Magsalin ng mga larawan

Puwede mong gamitin ang camera ng iyong telepono para magsalin ng text gamit ang Translate app Translate app. Halimbawa, puwede mong gamitin ang camera para magsalin ng mga karatula o nakasulat-kamay na tala.

Mag-translate ng text sa mga larawan

Makakapagsalin ka ng text mula sa mga larawan sa iyong telepono gamit ang Translate app Translate app. Sa ilang device, makakapagsalin ka rin ng text na makikita mo gamit ang iyong camera.

Mahalaga: Ang katumpakan ng pagsasalin ay nakadepende sa linaw ng text. Posibleng mali ang pagsasalin ng maliit, hindi malinaw, o stylized na text.

Para magsalin ng text gamit ang iyong camera:

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Translate app Translate app.
  2. Piliin ang mga wikang gusto mong pagsalinan at isalin.
    • Mula sa: Pumili ng wika o i-tap ang I-detect ang wika .
    • Sa: Piliin ang wika kung saan gusto mong lumabas ang pagsasalin.
  3. Sa ilalim ng text box, i-tap ang Camera Camera.
    • Para magsalin ng text sa isang larawang na-capture mo na: I-yap ang Mag-import .
    • Para isalin ang makikita mo gamit ang iyong camera:
      1. Itutok ang iyong camera sa text na gusto mong isalin.
      2. I-tap ang Shutter button 

Mag-translate ng bahagi ng text

Puwede kang pumili ng mga seksyon ng larawan na ita-translate.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Translate app Translate app.
  2. Piliin ang mga wikang gusto mong pagsalinan at isalin.
    • Mula sa: Pumili ng wika o i-tap ang I-detect ang wika .
    • Sa: Piliin ang wika kung saan gusto mong lumabas ang pagsasalin.
  3. I-tap ang Camera Camera at gamitin ang Shutter Button .
  4. I-tap ang Mga opsyon sa pagsasalin keyboard arrow down.
  5. I-tap ang anumang salita para piliin ito.
  6. I-drag ang mga anchor sa pagpili para i-adjust ang iyong napili at ipakita ang isinaling text sa card sa ibaba.
Tip: Kung masyadong mahaba ang text para makita sa card, i-drag pataas ang card.

Gamitin ang mga naisalin na text

Kapag naisalin na ang text sa larawan, magagawa mo ang mga bagay tulad ng kopyahin ang text, ipabasa ito nang malakas, o kumuha ng higit pang impormasyon.

  1. Piliin ang bahagi ng text na gusto mong gawan ng pagkilos.
  2. Sa ibaba, pumili ng opsyon mula sa carousel:
    • Kopyahin ang text: Para kopyahin ang text, piliin ang text na gusto mong kopyahin at i-tap ang Kopyahin ang text .
    • Makinig: Para ipabasa sa Translate ang iyong isinaling text, itap ang Makinig Listen.
    • Ipadala sa Home ng Translate: Para makakuha ng higit pang impormasyon, i-tap ang Ipadala sa Home ng Translate Translate.
    • Hanapin: Para maghanap sa Google ng isinaling text, i-tap ang Hanapin Google app.

Gumamit ng mga offline na pagsasalin sa camera

Para magamit ang mga pagsasalin sa camera offline, i-download ang mga wikang gusto mong isalin.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Translate app Translate app.
  2. I-tap ang Camera Camera.
  3. I-tap ang picker ng wika.
  4. I-download ang (mga) wika kung saan gusto mong lumabas ang iyong pagsasalin.

Makakuha ng pinakamagagandang resulta

Para makakuha ng pinakamagagandang resulta ng pagsasalin para sa iyong mga larawan:

  • Tingnan kung tama ang mga wika sa “Isalin mula sa” at “Isalin sa.”
  • Gumamit ng malakas na koneksyon ng network.
  • Kapag madilim, i-tap ang Flash ng Camera .
  • Gumamit ng mga malinaw at karaniwang ginagamit na font.

Magpadala ng feedback

Para magpadala ng feedback, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit Pa at pagkatapos Magpadala ng Feedback.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
73122
false
false