Notification

Starting November 27, 2023, Animal of the Day will no longer be available. You can still ask your Assistant questions about your favorite animals, like "Where does a fox live?".

Ano ang puwede mong ipagawa o itanong sa Google Assistant

Puwede kang humingi sa Google Assistant ng impormasyon at tulong sa mga pang-araw-araw na gawain.

Mahalaga: Hindi gagana ang ilang query sa lahat ng device at sa lahat ng wika.

Para sa mga ideya tungkol sa kung ano ang maitutulong ng Google Assistant, itanong ang "Ano ang magagawa mo?"

Ano ang magagawa ng Google Assistant

Kumuha ng lokal na impormasyon

  • Lagay ng panahon: “Ano ang lagay ng panahon ngayong araw?”
  • Pagkain: “Maghanap ng mga restaurant ng pizza sa malapit.”
  • Mga oras ng negosyo: “Bukas pa ba ang Puregold?”
  • Navigation: “Mag-navigate papunta sa bahay.”

Planuhin ang iyong araw

  • Trapiko: “How's the traffic to work (Kumusta ang trapiko papunta sa trabaho)?”
  • Mga gawain: “Remind me to do laundry this evening (Ipaalala sa akin na maglaba mamayang gabi)." "Remind me to call Mom every Sunday (Ipaalala sa akin na tawagan si Nanay tuwing Linggo).”
  • Mga event sa kalendaryo: “When’s my first meeting today (Anong oras ang unang meeting ko ngayong araw)?"

Magtanong sa Google

  • Mga update ng laro: ”Sino ang nanalo sa laro ng Ginebra?”
  • Mga pagkalkula: “Ano ang 20 porsyento ng 80?”
  • Diksyunaryo: “Anong ibig sabihin ng ‘gregarious’?”
  • Mga pagsasalin: “Paano sabihin ang ‘ikinagagalak kitang makilala’ sa French?”
  • Pananalapi: “Kumusta ang S&P 500?”
  • Pag-convert ng unit: “Ilang kilometro ang isang milya?”
  • Maghanap: “Maghanap ng mga ideya para sa bakasyon sa tag-init.”
  • Paghahanap ng larawan: “Maghanap ng mga larawan ng mga kuting.“
  • Sagot sa web: “Paano mag-alis ng mga mantsa ng alak sa carpet?”

Mag-play ng media

Mahalaga: Kung hindi nagpe-play ang media, tingnan kung naka-on ang Gamitin ang Restricted Mode sa mga setting ng YouTube ng iyong device.
  • Musika: "Play some Jazz music (Magpatugtog ng musikang Jazz)"
  • Mga podcast: "Play the latest episode from This American Life. (I-play ang pinakabagong episode mula sa This American Life.)"
  • Balita: "Play the news. What’s the latest news from BBC? (I-play ang balita. Ano ang pinakabagong balita mula sa BBC?)"

Magsaya

  • Kilalanin ang iyong Assistant: “Nananaginip ka ba?” “Ano ang paborito mong kulay?”
  • Mga laro: “Maglaro tayo." "Bigyan mo ako ng trivia na tanong.”
  • Entertainment: “Sabihan ako ng joke." “Magsabi ka sa akin ng interesanteng bagay.”
  • Impormasyon tungkol sa hayop: "Sabihan ako tungkol sa mga giraffe." "Gaano kabigat ang isang leon?"

Sa mga partikular na device

Sa iyong Pixel 8 o Pixel 8 Pro

Magbuod ng mga web page

Basahin nang malakas at i-translate ang mga web page sa Chrome o Google App

Humingi ng tulong sa Pixel

  • Makakakuha ka ng suporta para sa iyong Pixel 8 o Pixel 8 Pro kapag nagtanong ka sa Google Assistant.
  • Puwede kang magsabi ng “Help me with my Pixel (Tulungan ako sa Pixel ko)” o magtanong ng “How do I turn off notifications? (Paano i-off ang mga notification?)”
Sa iyong Pixel 6 at mas bago

