Magdagdag ng mga app, shortcut, at widget sa iyong mga Home screen

Para mapuntahan kaagad ang iyong paboritong content, puwede mong i-customize ang iyong mga Home screen. Puwede kang magdagdag at mag-ayos ng:

  • Mga App
  • Mga shortcut sa content sa loob ng mga app
  • Mga widget na nagpapakita ng impormasyon nang hindi nagbubukas ng mga app

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 9 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Idagdag sa mga Home screen

Magdagdag ng app
  1. Mula sa ibaba ng iyong Home screen, mag-swipe pataas. Alamin kung paano magbukas ng mga app
  2. Pindutin at i-drag ang app. Makakakita ka ng mga larawan ng bawat Home screen.
  3. I-slide ang app papunta sa lugar kung saan mo ito gustong ilagay. Iangat ang iyong daliri.
Magdagdag ng shortcut
  1. Pindutin nang matagal ang app, pagkatapos ay iangat ang iyong daliri. Kung may mga shortcut ang app, makakakita ka ng isang listahan.
  2. Pindutin nang matagal ang shortcut.
  3. I-slide ang shortcut patungo sa lugar kung saan mo ito gustong ilagay. Iangat ang iyong daliri.

Tip: Para gumamit ng shortcut nang hindi ito idinaragdag sa Home screen, i-tap ito.

Magdagdag o mag-resize ng widget

Magdagdag ng widget

  1. Sa isang Home screen, pumindot nang matagal sa bakanteng espasyo.
  2. I-tap ang Mga Widget Mga Widget.
  3. Hanapin ang app na may widget na gusto mo.
  4. Para tingnan ang listahan ng mga available na widget para sa app, i-tap ang app.
  5. Pindutin nang matagal ang isang widget. Makakakuha ka ng mga larawan ng iyong mga Home screen.
  6. I-slide ang widget papunta sa lugar kung saan mo ito gustong ilagay. Iangat ang iyong daliri.

Tip: May mga widget ang ilang app. Pindutin nang matagal ang app. Pagkatapos ay i-tap ang Mga Widget Mga Widget.

Mag-resize ng widget

  1. Pindutin nang matagal ang widget sa iyong Home screen.
  2. Iangat ang iyong daliri. Kung puwedeng i-resize ang widget, makakakita ka ng outline na may mga tuldok sa gilid.
  3. Para i-resize ang widget, i-drag ang mga tuldok.
  4. Kapag tapos ka na, mag-tap sa labas ng widget.

Mag-ayos sa mga Home screen

Gumawa ng folder (pangkat)
  1. Pindutin nang matagal ang isang app o shortcut.
  2. I-drag ang app o shortcut na iyon sa ibabaw ng isa pang app o shortcut. Iangat ang iyong daliri.
    • Para magdagdag pa, i-drag ang bawat isa sa itaas ng grupo.
    • Para pangalanan ang grupo, i-tap ang grupo. Pagkatapos, i-tap ang iminumungkahing pangalan ng folder. Puwede mo ring i-tap ang isa sa mga iminumungkahing pangalan sa itaas ng keyboard o i-type ang pangalang gusto mong gamitin.
Maglipat ng app, shortcut, widget, o grupo
  1. Pindutin at i-drag ang item. Makakakita ka ng mga larawan ng iyong mga Home screen.
  2. I-slide ang item kung saan mo ito gustong ilagay.
  3. Iangat ang iyong daliri.

Tandaan: Sa mga Pixel phone, hindi mo maililipat ang "Sa Isang Sulyap" na impormasyon sa itaas ng iyong screen. Alamin kung paano piliin kung anong mga uri ng impormasyon ang ipapakita.

Mag-alis ng app, shortcut, widget, o grupo
  1. Pindutin nang matagal ang item.
  2. I-drag pataas ang item para Alisin Alisin.
  3. Iangat ang iyong daliri.

Makikita mo ang "Alisin," "I-uninstall," o pareho. Sa "Alisin," sa iyong Home screen lang maaalis ang app. Sa "I-uninstall," sa telepono mo ito maaalis.

Tandaan: Sa mga Pixel phone, hindi mo maililipat ang "Sa Isang Sulyap" na impormasyon sa itaas ng iyong screen. Alamin kung paano piliin kung anong mga uri ng impormasyon ang ipapakita.

