Pamahalaan ang mga setting ng seguridad at privacy sa iyong Pixel phone

Makakatulong ka sa pagprotekta sa telepono mo sa pamamagitan ng pag-update sa iyong mga setting ng seguridad at privacy. Alamin kung paano tingnan at pamahalaan ang status ng seguridad mo gamit ang aming tutorial na may sunod-sunod na hakbang.

Mahalaga:

Pamahalaan ang iyong mga setting ng seguridad

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Seguridad.
  3. Sa itaas, makikita mo ang status ng seguridad ng iyong device at Google Account. Kung may mahahalagang pagkilos na dapat gawin para gawing secure ang iyong mga device o account, may lalabas na mensahe ng babala.

Unawain ang status ng iyong seguridad

Walang nakitang problema: Walang isyu sa seguridad sa iyong device o Google Account.

Mapapaigting pa ang seguridad: Mayroon kang mga rekomendasyon sa seguridad.

Posibleng nasa panganib ang seguridad: Pakisuri ang mga rekomendasyon sa seguridad at kumilos para gawing secure ang iyong account o device. 

Nasa panganib ang seguridad: May mga kritikal na isyu sa seguridad na nangangailangan ng iyong pansin. Pakisuri ang mga rekomendasyon sa seguridad at kumilos para gawing secure ang iyong account o device.

Mga setting ng seguridad na mapapamahalaan mo

  • Seguridad ng app:
    Regular na sinusuri ng Play Protect ang iyong mga app at device para sa mapaminsalang gawi. Aabisuhan ka tungkol sa anumang mahahanap na panganib sa seguridad.
  • Hanapin ang Aking Device
    Tiyaking mahahanap ang iyong telepono kung mawala ito. Alamin kung paano maging handang maghanap ng nawawalang telepono.
  • Lock ng screen
    I-lock ang iyong telepono sa pamamagitan ng PIN, pattern, o password. Alamin kung paano magtakda ng lock ng screen.
  • Pag-unlock gamit ang mukha at fingerprint
    Gamitin ang iyong fingerprint o mukha para i-unlock ang telepono mo at payagan ang mga pagbili. Alamin kung paano mag-set up ng mga fingerprint o pag-unlock gamit ang mukha.
  • Security checkup ng Google
    Suriin ang mga naka-sign in na device, naka-save na password, kamakailang aktibidad, at higit pang may kaugnayan sa iyong Google Account.
  • Update sa system ng Google Play
    Tingnan kung may mga update sa operating system ng iyong Android.

Mga advanced na setting ng seguridad

  • Smart Lock
    Itakda ang iyong device na manatiling naka-unlock sa ilang partikular na sitwasyon. Alamin kung paano i-on ang Smart Lock.
  • Mga app ng admin ng device
    Hanapin o alisin ang mga app na puwedeng mangasiwa sa iyong telepono.
  • Lock ng SIM card:
    Magtakda ng PIN na kakailanganin para magamit ang iyong device.
  • Pag-encrypt at mga kredensyal
    Kung hindi naka-encrypt ang iyong telepono bilang default, alamin kung paano i-encrypt ang data sa telepono mo. Para pamahalaan ang mga certificate, alamin kung paano magdagdag o mag-alis ng mga certificate.
  • Mga alerto sa kahina-hinalang mensahe
    Makakuha ng mga alerto para sa mga text message na puwedeng kinabibilangan ng kahina-hinalang kahilingan, pekeng link, o petensyal na scam.
  • Mga trust agent
    Bigyang-daan ang iyong telepono na gumamit ng mga opsyon sa awtomatikong pag-unlock tulad ng Mga Pinagkakatiwalaang Lugar o Voice Match. Alamin kung paano i-on ang awtomatikong pag-unlock.
  • Pag-pin ng app
    Puwede kang mag-pin ng screen para panatilihin itong nakikita hanggang sa i-unpin mo ito. Alamin kung paano mag-pin ng mga screen.
  • Kumpirmahihn ang pag-delete ng SIM
    I-verify na ikaw ito bago magbura ng na-download na SIM.
  • Mga open source na lisensya
    Tingnan ang mga open source na lisensya ng Android na nauugnay sa iyong device.

Seguridad ng profile sa trabaho

Kung gumagamit ka ng profile sa trabaho sa iyong device, puwede mo ring pamahalaan ang mga setting na ito:

  • Gumamit ng isang lock: Gamitin sa device na ito ang parehong lock ng screen ng device na ginagamit mo sa iyong personal na account.
  • Lock ng profile sa trabaho: Mag-set up ng lock ng screen na iba sa ginagamit mo sa iyong personal na account sa device na ito. 
  • Pag-unlock gamit ang mukha at fingerprint para sa trabaho: I-access lang ang iyong profile sa trabaho sa pamamagitan ng pag-unlock sa device mo gamit ang iyong mukha o fingerprint. 

Pamahalaan ang iyong mga setting ng privacy

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Privacy.

Mga setting ng privacy na mapapamahalaan mo

  • Dashboard ng Privacy
    Ipakita kung aling mga app ang gumamit kamakailan ng mga pahintulot.
  • Manager ng pahintulot
    Kontrolin ang access sa app sa iyong data.
  • Access sa camera
    Kontrolin ang access sa camera para sa lahat ng app at serbisyo.
  • Access sa mikropono
    Kontrolin ang access sa mikropono para sa lahat ng app at serbisyo.
  • Ipakita ang mga password
    Para tulungan kang gumamit ng mga password na mas kumplikado at secure, makikita mo kung ano ang tina-type mo.
  • Mga notification sa lock screen
    Magpasya kung anong mga notification ang ipapakita sa lock screen.
  • Private Compute Core
    Makakuha ng mga suhestyon batay sa mga tao, app, at content na nakakaugnayan mo. Matuto pa tungkol sa pagkatuto ng device.
  • Mag-personalize gamit ang data ng app
    Payagan ang mga app na magpadala ng content sa Android system.
  • Ipakita ang access ng clipboard
    Magpakita ng mensahe kapag ina-access ng mga app ang text, mga larawan, o iba pang content na kinopya mo.
  • Serbisyo ng pag-autofill mula sa Google
    Pamahalaan ang mga naka-save na password, credit card, at address.
  • History ng lokasyon ng Google
    I-save ang impormasyon ng pinupuntahan mo dala ang iyong device.
  • Mga kontrol ng aktibidad
    Piliin ang mga aktibidad at impormasyong pinapayagan mong i-save ng Google.
  • Mga Ad
    I-personalize ang mga ad at pamahalaan ang iyong advertising ID.
  • Paggamit at mga diagnostic
    Ipakita ang data para makatulong na pahusayin ang Android.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14011817474128012089
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false