I-translate kung ano ang nasa iyong screen gamit ang Google Assistant

  • I-activate ang Google Assistant at sabihin ang “Translate this (I-translate ito)” o i-tap ang I-translate.
  • Bubuo ito ng naka-translate na text na io-overlay sa ibabaw ng kasalukuyang text sa ibang wika. Katulad ito ng nakikita mo sa pag-translate ng Google Lens.
  • Puwede kang makipag-ugnayan sa text sa iba't ibang paraan, tulad ng pagpili, pagkopya, paghahanap, o pagpapabasa nito nang malakas sa iyo.
  • Gumagana ang feature na ito sa text na nakikita mo sa screen, kasama ang text sa mga larawan.

Mag-type gamit ang iyong boses

  • Sa voice typing ng Assistant, puwede mong gamitin ang iyong boses para mag-type ng mensahe, magdagdag ng mga emoji, mag-edit, at magpadala sa maraming wika nang walang kahirap-hirap. Awtomatikong nade-detect ng Google Assistant ang wikang sinasalita mo.
  • Awtomatikong nagdaragdag ng bantas habang nagsasalita ka. Habang nagsasalita ka, puwede mo ring i-tap ang iyong keyboard para mag-type kahit na naka-on pa rin ang mikropono.
  • Gumamit ng mga command gamit ang boses, gaya ng “delete (i-delete)” at “clear (i-clear)” para i-edit ang text gamit ang iyong boses, o “send (ipadala)” para ipadala ang mensahe.
  • Mananatili sa iyong device at hindi ipapadala sa mga server ng Google ang text na binibigkas mo.
  • Available ang voice typing ng Assistant sa English, French, German, Italian, Japanese, Spanish.
  • Matuto pa kung paano gamitin ang Google Assistant para mag-type gamit ang iyong boses.
Sa iyong Pixel 4 at mas bago

Kumuha, maghanap, at magbahagi ng mga larawan

  • "Ipakita sa akin ang mga larawan ko mula sa New York."
  • "Mag-selfie." Pagkatapos ay sabihing "Ibahagi ito kay Ryan."
  • "Kumuha ng larawan pagkalipas ng 10 segundo."

Pamahalaan ang mga setting ng iyong telepono

  • "I-on ang flashlight."
  • "Kumuha ng screenshot."
  • "I-on ang Huwag Istorbohin."
  • "I-on ang Bluetooth."

Tumawag o magpadala ng mga mensahe

  • "Call Mom (Tawagan si Nanay)."
  • “Sagutin ang tawag” o “Tanggihan ang tawag.”
  • "Sabihin kay Tina, mahuhuli ako ng limang minuto."
  • "I-text si Adam na, huwag kalimutang bumili ng gatas kapag pauwi ka na."
  • Sa isang thread ng chat, sabihing "Sumagot na, papunta na ako."

Buksan ang mga app

  • "Buksan ang Translate."
  • "Maghanap ng mga yoga class sa YouTube." Pagkatapos ay sabihing "Ibahagi ito kay nanay."
  • "Maghanap ng mga hotel sa San Diego sa Maps."
  • "[Pangalan ng artist] sa YouTube Music."
  • "Ipakita sa akin ang mga email mula kay Michelle sa Gmail."

Magbukas ng mga website sa Chrome

Hilingin sa Google Assistant na pumunta sa isang site sa Chrome app.

  • "Pumunta sa [pangalan ng site]."
  • "Buksan ang [pangalan ng site]."

Maghanap sa iyong mga app o website

Kapag may nakabukas kang app o website sa Chrome, hilingin sa Google Assistant na tulungan kang tapusin ang mga gawain, tulad ng kung gusto mong:

  • "Maghanap ng video para panoorin"
  • "Maghanap ng mensahe."

