa itong filter na lumalabas sa itaas ng mga resulta ng paghahanap, at nagbibigay-daan ito sa iyo na limitahan ang mga resulta sa gustong wika o mga wika. Matuto pa.
- Pag-filter ng wika sa Advanced na Paghahanap: I-filter ang mga resulta sa page na Advanced na Paghahanap.
Pakitandaang pangunahing idinisenyo ang mga filter ng wika para sa mga resulta sa web. Posibleng hindi magbago ang ilang feature sa paghahanap tulad ng mga display sa Knowledge Graph at Mga Nangungunang Kuwento kapag ginamit mo ang mga ito. Posible ring hindi gumana ang mga ito para sa mga resulta sa web kung hindi made-detect ng Google ang wika ng page. Puwede itong mangyari dulot ng iba't ibang dahilan, gaya ng kung may mahigit sa isang wika sa page o kung hindi sumusunod ang content sa aming gabay sa kung paano matutulungan ang Google na makaunawa ng mga multilingual na site.