Notification

Users can now migrate Google Podcasts subscriptions to YouTube Music or to another app that supports OPML import. Learn more here

Pag-personalize at mga resulta ng Google Search

Gamit ang pag-personalize, makakakuha ka ng mga resulta ng Google Search na ipinasadya para sa iyo batay sa aktibidad mo. Gagamitin lang ang pag-personalize kung makapagbibigay ito ng mas nauugnay at kapaki-pakinabang na impormasyon. Ipinapaliwanag ng page na ito kung paano nagpapakita ang Google ng mga naka-personalize na resulta at paano kontrolin ang mga ito.

Tip: Ang mga resulta ng paghahanap ay posibleng mag-iba sa mga tao para sa mga dahilan bukod sa pag-personalize, gaya ng mga setting ng wika o mga naka-localize na resulta.

Hanapin ang iyong mga naka-personalize na resulta

Hindi naaapektuhan ng pag-personalize ang lahat ng resulta ng paghahanap. Sa halip, posibleng naka-personalize ang ilang resulta habang ang iba ay hindi.

Kung naka-personalize ang isang indibidwal na resulta, sa panel na "Tungkol sa Resultang Ito," makakakitaka ng mensaheng nagsasabing “Naka-personalize para sa iyo.” Kung hindi mo makita ang mensaheng ito, hindi naka-personalize ang resulta.

Makakakuha ka minsan ng maraming naka-personalize na resulta sa pamamagitan ng feature ng Search. Halimbawa, kung maghanap ka ng ano'ng papanoorin, posibleng naka-personalize ang mga rekomendasyon sa iyo. Kung isang salik ang pag-personalize, kasabay ng feature, makakakita ka ng mensahe gaya ng “Inirerekomenda para sa iyo.”

I-off ang pag-personalize

Kung io-off mo ang pag-personalize, hindi na ito gagamitin para magpakita sa iyo ng mga kapaki-pakinabang na indibidwal na resulta o anumang feature na nakadepende sa pag-personalize. Bilang karagdagan, magbabago ang setting na ito:

  • Idi-disable ang iyong kakayahang makita ang mga nakaraang paghahanap sa Autocomplete.
  • Hindi ipo-pause o ide-delete ang naka-store na aktibidad sa loob ng iyong Google Account. Puwede mong i-pause o i-delete anumang oras ang naka-store na aktibidad sa pamamagitan ng mga kontrol sa data at privacy.
  • Hindi idi-disable o ide-delete ang mga kagustuhan sa app o website. Halimbawa, ang mga setting ng wika o mga setting ng paghahanap, gaya ng bilang ng resulta kada page, ay mga kagustuhang hindi maaapektuhan.
  • Hindi idi-disable o ide-delete ang materal na na-save mo. Halimbawa, ang mga na-save na item sa iyong Koleksyon, mga stock na sinusubaybayan mo, o ang address ng iyong bahay at opisina ay hindi apektado.

I-off ang pag-personalize habang naka-sign in ka, i-off ang Magpakita ng mga personal na resulta. Kapag in-off mo ang Aktibidad sa Web at App, io-off mo rin ang pag-personalize. Para i-disable ang pag-personalize habang naka-sign out ka sa iyong Google Account, i-off ang Pag-customize ng paghahanap.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2661377274457982374
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false