Maayos itong gumagana sa maraming app at patuloy naming papahusayin ang mga integration ng app sa paglipas ng panahon. Halimbawa:

  • Habang nakabukas ang YouTube app, sabihing "Maghanap ng mga video ng pusa."
  • Habang nakabukas ang Google Photos app, sabihing "Ipakita sa akin ang mga larawan sa New York." Pagkatapos ay sabihing "Ang mga kinuha sa Central Park."
  • Habang may nakabukas na site ng recipe sa Chrome, sabihing "Hanapin ang chocolate brownies na may mani."
  • Habang may nakabukas na travel app, sabihing "Mga hotel sa Paris."
Sa iyong telepono o tablet

Makipag-ugnayan

  • Mga pagtawag: “Call Mom (Tawagan si Nanay).” “Make a video call (Mag-video call).”
  • Duo: “Call Mom (Tawagan si Nanay).”
  • Sa mga telepono lang:
    • SMS: "Text Mike "See you at 5" (I-text si Mike ng "Magkita tayo nang alas 5.")
    • WhatsApp: "Send a WhatsApp message to Sam (Magpadala ng mensahe sa WhatsApp kay Sam)."

Maging pamilyar sa device mo

  • Baguhin ang mga setting: "I-on ang WiFi." "Lakasan ang volume." "Babaan ang brightness."
  • Kontrolin ang telepono mo:"I-on ang flashlight." "Kumuha ng larawan."
    • Nakadepende sa manufacturer ng iyong device kung puwedeng kumuha ng larawan para sa iyo ang Google Assistant.
    • Maghanap ng mga bagay sa iyong mga app: "Maghanap ng mga tablet sa Amazon." "Hanapin si Kanye West sa Twitter."
    • Maghanap ng mga larawan: "Ipakita ang mga larawan ko ng beach."

Planuhin ang iyong araw

  • Mga Alarm:"Set an alarm for 7 a.m. (Magtakda ng alarm para sa 7 a.m.)."

Tumapos ng mga gawain

  • Shopping:"Add cereal to my shopping list (Idagdag ang cereal sa listahan ng bibilhin ko)."

Tip: Para gumawa ng 2 bagay nang magkasabay, pagdugtungin ang 2 request gamit ang "and (at)." Halimbawa, puwede mong sabihin ang "Ok Google, i-off ang mga ilaw at i-on ang TV." Sa ngayon, puwede ka lang gumawa ng 2 bagay nang magkasabay kung ginagamit mo ang Google Assistant sa English.

Sa iyong speaker o Smart Display

Kontrolin ang iyong smart na tahanan

  • Mga ilaw: “Dim the living room lights (I-dim ang mga ilaw sa sala).”
  • Mga thermostat: “Set the heat to 70 (Itakda ang init sa 70).” “Lower the temperature 2 degrees (Babaan ang temperatura nang 2 degree).”

Planuhin ang iyong araw

  • Mga alarm: “Set an alarm for 7 AM (Magtakda ng alarm para sa 7 a.m.).”

Makipag-ugnayan

Mahalaga: Sa Mga Smart Display lang ito gumagana.

  • Mga pagtawag: “Call Mom (Tawagan si Nanay).” “Make a video call (Mag-video call).”
  • Duo: “Call Mom (Tawagan si Nanay).” “Call the living room Smart Display (Tawagan ang Smart Display sa sala).”

Tip: Para gumawa ng 2 bagay nang magkasabay, pagdugtungin ang 2 kahilingan gamit ang "and (at)." Halimbawa, puwede mong sabihin ang "Hey Google, turn off the lights and turn on the TV (Ok Google, i-off ang mga ilaw at i-on ang TV)." Sa ngayon, kung sa English mo ginagamit ang Google Assistant, 2 bagay lang ang puwede mong gawin nang magkasabay.

Sa iyong TV

Manood ng TV

  • Mga pelikula at palabas sa TV: "I-play ang Stranger Things sa Netflix."
  • Mga video clip: "Mag-play ng mga video ng pusa."
  • Mga app: "Buksan ang YouTube."
  • Maghanap: "Maghanap ng mga sitcom."
  • Impormasyon: "Magsabi sa akin tungkol sa Game of Thrones."

Kontrol

  • Playback: “I-pause.” “Ihinto.” “Ituloy.”
  • Volume: “Lakasan.” “Hinaan.”
  • Power: "I-off."
Sa iyong relo

Makipag-ugnayan

Gagamitin ng mga sumusunod na voice action ang iyong telepono maliban na lang kung mayroon kang relo na may koneksyon sa LTE.

