Mahalaga: Para suriin ang wika, gumagamit ang pagsusuri sa grammar ng mga system ng AI at posibleng hindi ito 100% tumpak, lalo na sa mga hindi kumpletong pangungusap.
Puwede mong gamitin ang feature ng Google na pagsusuri sa grammar para tingnan kung ang isang parirala o pangungusap ay nakasulat nang may tamang grammar o kung paano ito itatama, kung hindi.
Paano gamitin ang pagsusuri sa grammar sa Search
Malamang na makakuha ka ng resulta ng pagsusuri sa grammar kapag naglagay ka ng "pagsusuri sa grammar" sa iyong paghahanap o kung nauunawaan ng Search na gusto mo ng pagsusuri sa grammar.
Tip: Available lang ang feature na ito sa English.
Vine-verify ng output na ibinibigay ng pagsusuri sa grammar kung tama ang grammar. Kung hindi, isinasaad nito kung paano itatama ang parirala o pangungusap. Puwede rin nitong itama ang mga pagkakamali sa spelling.
Mga patakaran para sa pagsusuri sa grammar sa Search
Para matiyak na mga kapaki-pakinabang na pagsusuri sa grammar ang mga ito para sa lahat, may ginagamit kaming mga system para mapigilan ang mga pagsusuri sa grammar kapag posibleng lumalabag ang content sa mga pangkalahatang patakaran ng Google Search o mga patakaran para sa mga feature ng Search na ito:
- Mapanganib na content
- Mapanligalig na content
- Mapoot na content
- Medikal na content
- Tahasang sekswal na content
- Panteroristang content
- Karahasan at gore
- Bulgar na pananalita at pagmumura
Matuto tungkol sa mga pangkalahatang patakaran sa content para sa Google Search.
I-share ang iyong feedback sa Pagsusuri sa Grammar
Para magsumite ng feedback sa resulta ng pagsusuri sa grammar:
- Sa kanang bahagi sa ibaba ng box ng mga resulta ng pagsusuri sa grammar, i-click ang Feedback.
- Pumili ng isa sa mga sumusunod:
- Nakakatulong ito.
- Wala itong kaugnayan.
- Mali ang suhestyon.
- Nakakapanakit ang suhestyon.
- Sa text box, puwede mong ilagay ang iyong mga komento o suhestyon.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Ipadala.