Tingnan o baguhin ang mga rate ng sales tax

Puwedeng gamitin ng mga merchant ang center sa mga pagbabayad para magtakda ng mga rate ng sales tax para sa mga pagbiling ginawa ng mga user sa Canada at United States at makita ang mga rate para sa mga pagbili sa mga bansa sa European Union (EU), Albania, China, Morocco, Norway, at South Korea sa kanilang profile sa mga pagbabayad. Awtomatiko naming ilalapat ang mga itatakda mong rate ng buwis kapag kumumpleto ng pagbili ang customer.

Mga alituntuning partikular sa rehiyon at bansa

Australia

Mga developer na nasa loob ng Australia: Kung ikaw ay nasa Australia, responsibilidad mo ang pagtatakda, pag-charge, at pag-remit ng buwis sa mga produkto at serbisyo (goods and services tax, GST) sa lahat ng bayad na app at in-app na pagbili na gagawin ng mga customer sa Australia.

Mga developer nasa labas ng Australia: Dahil sa mga batas sa buwis sa Australia, responsable ang Google para sa pagtatakda, pagsingil, at pag-remit ng 10% GST sa naaangkop na awtoridad para sa lahat ng bayad na app at in-app na pagbili na ginawa ng mga customer sa Australia.

Hindi mo kailangang kalkulahin at ipadala nang hiwalay ang GST para sa mga pagbili na ginawa ng mga customer sa Australia. Kung nangongolekta ka dati ng GST sa Australia, hindi mo na ito kailangang gawin.

EU

Responsibilidad ng Google ang pagtatakda, pagkolekta, at pagpapadala ng value-added tax (VAT) sa naaangkop na awtoridad para sa mga pagbili ng mga customer sa EU, kaya makikita mo ang mga rate ng sales tax para sa mga pagbili sa EU pero hindi mo mababago ang mga ito. Matuto pa tungkol sa VAT sa pangkalahatang-ideya sa buwis sa mga benta. Kung hindi ka magtatakda ng mga rate ng buwis sa mga benta para sa mga customer na nasa labas ng EU,  hindi kami mangongolekta ng buwis sa mga benta para sa iyo.

India

Mga developer na nasa India: Kung nasa India ka, responsibilidad mong alamin kung kailangan mong kumuha ng Goods & Services Tax identification number (GSTIN) at tukuyin ang anumang naaangkop na buwis.

Mga developer nasa labas ng India: Dahil sa mga batas sa buwis sa India, responsable ang Google para sa pagtatakda, pagsingil, at pag-remit ng buwis sa mga produkto at serbisyo (goods and service tax, GST) sa naaangkop na awtoridad para sa lahat ng bayad na app at in-app na pagbili na ginawa ng mga customer sa India.

Hindi mo kailangang kalkulahin at ipadala nang hiwalay ang GST para sa mga pagbili na ginawa ng mga customer sa India. Kung nangongolekta ka dati ng GST sa India, hindi mo na ito kailangang gawin.

Matuto pa tungkol sa India Goods and Services Tax.

Japan

Kung nag-aalok ka ng mga bayad na app o in-app na pagbili sa mga customer sa Japan, naaapektuhan ng Batas sa Buwis sa Pagkonsumo sa Japan (Japan Consumption Tax Law, JCT) ang iyong responsibilidad sa buwis sa Japan. Kung mayroon kang partikular na mga tanong tungkol sa iyong mga responsibilidad sa Japan, sumangguni sa iyong tax advisor.

Mga developer na nasa labas ng Japan: Kung nasa labas ka ng Japan at nag-aalok ng mga bayad na app o mga in-app na pagbili sa mga customer sa Japan, responsibilidad mo ang pagsingil, pag-remit at pag-uulat ng anumang JCT sa National Tax Agency sa Japan.

Mga developer na nasa Japan: Kung nasa Japan ka at nag-aalok ng mga bayad na app o in-app na pagbili sa mga customer sa Japan, ang 30% bayarin sa transaksyon na sinisingil ng Google Asia Pacific Limited ay itinuturing nang business-to-business (B2B) na transaksyon.

Responsibilidad mong suriin at iulat ang JCT para sa mga B2B na serbisyo ng isang banyagang entity sa National Tax Agency sa Japan. Hindi awtomatikong idaragdag ang JCT sa mga bayarin sa transaksyon ng iyong app.

Russia

Mga developer na nasa Russia: Kung nasa Russia ka, responsibilidad mo ang pagtukoy, pagsingil, at pag-remit ng value-added tax (VAT) sa lahat ng bayad na app at in-app na pagbili na ginawa ng mga customer sa Russia.

Mga developer na nasa labas ng Russia: Dahil sa mga batas sa buwis sa Russia, responsibilidad ng Google ang pagtukoy, pagsingil, at pag-remit ng 18% VAT sa naaangkop na awtoridad para sa lahat ng bayad na app at in-app na pagbili na ginawa ng mga customer sa Russia.

Hindi mo kailangang kalkulahin at ipadala nang hiwalay ang VAT para sa mga pagbili na ginagawa ng mga customer sa Russia. Kung nangongolekta ka dati ng VAT sa Russia, hindi mo na ito kailangang gawin.