  • Text: “Text John ‘I’ll see you at 5’ (I-text si John ng ‘Magkita tayo nang alas 5).’”

Fitness

  • Pagtakbo: "Subaybayan ang takbo ko."
  • Pagbibisikleta: "Magsimulang magbisikleta.
  • Bilang ng hakbang: "Nakailang hakbang na ako?"
  • Bilis ng tibok ng puso: "Gaano kabilis ang tibok ng puso ko?"
Sa iyong headphones

Kapag nakakonekta ka sa Android phone o tablet, magagawa mo sa ilang headphones na kontrolin ang mga feature ng headphones gamit ang Google Assistant. Tingnan ang user manual ng iyong headphones para malaman kung sinusuportahan ng headphones mo ang Google Assistant.

Antas ng baterya

Makikita mo ang antas ng baterya para sa iyong headphones o earbuds.

  • "Ano ang antas ng baterya sa aking headphones?"

Pagkakansela ng ingay

Kung sinusuportahan ng iyong headphones ang active noise cancellation para mabawasan ang tunog ng mga abala sa labas, puwede mong gamitin ang Google Assistant para i-on o i-off ito, o isaayos ang antas.

  • I-on o i-off: "I-on ang pagkakansela ng ingay."
  • Lakasan o hinaan: "Lakasan ang pagkakansela ng ingay."
  • Itakda: "Itakda ang pagkakansela ng ingay sa maximum."
  • Query: "Naka-on ba ang pagkakansela ng ingay?"

Ambient mode

Kung sinusuportahan ng iyong headphones ang ambient mode para ma-boost ang tunog ng mga ingay sa paligid (kung minsan, tinatawag na talkthrough o passthrough), puwede mong gamitin ang Google Assistant para i-on o i-off ito, o isaayos ang antas.

  • I-on o i-off: "I-on ang ambient mode."
  • Lakasan o hinaan: "Lakasan ang ambient mode."
  • Itakda: "Itakda ang ambient mode sa maximum."
  • Query: "Naka-on ba ang ambient mode?"

Mga kontrol sa pagpindot

Kung mayroon ang iyong headphones ng mga kontrol na sensitibo sa pagpindot, puwede mong i-off ang mga ito para maiwasan ang mga hindi manual na pag-activate, halimbawa, kapag nag-eehersisyo. Kung io-off mo ang iyong mga kontrol sa pagpindot, posibleng kailanganin mong gumamit ng voice match para hilingin sa Google Assistant na i-on ulit ang mga ito, o i-on ulit ang mga ito sa pamamagitan ng mobile app ng manufacturer ng device mo.

  • I-on o i-off: "I-on ang mga kontrol sa pagpindot."
  • Query: "Naka-on ba ang mga kontrol sa pagpindot?"
Sa iyong kotse

Navigation

  • "Mag-navigate papunta sa [address]."
  • "How's the traffic to work? (Kumusta ang trapiko papunta sa trabaho?)"
  • "What's my next turn? (Saan ang susunod kong liko?)"

Media

  • "Magpatugtog ng musika."
  • "Patugtugin ang [pangalan ng kanta]."
  • "I-play ang pinakabagong episode ng [pangalan ng podcast]."

Makipag-ugnayan

  • "Call Mom (Tawagan si Nanay)."
  • "I-text si Tatay."
  • "Read my messages (Basahin ang mga mensahe ko)."

Makakuha ng pang-araw-araw na update sa lagay ng panahon, mga quote, at higit pa

Puwede mong hilingin sa Google Assistant sa telepono mo na padalhan ka ng mga pang-araw-araw na update sa mga interes mo.

Mahalaga: Hindi available ang ilang feature sa lahat ng wika, bansa, o rehiyon, o sa lahat ng kwalipikadong Android device.

