Notification

Ang G Suite ay Google Workspace na ngayon: lahat ng kailangan ng negosyo mo para makatapos ng gawain.

Mga bahagi ng Google Tag Manager

Maunawaan kung paano gumagana ang mga tag, trigger, variable, at ang layer ng data nang magkakasama.

Ginagamit ng Google Tag Manager ang mga konseptong ito para pangasiwaan kung paano kino-configure at pinapagana ang mga tag:

  • Mga Tag: Ang tag ay isang code na nagpapadala ng data sa isang system gaya ng Google Analytics.
  • Mga Trigger: Ang trigger ay nag-aabang ng mga partikular na event, gaya ng mga pag-click, pagsusumite ng form, o pag-load ng page.
  • Mga Variable: Ang variable ay isang pinangalanang placeholder para sa isang value na magbabago, gaya ng pangalan ng produkto, presyo, o petsa.
  • Layer ng data: Ang Tag Manager ay nagpapatupad ng layer ng data para pansamantalang mag-hold ng mga value sa client para magamit ang mga iyon ng mga tag, trigger, at variable.

Ang layunin ng artikulong ito ay tulungan kang maunawaan kung paano gumagana nang magkakasama ang mga konseptong ito.

Mga tag at trigger

Ang tag ay isang snippet ng code na tumatakbo sa isang page o mobile app. Maaaring gamitin ang mga tag para sa iba't ibang bagay, ngunit ang karamihan ng mga tag na ginagamit sa Tag Manager ay idinisenyo para magpadala ng impormasyon sa pagsubaybay mula sa iyong site papunta sa third party. Kasama sa mga halimbawa ang tag ng Google Analytics at ang tag ng Pagsubaybay sa Conversion ng Google Ads.

Kung hindi ka gumagamit ng solusyon sa pamamahala ng tag, direktang idaragdag sa source code ang code para sa bawat tag. Gamit ang Tag Manager, kokontrolin mo ang lahat ng iyong tag mula sa isang user interface sa web.

Tumatakbo, o gumagana, ang mga tag bilang tugon sa mga event. Ang mga event ay maaaring mga pag-load ng page, pag-click sa button, pag-scroll sa page, atbp. Sa Google Tag Manager, tutukoy ka ng mga trigger na mag-aabang sa mga event na iyon at tutukuyin mo kung kailan dapat gumana ang mga tag.

Mga trigger at variable

Maraming mapagpipiliang built-in na variable ang Tag Manager, at maaari kang mag-configure ng mga karagdagang custom na variable. Halimbawa: nilalaman ng na-predefine na variable na "url" ang address ng kasalukuyang naka-load na page. Kung gusto mong magpagana lang ng tag sa page na example.com/purchase/receipt.html, tumukoy ng trigger na may mga ganitong setting:

  • Event: Page View
  • Uri ng Trigger: Page View
  • Paganahin Sa: Ilang Page View
    • Paganahin ang tag kapag totoo ang mga kundisyong ito:
      Ang URL ay naglalaman ng example.com/purchase/receipt.html

Mag-configure ng mga built-in na variable o mga custom na variable para gawing available ang impormasyon sa iyong application kapag kailangan mo ito. Gamitin ang mga variable na ito sa mga kundisyon ng trigger o para magpasa ng impormasyon sa mga tag.

Mga variable at ang layer ng data

Ginagamit ang layer ng data para pansamantalang mag-hold ng data. Isa itong may istrukturang format na nauunawaan ng Tag Manager para padaliin para sa iyo ang paglilipat ng data na iyon mula sa web page o mobile app mo papunta sa mga tag, trigger, at iba pang variable sa Tag Manager.

Hindi mo naman kailangang mag-set up ng layer ng data para makakuha ng impormasyon ang mga variable. Maaari ding i-configure ang Mga Variable ng Tag Manager para direktang kumuha ng mga value sa mga variable ng JavaScript, first-party na cookies, mula sa DOM. Gayunpaman, ang pinakamahusay na kagawian ay direktang pakuhain ng impormasyon ang iyong mga variable mula sa isang nakaayos na object ng layer ng data. Dahil sa pagpapatupad ng layer ng data, maaaring lumiit ang posibilidad na may mawalang data dahil sa mga hindi sinasadyang pagbabago sa code, mabigyang-daan ang pagkakaroon ng nakaayos at naa-access na modelo ng data, at mapasimple ang pag-troubleshoot.

Tandaan: Para sa mga web application, ang bawat page ay dapat magkaroon ng code na nagdaragdag ng kailangang impormasyon sa layer ng data. Hindi awtomatikong nananatili ang layer ng data sa iba't ibang page.

Mga sitwasyon ng pagpapatupad

Pag-isipan ang mga puntong ito para matulungan kang magpasya kung angkop ba sa iyong mga pangangailangan ang pagpapatupad ng layer ng data:

  • Kung kailangan lang gumana ang iyong mga tag kapag nag-load ang mga page (ibig sabihin, hindi kailangang gumana ng mga ito bilang tugon sa mga pakikipag-ugnayan ng user sa page) at hindi nangangailangan ang mga tag ng anumang impormasyon bukod pa sa URL at referrer, kailangan mo lang idagdag ang snippet ng container sa bawat page ng iyong site. Malamang na hindi kailangan ang pagpapatupad ng layer ng data.
  • Kung kailangan lang gumana ang iyong mga tag kapag nag-load ang mga page, ngunit nangangailangan ang mga ito ng impormasyon bukod pa sa URL at referrer (gaya ng uri ng page o user ID), maaaring kailangan mong magdagdag ng code na gumagawa ng layer ng data at nagpu-push ng impormasyon dito.
  • Kung hindi available ang data na gusto mong gamitin hanggang sa matapos na makipag-ugnayan ang user sa page, kakailanganin mong magdagdag ng code na nagpu-push ng data sa layer ng data, at pagkatapos, kakailanganin mong i-configure ang Tag Manager para gamitin ang layer ng data kapag nangyari ang mga gustong event.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15405659523253863504
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
102259
false
false