Puwede mong gamitin ang camera ng iyong telepono para magsalin ng text sa Translate app . Halimbawa, puwede kang magsalin ng mga karatula o nakasulat-kamay na tala.
Mag-translate ng text sa mga larawan
Mahalaga: Ang katumpakan ng translation ay nakadepende sa linaw ng text. Posibleng hindi tumpak ang translation ng maliit, hindi malinaw, o stylized na text.
Para mag-translate ng text gamit ang iyong camera:
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Translate app .
- Piliin ang mga wikang gusto mong pagsalinan at isalin.
- Mula sa: Pumili ng wika o i-tap ang I-detect ang wika.
- Sa: Piliin ang wika kung saan gusto mong lumabas ang translation.
- Sa home screen ng app, i-tap ang Camera .
- Para mag-translate ng text mula sa isang larawang na-capture mo na: i-tap ang Lahat ng Larawan .
- Para i-translate ang makikita mo gamit ang iyong camera:
- Itutok ang iyong camera sa text na gusto mong i-translate.
- I-tap ang Shutter Button .
Mag-translate ng bahagi ng text
Puwede kang pumili ng mga seksyon ng larawan na ita-translate.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Translate app .
- Piliin ang mga wikang gusto mong pagsalinan at isalin.
- Mula sa: Pumili ng wika o i-tap ang I-detect ang wika .
- Sa: Piliin ang wika kung saan gusto mong lumabas ang translation.
- I-tap ang Camera at gamitin ang Shutter Button .
- Para tingnan ang Mga opsyon sa pagsasalin, i-tap ang I-expand .
- I-toggle para i-on ang Ipakita ang orihinal na text, sa ibaba ng picker ng wika.
- Piliin ang text
- I-tap ang anumang salita para piliin ito, pagkatapos, i-drag ang mga anchor sa pagpili para i-adjust ang napiling text. Lalabas sa card ang nasaling text.
- Kung io-on mo ang Ipakita ang orihinal na text ipapakita nito ang na-capture na text nang hindi nakasalin.
Tip: Kung masyadong mahaba ang text para makita sa card, i-drag pataas ang card.
Gamitin ang mga naisalin na text
Kapag na-translate na ang text sa isang larawan, magagawa mo ang mga bagay tulad ng kopyahin ang text, ipabasa ito nang malakas, o ipadala ito sa Home ng Translate para sa higit pang impormasyon.
- Piliin ang bahagi ng text na gusto mong gawan ng pagkilos.
- Sa ibaba, pumili ng opsyon mula sa carousel:
- Kopyahin ang text: Para kopyahin ang text, piliin ang text na gusto mong kopyahin at i-tap ang Kopyahin ang text .
- Makinig: Para ipabasa sa Translate ang iyong na-translate na text, i-tap ang Makinig .
- Ipadala sa Home ng Translate: Para makakuha ng higit pang impormasyon, i-tap ang Ipadala sa Home ng Translate .
- Hanapin: Para maghanap sa Google ng na-translate na text, i-tap ang Hanapin .
Gumamit ng mga offline na pagsasalin sa camera
Para magamit ang mga pagsasalin sa camera offline, i-download ang mga wikang gusto mong isalin.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Translate app .
- I-tap ang Camera .
- I-tap ang Picker ng wika.
- I-download ang (mga) wika kung saan gusto mong lumabas ang iyong pagsasalin.
Pagkakumpleto ng pag-download, gagana ang mga translation sa camera para sa (mga) na-download na wika kahit na nakadiskonekta ka sa internet.
Makakuha ng pinakamagagandang resulta
Para makakuha ng pinakamagagandang resulta ng pagsasalin para sa iyong mga larawan:
- Tingnan kung tama ang mga wika sa “Isalin mula sa” at “Isalin sa.”
- Gumamit ng malakas na koneksyon ng network.
- Kapag madilim, i-tap ang Flash ng Camera .
- Gumamit ng mga malinaw at karaniwang ginagamit na font para sa pinakamagagandang resulta.