Magsagawa ng mga contactless na pagbabayad gamit ang iyong Pixel phone

Puwede kang mag-tap at magbayad para sa mga pagbili sa mga retailer na tumatanggap ng mga contactless na pagbabayad.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 11 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

I-on ang NFC (Near Field Communication)

Mahalaga: Kung hindi mo nakikita ang setting ng NFC, walang NFC ang iyong telepono. Hindi ka makakagamit ng mga contactless na pagbabayad.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Mga nakakonektang device  at pagkatapos ay Mga kagustuhan sa koneksyon at pagkatapos ay NFC.
  3. I-on ang Gamitin ang NFC.
Tip: Para magamit ang magbayad nang contactless sa Pixel Fold o iba pang foldable na device, itupi ang device mo.

Pamahalaan ang mga app na gumagamit ng mga contactless na pagbabayad

  1. Tiyaking naka-on ang mga Contactless na pagbabayad.
  2. Buksan ang app na gusto mong gamitin para sa mga Contactless na pagbabayad.
  3. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  4. I-tap ang Mga nakakonektang device at pagkatapos ay Mga kagustuhan sa koneksyon at pagkatapos ay NFC
  5. I-tap ang Mga contactless na pagbabayad at pagkatapos ay Default sa pagbabayad.
  6. Piliin ang iyong default na app sa pagbabayad.

Tip: Para lumabas sa Mga Setting, dapat gumagana sa mga contactless na pagbabayad ang iyong mga app sa pagbabayad. Hindi gumagana sa mga contactless na pagbabayad ang mga app sa pagpapasa ng pera. Makakakita ka ng mga app sa pagbabayad sa Google Play o sa Play Store app Google Play.

Mag-ayos ng hindi gustong pag-read ng card na pumipigil sa mga contactless na pagbabayad

Kung hindi gumagana ang iyong app para sa mga contactless na pagbabayad at mabilis na nauubos ang baterya mo, tingnan kung malapit ang iyong telepono sa isang card sa pagbabayad o iba pang item na may NFC chip. Halimbawa, kung gumagamit ka ng phone case na parang wallet na may mga card sa pagbabayad sa loob nito, alisin ang case at tingnan kung malulutas nito ang isyu.

Kung malapit sa isang card sa pagbabayad o iba pang item na may NFC chip ang NFC sensor ng iyong telepono, tuloy-tuloy na susubukan ng sensor ng telepono mo na kumonekta sa chip na iyon.

Inirerekomenda naming gumamit ng case na idinisenyo para sa modelo ng iyong telepono, kahit na mukhang kasya rito ang ibang case.

Para matutunan kung nasaan mismo ang NFC sensor ng iyong telepono, tumingin ng diagram ng telepono mo.  

I-off ang mga contactless na pagbabayad

Mahalaga: Kapag na-off ang NFC, mao-off din ang iba pang feature na gumagamit ng NFC.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Mga nakakonektang device at pagkatapos ay Mga kagustuhan sa koneksyon at pagkatapos ay NFC.
  3. I-off ang Gamitin ang NFC
Tip: Puwede mo ring buksan ang iyong app sa pagbabayad at i-off ang mga contactless na pagbabayad. May mga app sa pagbabayad na hindi sumusuporta sa opsyong ito.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4046293783164110660
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false