Subscribe to a daily update

  1. On your Android phone or tablet, touch and hold the Home button or say "Hey Google."
  2. Say or type the update you want, for example:
    • “Send me the weather everyday.”
    • “Send me a poem everyday.”
    • “Send me a quote everyday.”
    • “Send me a funny video everyday.”
    • “Send me a fun fact everyday.”
    • “Send me a mindfulness tip everyday.”
  3. When asked if you want to receive this info everyday, tap Yes.
  4. Choose a time to receive your daily update.

Find your daily updates

  1. On your Android phone or tablet, touch and hold the Home button or say "Hey Google."
  2. Say or type:
    • “Find my daily updates.”
    • “Find my subscriptions.”
    • “What are my subscriptions?”

Change or cancel a daily update

  1. On your Android phone or tablet, touch and hold the Home button, or say "Hey Google."
  2. Say or type:
    • “Find my subscriptions.”
    • “What are my subscriptions?”
  3. Tap a subscription at pagkatapos ay Change time or Cancel the subscription.

Daily updates don’t work

Mas maraming magawa sa Google Assistant sa Google TV

Puwede kang magtanong at tumapos ng mga gawain sa iyong Google TV na may Google Assistant. Naka-install na ang Google Assistant sa iyong Google TV device. Puwede mo itong i-on sa unang beses na i-set up mo ang iyong device, o puwede mo itong i-on sa ibang pagkakataon.

Sa mga Google TV device, available ang Google Assistant sa English, French, German, Spanish, Italian, Japanese, Hindi, Chinese (Traditional), Korean, Portuguese (Brazil), Dutch, Norwegian, Swedish, at Danish.

Makipag-usap sa Google Assistant

  1. Sa remote ng Google TV mo, pindutin ang button ng Google Assistant Assistant.
  2. Magtanong o magsabi ng command.
  3. Para tulungan ang Google Assistant na maunawaan ang iyong request, magsalita sa mikropono sa remote mo.

Tip: Para gumawa ng higit pa sa iyong Assistant, i-download ang Google Assistant app sa telepono mo Assistant.

Ano ang puwede mong ipagawa o itanong sa Google Assistant

Manood ng mga video

  • Mga pelikula at palabas sa TV: "I-play ang The Mandalorian sa Disney+."
  • Mga video clip: "Mag-play ng mga video ng pusa sa YouTube."
  • Mga app: "Buksan ang YouTube."
  • Maghanap: "Maghanap ng mga sitcom." "Maghanap ng mga sci-fi na pelikula."
  • Impormasyon: Sabihin sa akin ang tungkol sa Game of Thrones."

Kontrolin ang media

  • Pag-playback: "I-pause." "Itigil." "Ituloy."
  • Volume: "Lakasan." "Hinaan."

Kontrolin ang iyong smart na tahanan

  • Mga ilaw: "Diliman ang mga ilaw sa sala."
  • Mga thermostat: "Itakda ang init sa 70." "Babaan ang temperatura nang 2 degrees"

Planuhin ang iyong araw

  • Mga Alarm:"Set an alarm for 7 AM (Magtakda ng alarm para sa 7 AM)."

Magtanong sa Google

  • Mga update sa laro: "Sino'ng nanalo sa laban ng Warriors?"
  • Mga pagkalkula: "Ano ang 20 porysento ng 80?"
  • Diksyunaryo: "Ano ang ibig sabihin ng ‘gregarious’?"
  • Mga pagsasalin: "Paano sabihin ang "ikinagagalak kitang makilala" sa French?"
  • Pananalapi: "Kumusta ang S&P 500?"
  • Mga pag-convert ng unit: "Ilang kilometro ang isang milya?"
  • Maghanap: "Maghanap ng mga ideya para sa bakasyon sa tag-init."
  • Paghahanap ng larawan: "Maghanap ng mga larawan ng mga kuting."
  • Sagot sa web: "Paano mag-alis ng mga mantsa ng wine sa carpet?"

Magsaya

  • Kilalanin ang iyong Assistant: "Nananaginip ka ba?" "Ano ang paborito mong kulay?"
  • Mga laro: "Maglaro tayo." "Pahingi ng trivia question."
  • Entertainment: "Sabihan ako ng joke." "Magsabi sa akin ng interesanteng bagay."