South Korea

Mga developer na nasa South Korea: Kung ikaw ay nasa South Korea, responsibilidad mo ang pagtatakda, pagsingil, at pag-remit ng value-added tax (VAT) para sa lahat ng pagbili ng digital content ng mga customer sa South Korea.

Mga developer nasa labas ng South Korea: Dahil sa mga batas sa buwis sa India, responsable ang Google para sa pagtatakda, pagsingil, at pag-remit ng 10% VAT sa naaangkop na awtoridad para sa lahat ng bayad na app at in-app na pagbili na ginawa ng mga customer sa South Korea para sa mga developer na nasa labas ng Korea.

Kung ikaw ay nasa labas ng South Korea, hindi mo na kailangang kalkulahin at ipadala ang VAT nang hiwalay para sa mga pagbili ng mga customer sa South Korea. Kung nangongolekta ka dati ng VAT sa South Korea, hindi mo na ito kailangang gawin.

United States

Sales tax: Puwede kang magtakda ng mga indibidwal na rate ng sales tax para sa mga customer sa US depende sa estado, o puwede mong piliing tanggapin ang mga rate na itinakda ng third-party na partner ng Google. 

Ang data ng rate ng buwis ay nagmumula sa third party, kaya hindi magagarantiya ng Google ang katumpakan ng mga rate na ito.

Mga Communications Tax at Amusement Tax: Ang ilang partikular na estado ay may mga buwis tulad ng amusement tax at communications tax sa mga produkto para sa streaming. Puwede mong piliing mangolekta ng mga communications tax at amusement tax sa pagbebenta ng mga produkto para sa streaming sa mga customer sa US; ibig sabihin, puwede kang magtakda ng mga indibidwal na rate ng buwis para sa mga customer sa US ayon sa estado, o puwede mong piliing tanggapin ang mga rate na itinakda ng third-party na partner ng Google. Nag-iiba ang rate ng buwis batay sa estado at/o lokal na hurisdiksyon tulad ng binabanggit sa ibaba.

  • Florida: Communications Services Tax (7.44% rate ng estado at mga lokal na rate na mula 0.1% hanggang 7.6%)
  • Illinois: Chicago Amusement Tax (9%), Evanston Amusement Tax (5%), Bloomington Amusement Tax (4%)
  • Kentucky: Telco/Excise Gross Receipts Tax (3% excise tax ng estado na may 2.4% gross revenues tax ng estado)
  • Kentucky: Utility Gross Receipts License Tax (iba't ibang rate na itinakda ng mga lokal na hurisdiksyon, 0% sa pangkalahatan o 3%)
  • Utah: Multi-Channel Video or Audio Service Tax (6.25% rate ng estado)

Mahalaga: Hindi makakapagbigay ang Google ng payo sa mga isyu sa buwis. Para sa tulong sa iyong sitwasyon sa pagbubuwis, kumonsulta sa tax advisor mo.

Iba pang bansa at rehiyon

Dahil sa mga batas sa value-added tax (VAT) at goods and services tax (GST), responsibilidad ng Google ang pagtatakda, pagsingil, at pag-remit ng VAT o GST para sa lahat ng pagbili ng bayad na app at in-app na pagbili sa Google Play Store na ginawa ng mga customer sa mga sumusunod na lokasyon:

  • VAT: Albania, Morocco, Norway, Taiwan
  • GST: New Zealand

Magpapadala ang Google ng VAT o GST para sa mga pagbili ng bayad na app at in-app na pagbili ng mga customer sa mga bansang ito sa naaangkop na awtoridad. Hindi mo na kailangang kalkulahin at ipadala nang hiwalay ang VAT o GST para sa mga customer sa mga bansang ito.

Para suriin ang mga rate ng VAT o GST na ginamit para sa mga pagbili ng bayad na app at in-app na pagbili sa mga bansang ito, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Mag-sign in sa profile sa mga pagbabayad.
  2. I-click ang Mga Setting.
  3. I-click ang Mga setting ng pagbabayad, pagkatapos ay Pamahalaan ang sales tax.

I-set up, tingnan, o baguhin ang mga rate ng buwis

Sundin ang mga hakbang na ito para i-set up o baguhin ang mga rate ng buwis sa iyong profile sa mga pagbabayad:

  1. Mag-sign in sa iyong profile sa mga pagbabayad.
  2. I-click ang Buwis sa mga benta.
  3. Pumunta sa isang rehiyon, hanapin ang "Mga rate ng buwis," at i-click ang I-edit I-edit. Ang rate ng buwis na binabayaran ng mga customer ay porsyentong nakabatay sa presyo ng iyong app. Halimbawa: 
    Rate ng buwis Presyo ng app Buwis Kabuuang presyo ng app
    20% $10 $2.00 PHP 600
  4. I-click ang I-save.

Ulitin ang proseso para itakda ang mga rate para sa bawat rehiyon kung saan mo gustong mangolekta ng buwis.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9839935152258369604
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633573
false
false