Mag-ayos ng mga problema sa Mga Google Podcast

Kung nagkakaproblema ka sa Mga Google Podcast, subukan ang mga solusyong ito. Puwede ka ring humingi ng tulong sa Forum ng Tulong ng Google Search kung saan nagbabahagi ang mga mambabasa ng mga tip at kaalaman tungkol sa Mga Google Podcast.

Mag-ayos ng problema

Hindi nagsi-sync sa lahat ng device ang pag-usad sa pag-play
  • I-on ang Aktibidad sa Web at App.
  • Mag-sign in sa iisang Google Account sa lahat ng device na gusto mong i-sync.
    • Tip: Kung pinalitan mo kamakailan ang pangalan ng isang hindi tugmang account, subukang mag-sign in gamit ang bagong pangalan.
Nawala ang mga download

Bilang default, inaalis ng Mga Google Podcast ang mga na-download na episode:

  • Sa loob ng 24 na oras kapag natapos mo na ang mga ito.
  • 30 araw pagkatapos mong ma-download ang mga ito.

Para baguhin ang mga setting na ito:

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na Mga Google Podcast Mga Google podcast .
  2. Sa ibaba, i-tap ang Home Home.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o inisyal at pagkatapos ay Mga setting ng podcast.
    • Para sa mga nakumpletong episode, i-tap ang Alisin ang mga nakumpletong episode at pumili ng yugto ng panahon.
    • Para sa mga hindi pa natapos na episode, i-tap ang Alisin ang mga hindi pa natapos na episode at pumili ng yugto ng panahon.
Hindi nagre-refresh ang app
Mga pangkalahatang isyu
  1. I-restart ang iyong Android phone o tablet.
  2. Pumunta sa page ng Google app sa Play Store.
  3. I-tap ang I-update.
    • Kung lalabas ang "Naka-install,” mayroon ka na ng pinakabagong bersyon.

Kung naniniwala kang lumalabag ang isang podcast sa aming mga alituntunin sa kalidad para sa spam, nakakapanakit, o hindi naaangkop na content, puwede kang magpadala sa amin ng feedback.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na Mga Google Podcast Mga Google podcast .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o inisyal.
  3. I-tap ang Magpadala ng feedback sa app.