Kapag may opsyong “Online” ang isang negosyo sa profile nito, ibig sabihin, mabu-book mo ang serbisyo sa pamamagitan ng isang online video platform.
Bago ka mag-book ng serbisyo, tiyaking:
- Basahin ang buong paglalarawan para malaman kung kailangan mong magbigay ng anumang materyales.
- Ihanda ang lahat ng kinakailangang materyales.
Magbayad ng mga online na serbisyo
Mahalaga: May iba't ibang paraan para magbayad ng serbisyo. Bago ka mag-book ng serbisyo, basahin ang buong paglalarawan.
Ang ilang serbisyo ay puwedeng:
- Manghingi ng bayad sa pag-check out.
- Magpadala sa iyo ng hiwalay na email para humingi ng bayad.
- Hindi makukumpleto ang iyong booking hangga't hindi ka nagbabayad.
- Humingi lang ng donasyon.
Humingi ng tulong sa mga teknikal na isyu
- Subukang makipag-ugnayan nang direkta sa negosyo o video platform.
- Magpatulong sa ilan sa mga pinakasikat na platform:
Hindi responsibilidad ng Google ang seguridad ng anumang video platform na ginagamit para sa isang online na serbisyo.