Magdagdag ng Home screen
  1. Pindutin nang matagal ang app, shortcut, o pangkat.
  2. I-slide ito pakanan hanggang sa makakita ka ng blangkong Home screen.
  3. Iangat ang iyong daliri.
Mag-alis ng Home screen
  1. Alisin ang iyong mga app, shortcut, widget, at grupo sa Home screen.
  2. Pagkatapos maalis ang pinakahuli, maaalis ang Home screen.

I-customize ang iyong Home Screen

Baguhin ang impormasyon sa itaas

Sa itaas ng iyong pangunahing Home screen, makakakita ka ng impormasyong "Sa Isang Sulyap." Halimbawa, makakakita ka ng impormasyon tungkol sa:

  • Petsa
  • Panahon sa araw-araw
  • Ano'ng susunod sa iyong kalendaryo?
  • Mga paalala sa delivery ng package ng Nest
  • Impormasyon sa pag-claim ng bagahe sa flight

Para palitan ang impormasyong ipinapakita:

  1. Pindutin nang matagal ang seksyong iyon.
  2. I-tap ang I-customizeat pagkatapos ay Mga Setting Mga Setting.
Baguhin ang isang app

Sa ibaba ng iyong screen, may makikita kang row ng mga paboritong app.

  • Mag-alis ng paboritong app: Mula sa iyong mga paborito, pindutin nang matagal ang app na gusto mong alisin. I-drag ito sa ibang bahagi ng screen.
  • Magdagdag ng paboritong app: Mula sa ibaba ng iyong screen, mag-swipe pataas. Pindutin nang matagal ang isang app. Ilipat ang app sa bakanteng espasyo sa iyong mga paborito. 
Baguhin ang iba pang setting ng Home screen
  1. Sa iyong Home screen, pumindot nang matagal sa bakanteng espasyo. 
  2. I-tap ang Mga setting ng Home.
I-on o i-off ang mga animation sa search bar
Paminsan-minsan, makakakuha ka ng mga animation sa search bar sa iyong Home screen. Pansamantala ang mga animation para sa mga espesyal na event, gaya ng mga holiday.
Para i-off ang mga animation na ito, o para i-on ulit ang mga ito:
  1. Pindutin nang matagal ang search bar.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Kagustuhan.
  3. I-on o i-off ang Mga effect sa searchbox.

Baguhin ang mga paborito mong app

May row ng iyong mga paboritong app sa ibaba ng screen mo. Magmumungkahi ang iyong telepono ng mga app para sa mga paborito mo batay sa iyong mga kamakailan at pinakamadalas na ginamit na app, pati na rin mga routine mo. May aninong may kulay sa paligid ng icon ang iyong mga iminumungkahing app.

Kapag may bakanteng espasyo sa row, may lalabas na bagong iminumungkahing app. Puwede mong i-pin, alisin, o i-block ang alinman sa mga iminumungkahing app. Puwede ka ring manual na mag-alis ng anumang app.

Mag-pin ng app
  1. Pindutin nang matagal ang iminumungkahing app. 
  2. Sa kanang sulok sa itaas ng menu, i-tap ang I-pin I-pin.
Mag-alis ng paboritong app
  1. Pindutin nang matagal ang iminumungkahing app. 
  2. Sa kanang sulok sa itaas ng menu, i-tap ang I-pin I-pin.

 Para i-block ang isang app sa pagiging suhestyon, pindutin at i-drag ang app papunta sa “Huwag imungkahin ang app.”

I-off ang mga iminumungkahing app para sa iyong mga paborito

Mahalaga: Kung io-off mo ang mga suhestyon, hindi ka makakatanggap ng anumang suhestyon hanggang sa i-on mo ulit ang feature.

  1. Sa Home screen ng iyong telepono, pumindot nang matagal sa isang bakanteng espasyo.
  2. I-tap ang Mga setting ng Home at pagkatapos ay Mga suhestyon.
  3. Piliin kung io-on o io-off ang:
    • Mga suhestyon sa listahan ng lahat ng app
    • Mga suhestyon sa Home screen
Magdagdag ng paboritong app

Mahalaga: Puwede ka lang manual na magdagdag ng paboritong app kung na-off mo ang mga iminumungkahing app sa pamamagitan ng mga setting ng Home.

  1. Mula sa ibaba ng iyong screen, mag-swipe pataas. 
  2. Pindutin nang matagal ang isang app. 
  3. Ilipat ang app sa bakanteng espasyo sa tabi ng iyong mga paborito.
  4. Iangat ang iyong daliri.​ 

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
407483596970086557
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false