Gabay para sa pagsunod sa Patakaran sa Pagtukoy sa Mga User

Nag-aalok ang Google ng maraming produkto sa pag-advertise at maraming uri ng mga tag ng ad. Ngunit kung anuman ang uri ng tag na iyong ginagamit, may ilang bagay na dapat tandaan.

Karaniwang nagpapadala ang mga kahilingan sa ad ng isang URL ng page sa Google. Kaya tiyaking walang anumang itinatampok sa iyong mga URL ng page na hindi dapat ipadala sa mga kahilingan sa ad sa Google.

Sa partikular, isinasaad ng patakaran sa Pagtukoy sa Mga User na hindi dapat magpasa ang mga publisher ng anumang impormasyon sa Google:

  • na maaaring gamitin o kilalanin ng Google bilang impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan; o
  • na permanenteng tutukoy sa isang partikular na device (gaya ng natatanging identifier ng device ng isang mobile phone kung hindi mare-reset ang identifier na iyon).

Sa partikular, pakitiyak na ang mga page na nagpapakita ng mga ad ng Google ay hindi naglalaman ng mga username, password, email address, o iba pang Impormasyong Nagbibigay ng Personal na Pagkakakilanlan (Personally Identifiable Information o PII) ng iyong mga bisita sa mga URL ng mga ito.

Nagbibigay-daan sa iyo ang ilang produkto ng Google na magdagdag ng mga macro, gaya ng mga key-value na feature ng Campaign Manager 360, Google Ad Manager, at Google Ad Manager 360. Bilang pag-uulit, dapat mong iwasang maglagay ng kahit ano sa mga macro na ito na puwedeng gamitin o tukuyin ng Google bilang PII. Ituturing na matinding paglabag sa kontrata ang hindi pagsunod sa kinakailangang ito.

Suriin ang mga sumusunod na artikulo para sa higit pang impormasyon:

Pangunahing menu
1925860764277151395
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false