Pamahalaan kung paano ka gumugugol ng oras sa iyong Pixel phone gamit ang Digital Wellness

Puwede kang makakuha ng impormasyon tungkol sa kung paano ka gumugol ng oras sa iyong Pixel phone, tulad ng kung gaano mo ito kadalas i-unlock at kung gaano mo katagal ginagamit ang bawat app. Puwede mong gamitin ang impormasyong iyon para pahusayin ang iyong digital wellness. Halimbawa, puwede kang magtakda ng mga timer ng app at mag-iskedyul ng mga pagbabago sa display.

Mahalaga:

I-set up ang Digital Wellness

Para hanapin ang Digital Wellness bilang app, buksan ito sa iyong app na Mga Setting at i-tap ang Digital Wellness at parental controls, pagkatapos ay i-on ang Ipakita ang icon sa listing ng app.

Sa unang pagkakataong bubuksan mo ang Digital Wellness, kailangan mong i-set up ang iyong profile.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Digital Wellness at parental controls.
  3. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Pamahalaan ang iyong data.

Tip: Puwede ka ring mamahala ng account ng bata kung ikaw ang default na account ng magulang sa kanyang device. Matuto tungkol sa Family Link.

Pamahalaan ang iyong oras sa mga app

Alamin kung gaano katagal ang oras na ginugugol mo sa mga app
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Digital Wellness at parental controls.
  3. Ipinapakita sa chart ang iyong paggamit ng telepono ngayong araw. Para sa higit pang impormasyon, i-tap ang chart. Halimbawa:
    • Tagal ng paggamit: Anong mga app ang ginamit mo at gaano katagal
    • Ilang beses binuksan: Gaano mo kadalas na-unlock ang iyong device at binuksan ang ilang partikular na app
    • Mga natanggap na notification: Ilang notification ang natanggap mo at sa aling mga app ito nanggaling
  4. Para makakuha ng higit pang impormasyon o mabago ang mga setting ng app, mag-tap sa isang nakalistang app.
Limitahan kung gaano katagal ang oras na ginugugol mo sa isang app bawat araw

Tandaan: Posibleng hindi gumana sa mga timer ng app ang ilang account sa trabaho at paaralan.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Digital Wellness at parental controls.
  3. I-tap ang chart.
  4. Sa tabi ng app na gusto mong limitahan, i-tap ang Itakda ang timer Timer ng app.
  5. Piliin kung ilang oras ang puwede mong ilaan sa app na iyon. Pagkatapos, i-tap ang OK.
Tip: Kapag naubusan ka na ng oras, sasara ang app at magdi-dim ang icon nito. Tandaan:
  • Mare-reset ang mga timer ng app nang hatinggabi.
  • Para gamitin ulit ang app bago maghatinggabi, sundin ang hakbang 1–4 sa itaas at i-delete ang timer ng app.

Pamahalaan ang iyong oras sa Google Chrome

Alamin kung gaano katagal na oras ang ginugugol mo sa mga website
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Digital Wellness at parental controls.
  3. I-tap ang chart At pagkatapos Chrome Chrome.
    • Kung hindi mo ito makikita kaagad, i-tap ang Ipakita ang lahat ng app.
  4. Mag-scroll at i-tap ang Ipakita ang mga site At pagkatapos Ipakita. Makikita mo ang mga website na binisita mo at kung gaano katagal mo ginamit ang mga ito bawat araw.
  5. Para makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa oras na ginugol mo sa isang site, i-tap ito.

Itago ang mga nakaraang pagbisita sa site

Para ihinto ang pagpapakita ng mga nakaraang pagbisita sa isang website, i-tap ang site sa listahan. I-tap ang Mag-alis ng mga nakaraang pagbisita At pagkatapos Alisin. Kung pupunta ka sa site sa hinaharap, lalabas ulit ito sa listahan.

Limitahan ang oras na ginugugol mo sa isang website bawat araw
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Digital Wellness at parental controls.
  3. I-tap ang chart At pagkatapos Chrome Chrome.
    • Kung hindi mo ito makikita kaagad, i-tap ang Ipakita ang lahat ng app.
  4. Sa tabi ng website na gusto mong limitahan, i-tap ang Magtakda ng timer ng site Timer ng app.
  5. Pumili ng limitasyon sa oras, pagkatapos ay i-tap ang OK.

