Madali mong mailalagay ang iyong paghahanap sa Google gamit ang autocomplete. Puwede kang mag-off o mag-alis ng ilang partikular na autocomplete na prediksyon, o mag-ulat ng mga isyu sa iyong mga prediksyon.
I-off ang pag-personalize ng Search
Mahalaga: Kapag naka-off ang "Pag-personalize ng Search," hindi ka makakakita ng mga naka-personalize na prediksyon o rekomendasyon batay sa iyong mga nakaraang paghahanap. Kung naka-on ang "Aktibidad sa Web at App," ise-save sa Google Account mo ang iyong history sa Search para mabigyan ka ng mas naka-personalize na experience sa mga serbisyo ng Google. Alamin kung paano makita at makontrol ang iyong Aktibidad sa Web at App.
Kung naka-sign in ka sa iyong Google Account at naka-on ang "Pag-personalize ng Search," makakakita ka ng mga naka-personalize na prediksyon at rekomendasyon sa Google Search. Kung ayaw mong makakita ng mga prediksyon at rekomendasyon, puwede mong i-off ang pag-personalize ng Search.
I-off ang mga trending na paghahanap
Mahalaga: Kapag na-disable mo ang mga trending na paghahanap, mao-off ito sa Google app sa device na iyon. Para i-disable ang mga trending na paghahanap sa google.com, i-update ang iyong mga setting sa mobile browser.
Kung ayaw mong makatanggap ng mga trending na paghahanap sa Google app, puwede mong baguhin ang iyong mga setting.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google app .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal Mga Setting Iba pang setting Mga setting ng autocomplete.
- I-off ang Mag-autocomplete gamit ang mga trending na paghahanap.
- Sa iyong Android phone o tablet, magbukas ng browser tulad ng Chrome o Firefox.
- Pumunta sa google.com.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
- I-tap ang Higit pang setting Iba pang setting.
- I-off ang Mag-autocomplete gamit ang mga trending na paghahanap.
I-off ang mga kaugnay na paghahanap
Kung naka-sign out ka sa iyong Google Account kapag naghanap ka sa Google, puwedeng makakita ka ng mga rekomendasyong nauugnay sa kamakailan mong paghahanap. Kung ayaw mong makakita ng mga ganito, i-off ang Pag-customize ng paghahanap.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google app .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Icon na tao Mga Setting Pangkalahatan Pag-customize ng paghahanap.
- I-off ang Pag-customize ng paghahanap.
Mag-ulat ng prediksyon
Puwede mong iulat ang isang prediksyon kung sa iyong palagay ay lumalabag ito sa mga patakaran sa autocomplete.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google app o pumunta sa google.com.
- Sa search bar, ilagay ang iyong query sa paghahanap.
- Lumalabas ang mga prediksyon sa ibaba ng search bar.
- Pindutin nang matagal ang isang prediksyon.
- I-tap ang Iulat ito.
Susuriin namin ang iyong feedback, pero hindi awtomatikong maaalis ang mga iniulat na prediksyon.
Mag-ulat ng legal na isyu tungkol sa prediksyon
Para i-request na alisin ang content na sa tingin mo ay labag sa batas, kumpletuhin ang form na ito.