Notification

Mula Marso 25, 2024, hindi na available para sa mga bagong booking ang Mag-book sa Google para sa mga flight. Hindi naapektuhan ang mga kasalukuyang reservation. Para sa mga tanong tungkol sa iyong kasalukuyang reservation sa Mag-book sa Google, puwede ka pa ring makipag-ugnayan sa booking partner sa kumpirmasyon ng reservation mo, pati na rin sa Google.

Paano baguhin o kanselahin ang iyong flight

Kung gusto mong baguhin o kanselahin ang iyong flight, direktang makipag-ugnayan sa airline o online na travel agency para sa tulong. Hindi makakatulong nang direkta ang Google sa mga pagbabago at pagkansela.

Tiyaking tingnan ang patakaran sa pagkansela para malaman mo ang tungkol sa anumang deadline at penalty na nauugnay sa pagkansela, at kung makakatanggap ka ng refund. Kasalukuyang nag-aalok ang ilang airline ng flexibility ng pamasahe.

Karaniwang makikita ang numero ng kumpirmasyon at ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng airline o travel agency sa (mga) email ng kumpirmasyong matatanggap mo pagkatapos mong i-book ang iyong flight. Puwede ka ring makakita ng higit pang impormasyon sa mga detalye ng kaukulang biyahe sa google.com/travel.

Kung nag-book ka sa Google at kailangan mo ng tulong sa paghahanap sa impormasyong ito, makipag-ugnayan sa amin.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3415250718523218346
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
254
false
false