Makatulog nang mas maayos gamit ang Bedtime mode

Tingnan ang data ng pag-ubo at paghilik

Mahalaga: Hindi idinisenyong gamitin para sa mga medikal na layunin ang Digital Wellness app. Idinisenyo ito para magbigay ng impormasyong makakatulong sa iyong makahanap ng balanse sa teknolohiya na mainam para sa iyo. Kung mayroon kang anumang alalahanin tungkol sa iyong kalusugan, makipag-usap sa provider ng pangangalagang pangkalusugan. Hindi ginagarantiya o pinapatunayan ng Google na magagamit ang feature na ito para magkamit ng mga partikular na resulta.

Mahalaga: Kinakailangan ang pinakabagong bersyon ng Digital Wellness app para sa feature na ito. Alamin kung paano mag-update ng mga Play Store app.

Tingnan ang iyong data mula sa Orasan ng telepono mo

  1. Buksan ang app na Orasan ng iyong telepono Orasan.
  2. I-tap ang Bedtime .
    • Kung ito ang unang pagkakataong gagamitin mo ang feature na Bedtime mode, sa ilalim ng "Ipakita ang aktibidad ng pag-ubo at paghilik," i-tap ang Magpatuloy at pagkatapos ay Payagan.

Tip: Kapag na-tap mo ang Bedtime , puwede kang magpalipat-lipat sa pagitan ng Aktibidad sa oras ng pagtulog at Pag-ubo at paghilik.

Tingnan ang iyong data mula sa Digital Wellness

  1. Sa iyong telepono, i-tap ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Digital Wellness at parental controls.
  3. Sa ilalim ng “Ipakita ang aktibidad ng pag-ubo at paghilik," i-tap ang Magpatuloy.

Tip: Sa susunod na bubuksan mo ang iyong Digital Wellness app, makikita mo ang iyong data ng pag-ubo at paghilik sa ilalim ng “Bedtime mode.”

Hanapin ang iyong data

  1. Sa iyong telepono, i-tap ang app na Mga Setting.
  2. Sa itaas, i-tap ang Maghanap Maghanap.
  3. Ilagay ang “pag-ubo.”
  4. Para buksan ang Digital Wellness app, i-tap ang Pag-ubo at paghilik.
Paano magtakda ng routine sa oras ng pagtulog
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Digital Wellness at parental controls at pagkatapos ay Bedtime mode at pagkatapos ay Routine sa oras ng pagtulog.
  3. Piliin kung kailan mag-o-on ang Bedtime mode.
  4. Gumawa ng routine sa oras ng pagtulog mula sa dalawang paraan:
    • Gumamit ng iskedyul: Itakda ang oras ng pagsisimula at oras ng pagtatapos ng iyong pagtulog at ang mga gusto mong araw ng linggo.
    • I-on habang nagcha-charge: Magtakda ng oras na "Pagkatapos" at "Bago," at i-charge ang iyong device sa loob ng yugto ng panahong iyon.
Tip: Para mabilis na ma-on o ma-off ang Bedtime mode, gamitin ang mga mabilisang setting. Alamin kung paano mabilis na baguhin ang mga karaniwang setting.
Pansamantalang i-pause ang mga nakakaabalang app
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Digital Wellness at parental controls at pagkatapos ay Focus mode.
  3. Piliin ang mga app na gusto mong i-pause. Kapag naka-on ang Focus mode, hindi mo magagamit ang mga app na ito at hindi ka makakatanggap ng mga notification mula sa mga ito.
  4. Gamitin ang Focus mode kapag gusto mong umiwas sa mga abala.
    • Para i-on o i-off ang Focus mode, i-tap ang I-on ngayon o I-off ngayon.
    • Para awtomatikong i-on ang Focus mode, i-tap ang + Magtakda ng iskedyul.
    • Para pansamantalang i-unpause ang mga app kapag naka-on ang Focus mode, i-tap ang Magpahinga at pumili ng limitasyon sa oras.
Tip: Sa ilang device, puwede mong idagdag ang focus mode sa iyong Mga Mabilisang Setting. Matuto tungkol sa Mga Mabilisang Setting.  
Limitahan ang mga abala habang naglalakad ka (Pixel 2 at mas bago)
Kapag na-on mo ang Maging Alerto, makakakuha ka ng mga paalalang idiretso lang ang tingin at huwag tumingin sa device mo habang naglalakad ka.

Para i-on o i-off ang Maging Alerto:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Digital Wellness at parental controls at pagkatapos ay Maging Alerto.
    • Para i-set up ang Maging Alerto: Sundin ang mga tagubilin sa screen.
    • Para i-off ang Maging Alerto, sa tabi ng “Maging Alerto,” i-tap ang switch.
Bawasan ang mga pagkaantala

Puwede mong baguhin ang mga kaugnay na opsyon mula sa iyong mga setting ng Digital Wellness. Alamin kung paano:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8812369616121246425
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false