Paano maghanap sa Google

Alamin ang ilang tip at trick upang matulungan kang madaling makahanap ng impormasyon sa Google .

Tip 1: Magsimula sa mga pangunahing kaalaman

Hindi mahalaga kung ano ang iyong hinahanap, magsimula sa isang simpleng paghahanap tulad ng nasaan ang pinakamalapit na paliparan? . Maaari ka palaging magdagdag ng ilang mapaglarawang mga salita kung kinakailangan.

Kung naghahanap ka ng isang lugar o produkto sa isang partikular na lokasyon, idagdag ang lokasyon. Halimbawa, bakery seattle

Tip 2: Maghanap gamit ang iyong boses

Pagod na sa pagta-type? Upang maghanap gamit ang iyong boses, sabihin ang "Ok Google" o piliin ang Mikropono . Matuto nang higit pa tungkol sa kung paano maghanap gamit ang boses mo.

Tip 3: Maingat na pumili ng mga salita

Kapag nagpapasya ka kung anong mga salita ang ilalagay sa box para sa paghahanap, subukang pumili ng mga salitang malamang na lumabas sa site na iyong hinahanap. Halimbawa, sa halip na sabihing masakit ang ulo ko, sabihin na headache, dahil iyon ang salita na maaaring gamitin ng isang medikal na site.

Tip 4: Huwag mag-alala tungkol sa maliit na bagay

  • Spelling. Awtomatikong ginagamit ng spell checker ng Google ang pinakakaraniwang spelling ng isang salita, hindi mo man ito na-spell nang tama. 
  • Pag-capitalize. Ang paghahanap para sa Manila Bulletin ay pareho ng isang paghahanap para sa manila bulletin.

Tip 5: Maghanap ng mga mabilis na kasagutan

Para sa karamihan sa paghahanap, ang Google na ang gagawa ng trabaho para sa iyo at ipapakita ng sagot sa iyong tanong sa mga resulta ng paghahanap. Ang ilang mga feature, tulad ng impormasyon tungkol sa mga sports team, ay available sa lahat ng rehiyon. 

  • Lagay ng Panahon: Hanapin ang lagay ng panahon upang makita ang lagay ng panahon sa iyong lokasyon o magdagdag ng isang pangalan ng lungsod, tulad ng lagay ng panahon Cebu, upang mahanap ang lagay ng panahon para sa isang tiyak na lugar.
  • Diksyunaryo: Ilagay ang define sa harap ng anumang salita upang makita ang kahulugan nito. 
  • Mga Kalkulasyon: Magpasok ng math equation tulad ng 3*9123 , o maglutas ng mga kumplikadong graphing equation.
  • Pag-convet ng mga unit: Ipasok ang anumang conversion, tulad ng 3 dollars sa euros.
  • Sports: Hanapin ang pangalan ng iyong team upang makakita ng iskedyul, mga score sa laro at higit pa. 
  • Maiikling kaalaman: Maghanap ng pangalan ng isang celebrity, lokasyon, pelikula o kanta upang makahanap ng nauugnay na impormasyon. 

Mga ekspertong tip sa Paghahanap

Gusto mo ba ng mas marami pang tip at trick upang matulungan kang maghanap na tulad ng isang pro? Tingnan ang mga link sa ibaba upang matuto nang higit pang technique sa advanced na paghahanap.