Makakakuha ka ng higit pang access sa mas maraming content sa iyong lokal na wika sa pamamagitan ng mga nakasaling resulta. Kapag walang nauugnay na resulta sa iyong lokal na wika ang iyong query sa paghahanap, posibleng magpakita ang Google Search ng mga resulta na mula sa iba pang wika na nakasalin sa iyong lokal na wika.
- Sa Indonesian, Hindi, Kannada, Malayalam, Tamil, at Telugu.
- Sa mga mobile device na may anumang browser na sumusuporta sa Google Search.
Magbukas ng page na nasa iyong lokal na wika
- Sa iyong telepono o tablet, pumunta sa google.com.
- Maghanap.
- Sa mga resulta ng paghahanap, i-tap ang nakasaling pamagat ng page.
Tip: Kapag na-tap mo ang nakasaling pamagat ng isang page, magbubukas ang page sa Google Translate. Awtomatikong isinasalin ng Google Translate ang anumang link na pupuntahan mo mula sa nakasaling page.
Magbukas ng page sa orihinal na wika nito
Sa ibaba ng nakasaling resulta, i-tap ang I-expand ang hindi nakasaling pamagat ng page.
Paano gumagana ang mga nakasaling resulta
Nagbibigay ang Google Search ng pagsasalin ng pamagat at snippet ng resulta ng paghahanap. Puwede mong piliing tingnan ang live na pagsasalin ng page o ang orihinal na resulta. Nagmumula sa Google Translate ang mga live na pagsasalin.