Puwede kang makinig sa mga podcast sa pamamagitan ng iyong telepono o mga speaker ng kotse gamit ang Android Auto.
Mahalaga: Gamitin ang iyong telepono para pamahalaan ang mga podcast mo, at para maghanap, mag-download, at mag-queue ng mga episode para sa iyong biyahe sa paborito mong podcast app.
Mag-play ng podcast sa pamamagitan ng mga command gamit ang boses
- Buksan ang Google Assistant app .
- Sabihin ang "Ok Google" o i-tap ang mikropono .
- Magsabi ng command gaya ng:
- "I-play ang pinakabagong episode ng [pangalan ng podcast]."
- "I-play ang [pangalan ng podcast]."
- "Makinig ng comedy na podcast."