Baguhin ang kulay ng iyong screen sa gabi sa Pixel phone

Para tipirin ang baterya ng iyong telepono at para gawing mas madaling gamitin ang screen kapag madilim, isaayos ang mga kulay ng screen. Makakatulong sa iyo ang Madilim na Tema, Night Light, at Grayscale ng telepono mo na gamitin ang iyong telepono sa gabi at gawing mas madaling makatulog.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 9 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Awtomatikong padilimin ang background at mga app ng iyong telepono

Para mas padilimin pa ang background ng iyong telepono, lumipat sa Madilim na tema. Puwede mong iiskedyul na mag-on ang Madilim na tema gabi-gabi.

Mahalaga: Kapag gumamit ka ng mga app na gumagana sa Madilim na tema, baka mapatagal nito ang iyong baterya. Hindi makakatulong sa tagal ng baterya ang mga app na hindi gumagana sa Madilim na tema. Bukod dito, hindi gagana ang pag-iiskedyul mula paglubog hanggang pagsikat ng araw kung i-o-off mo ang mga serbisyo ng lokasyon.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Display at pagkatapos ay Madilim na tema.
  3. I-tap ang Iiskedyul.
  4. Piliin ang Mag-o-on sa custom na oras, Mag-o-on mula sa paglubog ng araw hanggang sa pagsikat ng araw, o Mag-o-on sa oras ng pagtulog.

Sa Android 13 at mga mas bagong bersyon, puwede mong iisekdyul na awtomatikong mag-on ang Madilim na tema kapag naka-on ang Bedtime mode.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Display at pagkatapos ay Madilim na tema.
  3. I-tap ang Iskedyul at pagkatapos ayNag-o-on sa oras ng pagtulog.

Tip: Para pigilang awtomatikong ma-on ang Madilim na tema, i-tap ang Iskedyul at pagkatapos ayWala.

Mahalaga: Para matiyak na gumagana nang maayos ang Bedtime mode:

  1. Mag-update sa pinakabagong bersyon ng Digital Wellness app.
  2. Sa app na Mga Setting ng iyong telepono, i-on ang mga notification para sa Digital wellness.

Matuto pa tungkol sa mga kontrol ng Digital Wellness.

Tip: Available ang Madilim na tema, Night Light, at Bedtime mode bilang Mga Mabilisang Setting sa iyong telepono.

Awtomatikong padilimin ang wallpaper ng iyong telepono

Mahalaga: Kapag naka-on ang pantipid ng baterya, didilim ang wallpaper.

Sa Android 13 at mga mas bagong bersyon, puwede mong padilimin ang wallpaper ng iyong telepono sa oras ng pagtulog.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Digital Wellness at parental controls.
  3. I-tap ang Bedtime Mode.
  4. I-on ang Bedtime mode.
  5. I-tap ang I-customize at pagkatapos ay Mga opsyon sa screen sa oras ng pagtulog.
  6. I-on ang Padilimin ang wallpaper.

Awtomatikong gawing Night Light o amber ang iyong screen

Para gawing mas madaling gamitin ang iyong telepono kapag madilim, puwede mong bawasan ang asul na kulay ng iyong screen. Puwede kang mahirapang makatulog dahil sa asul na liwanag. Puwede mong gawing pula o amber ang iyong screen gamit ang Night Light, na makakatulong sa mas madaling pag-adjust ng mga mata mo sa night vision. 

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Display At pagkatapos Night Light.
  3. Para pumili ng mga oras ng pagsisimula at pagtatapos,, i-tap ang Iskedyul.
    • Para mag-on sa custom na oras, i-tap ang Naka-on sa custom na oras. Pagkatapos, ilagay ang iyong "Oras ng pagsisimula" at "Oras ng pagtatapos."
    • Para mag-on simula sa paglubog hanggang pagsikat ng araw, i-tap ang Naka-on mula paglubog hanggang pagsikat ng araw. Hindi gagana ang pag-iskedyul mula paglubog hanggang pagsikat ng araw kung i-o-off mo ang mga serbisyo ng lokasyon.

Para ihinto ang night mode sa awtomatikong pag-on, i-tap ang Iskedyul At pagkatapos Wala.

Tip: Para gawing grayscale ang kulay ng iyong screen, matuto tungkol sa Bedtime mode.

Awtomatikong gawing grayscale ang iyong screen

Para makatulong sa iyong mag-wind down sa gabi, i-on ang Grayscale para gawing black and white ang screen ng telepono mo.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Digital Wellness at parental controls.
  3. I-tap ang Bedtime mode.
  4. I-on ang Bedtime mode
    1. Sa Android 13 at mga mas bagong bersyon, i-tap ang I-customize at pagkatapos ay Mga opsyon sa screen sa oras ng pagtulog.
  5. I-on ang Grayscale.

Tip: Available ang Madilim na tema, Night Light, at Bedtime mode bilang Mga Mabilisang Setting sa iyong telepono.

Palitan ang iyong tema nang mag-isa

Kung gusto mong ikaw mismo ang magbago sa mga setting, puwede mong i-on o i-off ang mga tema aumang oras.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Display.
  3. I-tap ang opsyon sa kulay ng iyong screen:
    • Sa "Hitsura," i-on ang Madilim na tema.
    • Sa "Kulay," i-on ang Night Light.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16666035670581535644
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false