Hindi naglo-load ang mga larawan

Kung mabagal mag-load o hindi talaga lumalabas ang mga larawan kapag naghanap ka sa images.google.com, subukan ang mga hakbang sa ibaba.

Pagkatapos ng bawat hakbang, maghanap ng larawan upang makita kung naayos na ang isyu. Kung naayos na ang problema, maaari mong laktawan ang natitirang mga hakbang.

Hakbang 1: Subukan ang mode ng pribadong pagba-browse

Matuto kung paano gamitin ang mode ng pribadong pagba-browse para sa Chrome, Internet Explorer, Firefox o Safari.

Kung naayos nito ang problema, magpatuloy sa hakbang 2.

Kung hindi nito naayos ang iyong problema, lumaktaw sa hakbang 3.

Hakbang 2: I-clear ang iyong cache at cookies

Matutunan kung paano i-clear ang iyong cache at cookies sa Chrome, Internet Explorer, Firefox o Safari.

Hakbang 3: I-off ang alinmang toolbar at extension

Matutunan kung paano pamahalaan ang iyong mga extension sa Chrome, Internet Explorer, Firefox o Safari.

Hakbang 4: I-on ang JavaScript

Matutunan kung paano i-on ang JavaScript sa Chrome, Internet Explorer, Firefox o Safari.

Hindi pa rin lumalabas ang mga larawan

Kung walang gumana sa mga hakbang sa itaas, i-post ang tungkol sa iyong isyu sa Forum ng Google Search kung saan matutulungan ka ng isang eksperto na mag-troubleshoot. Sa iyong post, banggitin na sinunod mo na ang mga hakbang sa pagto-troubleshoot sa artikulong ito.