Makakakita ka ng mga resulta ng video para sa karamihan ng mga paghahanap sa Google Search. Para matulungan kang maghanap ng partikular na impormasyon, may tag ng Mahahalagang Sandali ang ilang video. Gumagana ang Mahahalagang Sandali na parang mga kabanata sa isang aklat para matulungan kang mahanap ang impormasyong gusto mo.
Mahalaga: Idinaragdag ng mga creator ng video ang Mahahalagang Sandali, o sa ilang sitwasyon, posibleng ma-detect ng Google ang content at awtomatiko itong magdaragdag ng Mahahalagang Sandali.
Maghanap ng mga video
- Maghanap sa google.com.
- Mag-scroll sa "Mga Video."
- Pumili ng video na papanoorin.
Tip: Makakakita ka ng mga karagdagang video sa tab na "Mga Video." Sa ilalim ng search bar, i-tap ang Mga Video .
Maghanap at gumamit ng Mahahalagang Sandali sa isang video
Mahalaga: Posibleng walang lumabas na Mahahalagang Sandali para sa lahat ng video. Kung wala kang makitang anumang Mahalagang Sandali, posibleng hindi naka-enable ang mga ito para sa video na iyon.
Para makita ang Mahahalagang Sandali, kapag available:
- Maghanap sa google.com.
- Sa ilalim ng "Lahat ng resulta" , mag-scroll para maghanap ng mga video.
- Makakahanap ka rin ng mga video na may Mahahalagang Sandali sa tab na "Mga Video."
- Sa ibaba ng pangunahing video, piliin ang Mahahalagang Sandali na gusto mo.
- Kung walang anumang Mahalagang Sandali, i-tap ang Palawakin .
Magdagdag ng Mahahalagang Sandali sa isang video
Kung isa kang video creator, puwede mong markahan ang Mahahalagang Sandali sa iyong mga video gamit ang mga tool ng developer o sa pamamagitan ng mga paglalarawan ng video. Kung hindi ka magdaragdag ng Mahahalagang Sandali, posibleng ma-detect ng Google ang content at awtomatiko itong magdaragdag ng Mahahalagang Sandali. Puwede mong i-off ang Mahahalagang Sandali para sa isang video sa pamamagitan ng mga tool ng developer.