Maghanap ng mga larawan sa Google

Para maghanap ng page o ng sagot sa isang tanong, puwede kang maghanap ng nauugnay na larawan sa Google Images.

Maghanap ng mga larawan

Mahalaga: Posibleng napapailalim sa copyright ang mga larawan. Kung gusto mo ng larawang magagamit ulit, puwede mong limitahan ang iyong mga resulta sa pamamagitan ng mga karapatan sa paggamit. Alamin kung paano maghanap ng mga larawang puwede mong gamitin at ibahagi.

  1. Pumunta sa Google.com.
  2. Maghanap ng larawan.

Puwede ka ring magsagawa ng paghahanap sa Google para sa larawang gusto mong hanapin, at pagkatapos, sa itaas, piliin ang Images.

Maghanap ng mga nauugnay na larawan

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google.com.
  2. Maghanap ng larawan.
  3. Mag-click ng larawan.
  4. Sa ibaba, mag-scroll para makita ang mga resulta ng paghahanap na nauugnay sa larawan.
  5. Para pinuhin ang iyong paghahanap, magdagdag ng keyword sa search bar.

Magdagdag ng larawan sa isang koleksyon

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google.com.
  2. Kung hindi mo pa ito nagagawa, mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Maghanap ng larawan.
  4. I-click ang larawan.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa at pagkatapos I-save Idagdag sa.

Maghanap ng impormasyon tungkol sa mga resulta sa paghahanap ng larawan

Makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa mga bagay, hayop, at tao sa mga resulta sa Images gamit ang Google Lens. Alamin kung paano makakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng Google Images.

Mahalaga: Hindi gagana ang paghahanap gamit ang Google Lens sa mga nakakapanakit na larawan. 

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17046572439211990932
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false