I-pin at i-unpin ang mga screen sa Pixel phone

Puwede kang mag-pin ng screen ng isang app para panatilihin itong nakikita hanggang sa i-unpin mo ito.

Halimbawa, puwede kang mag-pin ng app at ibigay ang iyong telepono sa isang kaibigan. Kapag naka-pin ang screen, ang app na iyon lang ang puwedeng gamitin ng kaibigan mo. Para magamit ulit ang iyong iba pang app, puwede mong i-unpin ang screen.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 11 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

I-on ang pag-pin ng app

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Seguridad at privacy At pagkatapos Higit pang setting ng seguridad At pagkatapos Pag-pin ng app.
  3. I-on ang Gamitin ang pag-pin ng app.

Kapag naka-on ang pag-pin ng app, makakakita ka ng opsyong hingin ang iyong PIN, pattern, o password bago makapag-unpin.

Mag-pin ng screen

Pagkatapos i-on ang pag-pin ng app:

  1. Pumunta sa screen na gusto mong i-pin.
  2. Mag-swipe pataas hanggang sa gitna ng iyong screen at mag-hold.
    • 3-button na navigation: I-tap ang Overview Overview
  3. Sa itaas ng larawan, i-tap ang icon ng app.
  4. I-tap ang I-pin I-pin.

Mag-unpin ng screen

  1. Piliin kung paano mag-explore sa iyong device.  Alamin kung paano mag-explore sa iyong Pixel phone.
  2. Para mag-unpin ng screen:
    • Navigation gamit ang galaw: Mag-swipe pataas at mag-hold.
    • 2-button na navigation: Pindutin nang matagal ang Bumalik Bumalik at Home Home.
    • 3-button na navigation: Pindutin nang matagal ang Bumalik Bumalik at Overview Overview.
  3. Kung hihingin sa iyo ang PIN, pattern, o password mo, ilagay ito.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8121831538481023485
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false