Puwede mong pamahalaan ang mga naka-save na link, larawan, at lugar sa page na Mga Interes.
Mahalaga: Posibleng hindi available ang feature na ito sa lahat ng wika at bansa o rehiyon. Para mahanap ang iyong mga koleksyon, dapat ay naka-sign in ka sa Google Account mo.
Pamahalaan ang iyong mga naka-save na item
Mahahanap at mapapamahalaan mo ang lahat ng iyong naka-save na item sa iisang lugar, kahit na wala ang mga ito sa isang koleksyon.
Hanapin ang lahat ng naka-save na item
- Sa iyong computer, pumunta sa page na Mga Interes.
- I-click ang Lahat ng naka-save na item.
Maglipat ng naka-save na item sa isang koleksyon
- Sa iyong computer, pumunta sa page na Mga Interes.
- I-click ang Lahat ng naka-save na item.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Pumili.
- Piliin ang mga item na gusto mong ilipat sa isang koleksyon.
- I-click ang Kopyahin .
- Pumili ng koleksyon mula sa listahan o magdagdag ng bago.
Mag-edit ng naka-save na item
Mahalaga: Nasa isang koleksyon dapat ang mga naka-save na item para ma-edit ang mga ito.
- Sa iyong computer, pumunta sa page na Mga Interes.
- Sa item na gusto mong i-edit, i-click ang koleksyon.
- Sa naka-save na item na gusto mong i-edit, i-click ang Higit pa .
- I-click ang I-edit .
- Para i-edit ang pamagat: I-overwrite ang field na “Pamagat.”
- Para magdagdag ng paglalarawan: Maglagay sa field na “Magdagdag ng tala.”
- Para i-edit ang thumbnail: I-click ang Baguhin ang thumbnail.
- Kung available, pumili ng ibang opsyon sa thumbnail.
- I-click ang Tapos na.
Mag-alis ng mga naka-save na item
Mahalaga: Ganap na ide-delete ng hakbang na ito ang mga naka-save na item sa lahat ng koleksyon at sa iyong account.
- Sa iyong computer, pumunta sa page na Mga Interes.
- I-click ang Lahat ng naka-save na item.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Pumili.
- Piliin ang mga item na gusto mong alisin.
- I-click ang Alisin.
Alisin ang iyong mga naka-save na item mula sa isang koleksyon
- Sa iyong computer, pumunta sa page na Mga Interes.
- Mag-click ng koleksyon.
- Para mag-alis ng mga item, i-click ang Pumili.
- Piliin ang mga item na gusto mong alisin.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang I-delete.
Mag-alis ng buong koleksyon
Mahalaga: Made-delete mo ang mga koleksyong ginawa mo at mga koleksyong na-share sa iyo. Hindi mo made-delete ang mga koleksyong ginawa namin, tulad ng Cookbook o Watchlist.
- Sa iyong computer, pumunta sa page na Mga Interes.
- Mag-click ng koleksyon.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa I-delete.
Maglipat ng mga naka-save na item mula sa isang koleksyon
- Sa iyong computer, pumunta sa page na Mga Interes.
- Mag-click ng koleksyon.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Pumili.
- Pumili ng isa o higit pang item.
- Para ilipat sa isang koleksyon:
- I-click ang Ilipat sa isang koleksyon.
- Pumili ng kasalukuyang koleksyon o Bagong koleksyon.
- Ililipat doon ang iyong mga naka-save na item at aalisin ang mga ito sa koleksyong kasalukuyang kinabibilangan ng mga ito.
- Para idagdag sa isang koleksyon:
- I-click ang Idagdag sa isang koleksyon.
- Pumili ng kasalukuyang koleksyon o Bagong koleksyon.
- Idaragdag sa koleksyong iyon ang mga naka-save na item mo at mananatili ang mga ito sa kasalukuyang koleksyon.
- Para ilipat sa isang koleksyon:
I-rename ang iyong koleksyon
Mahalaga: Hindi mo mare-rename ang isang koleksyong ginawa namin, tulad ng Cookbook o Watchlist.
- Sa iyong computer, pumunta sa page na Mga Interes.
- Mag-click ng koleksyon.
- Sa itaas, i-click ang Higit pa I-edit .
- Ilagay ang bagong pamagat.
- I-click ang Tapos na.
Tip: Para i-edit ang pamagat, sa itaas, puwede mo ring i-click ang pamagat ng koleksyon.
Magbahagi ng koleksyon
- Sa iyong computer, pumunta sa page na Mga Interes.
- I-click ang koleksyong gusto mong i-share.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang I-share .
- I-on ang Pag-share.
- Piliin ang link na gusto mong i-share.
- Para payagan ang iba na i-edit ang iyong koleksyon: I-click ang Link ng contributor.
- Para payagan ang iba na matingnan ang iyong koleksyon: I-click ang Link na pagtingin lang.
- Idagdag ang pangalan o mga email kung kanino o kung saan mo gustong mag-share.
- Puwede mo ring kopyahin ang link para i-share sa ibang lugar.
- I-click ang Ipadala .