Tip: Para sa higit pang ideya, tanungin ang Google Assistant ng "Ano ang magagawa mo?"

Paano mapakilos ang Google Assistant

Para sumagot sa mga request mo, ginagamit ng Google Assistant ang pinakamainam na available na device. Kung hilingin mo sa Google Assistant na "Magpagtugtog ng musika," magpapatugtog ng musika ang speaker mo sa halip na telepono mo dahil ito ang may pinakamagandang audio.

Hindi palaging madali para sa Assistant na magpasya kung aling device ang dapat sumagot sa request mo. Para matiyak na sasagot ang gusto mong device:

  • Posisyon ng device: Siguraduhing hindi bababa sa 8 talampakan ang layo ng mga device mo.
  • Sabihin ang pangalan ng device: Para sa ilang pagkilos, pwede mong sabihin ang device na gusto mong gamitin. Halimbawa, sabihin ang "Ok Google, magpatugtog ng musika sa speaker sa silid-tulugan" o "Ok Google, buksan ang mga ilaw sa kusina."
  • I-target ang mga partikular na device: Batay sa uri ng device, may mga paraan para ipaalam sa Google Assistant kung aling device ang balak mong gamitin para sa request mo. Minsan, makakatulong kung lalapit ka sa device.
    • Pixel Watch: Itaas o galawin ang kamay mo
    • Nest Hub Max: Kung may mga tamang pahintulot ito, tingnan ang device habang tinatanong mo ang Google Assistant.
    • Telepono at tablet: Siguraduhing nakaharap sa itaas ang screen.
  • Kontrolin mula sa malayo ang mga timer, alarm, at media: Posibleng kontrolin ang mga kasalukuyang timer, alarm, at media sa ibang device gamit ang device na mas malapit sa iyo. Halimbawa, kung gusto mong ihinto ang nagri-ring na alarm sa silid-tulugan mo mula sa sala mo, sabihin ang "Ok Google, ihinto ang alarm." Ihihinto ng device na pinakamalapit sa iyo ang alarm.

Tulungan ang Google na pabutihin ang gawi sa hinaharap

Ginagamit ng Google Assistant ang feedback mo para magbigay ng mas mabuting experience.

Mga notification ng Assistant

Regular kaming nagpapadala ng mga push notification para humingi ng feedback mo. Kung makakatanggap ka ng notification, ibahagi ang feedback mo para tumulong na pahusayin ang Google Assistant.

Magbahagi ng feedback sa Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app Google Home.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng Profile mo.
  3. Piliin ang Tulong at Feedbackat pagkatapos ay ang uri ng device na gusto mong bigyan ng feedback.
  4. I-tap ang Magpadala ng feedback at pagkatapos ay ang device na gusto mong bigyan ng feedback.
  5. Maglagay ng maikling paglalarawan ng isyu mo.
  6. Lagyan ng check ang kahon para sa Screenshot at Mga log ng system.
  7. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Ipadala Ipadala.

Baguhin ang volume

Pagkatapos mong hilingin sa Google Assistant na mag-play ng media, puwede mong kontrolin ang volume gamit ang mga command. Puwede mong itakda sa partikular na antas (1–10) o porsyento (1–100%) ang volume.

Mahalaga: Nakadepende sa device ang mga wikang magagamit mo. Alamin kung aling mga wika ang gumagana sa iyong device.

Paano baguhin ang volume

Sabihin ang "Ok Google" o pindutin ang button para makipag-usap sa Google Assistant mo. Pagkatapos, magsabi ng command.

  • Palakasin: “Palakasin ito.” (Pinapalakas nang 10% ang volume).
  • Pahinain: “Pahinain ito." (Pinapahina nang 10% ang volume).
  • Magtakda ng partikular na level o porsyento: “Volume 5.” “Volume sa 65%.”
  • Baguhin ang volume nang [X]: “Lakasan ang volume nang 10%.” “Hinaan ang volume nang 10%.”
  • I-maximize: "Max na volume."
  • I-minimize: "Minimum na volume."

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10011644367073754850
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false