Proteksyon laban sa panlilinlang para sa merchant

Para pahusayin ang iyong karanasan sa pagbebenta sa Google Play Store at Chrome Web Store, ang center sa mga pagbabayad ay nagbibigay sa mga merchant ng mga benepisyo kabilang ang tulong sa pag-dispute sa mga chargeback at pagtukoy sa panloloko.

Pagresolba sa chargeback 

Nag-aalok kami ng karaniwang proteksyon laban sa chargeback sa lahat ng merchant. Sinusuri ng Google ang lahat ng natatanggap mong chargeback at, sa tuwing posible, nilalabanan ang mga ito sa iyong ngalan. Hindi namin ide-debit ang iyong account para sa chargeback kung magagawa naming matagumpay na i-dispute ito.

Awtomatikong pagtukoy sa panloloko

Para matukoy ang mga palatandaan ng mapanlokong transaksyon sa mga serbisyo ng Google, ginagamit namin ang advanced risk na pagmomodelo. Kinakansela namin ang mga natutukoy naming mapanlokong transaksyon. Para maprotektahan ka, kakanselahin din namin ang anumang aktibong order na nauugnay sa iisang mapanlokong credit card. Aktibo rin kaming gumagamit ng mga panlabas at cross-industry na resource, tulad ng mga pandaigdigang blocklist sa panloloko.

Mga pagsusuri sa order ng customer

Nagbibigay sa iyo ang Google ng kumpirmasyon ng order para sa bawat order, at hinihikayat ka naming suriin ang iyong mga order mo. Kung sa palagay mo ay mapanganib ang order, maaari mong kanselahin o ipa-refund ang order anumang oras.

Para mabawasan ang pagkakalantad sa panganib, kapag nakatukoy kami ng kwestyonableng aktibidad na nauungay sa isa sa iyong mga order, minamarkahan namin ito ng "Sinusuri" o "Nakabinbin" sa center ng pagbabayad at magsasagawa kami ng mga pagsusuri dito para sa pagtukoy ng panloloko. Hindi ka maaaring maningil para sa order sa panahong ito.

Karaniwan, natatapos namin ang mga pagsusuri sa loob ng 4-6 na oras. Maaaring mangailangan kami ng higit pang panahon para suriin ang ilang order na may mas mataas na panganib para mabigyan ng pagkakataon ang mga espesyalista ng Google na makapagsagawa ng mas masusing pagsusuri sa pagtukoy ng panloloko para sa iyong proteksyon. Maaari kaming makipag-ugnay sa iyo nang direkta bilang backup na babala.

Kung matutukoy naming mataas ang panganib ng order o hindi ito sumusunod sa mga patakaran ng center sa mga pagbabayad: Kakanselahin namin ang order para sa iyong proteksyon. Hindi mo na maibabalik ang kinansela naming order.

Kung makukumpirma sa aming pagsusuri na valid ang order: Maniningil kami para sa order.

Pagsunod sa PCI

Ang center sa mga pagbabayad ay ganap na sumusunod sa mga inaatas ng Payment Card Industry Security Standards Council (mas kilala bilang "Pagsunod sa PCI"). Ang Google Payment Corp. ay Antas 1 na Merchant at Service Provider, at samakatuwid, sumasailalim ito sa taunang assesment ng panlabas na Qualified Security Assessor (QSA). Ang aming Pagpapatunay ng Pagsunod ay inilalabas ng QSA at inuulat sa mga pangunahing brand ng card at aming mga kumukuhang bangko.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2809551861136534597
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633573
false
false