Gamitin ang Repair Mode para sa mga serbisyo sa pagpapaayos

Kapag isinumite mo ang iyong Pixel phone para sa pagpapaayos, puwede mong i-on ang Repair Mode para pasimplehin ang proseso. Sa Repair Mode, posibleng hindi kailanganing i-wipe at i-restore ang data bago at pagkatapos ng pagpapaayos, at puwedeng mas mapadali ang pagpapatakbo ng mga technician ng mga diagnostic.

Alamin kung paano gumagana ang Repair Mode

Mahalaga:

  • Ilang partikular na device lang ang puwedeng pumasok sa Repair Mode. Kasama sa mga kwalipikadong device ang mga Pixel phone na gumagamit ng Disyembre 2023 na update ng Android 14 o mas bago na may hindi bababa sa 2GB na available na space sa telepono. Matuto pa tungkol sa iyong bersyon ng Android.
  • Puwede mong gamitin ang Repair Mode o factory reset para sa parehong walk-in o mail-in na pagpapaayos. Kung ginamit ang Repair Mode, magpapasya ang mga partner sa pagpapaayos ng Google kung kinakailangan ang pag-reset ng data sa sandaling matanggap nila ang telepono at masuri ang mga kinakailangang pagpapaayos.
  • Inirerekomenda naming palaging i-back up ang iyong data bago ang bawat serbisyo sa pagpapaayos kahit na magpasya kang gumamit ng Repair Mode. Kung nangangailangan ang serbisyo sa pagpapaayos ng mga pagpapalit ng bahagi na nakakaapekto sa storage, dapat i-wipe ng technician ang data ng iyong telepono kahit na na-on mo ang Repair Mode. Gamit ang backup, puwede mo pa ring i-restore ang data sa iyong naayos na telepono. Alamin kung paano mag-back up o mag-restore ng data sa iyong Pixel phone. Hindi responsable para sa anumang pagkawala ng data ang Google at ang mga partner sa pagpapaayos.
  • Tandaan na hindi mase-save ang anumang pagbabagong ginawa sa Repair Mode kapag lumabas ka mula rito.
  • Para matiyak na nagto-troubleshoot ang technician sa pinakabagong system, magsagawa ng mga update sa system bago ka pumasok sa Repair Mode.

Kapag na-on mo ang Repair Mode, magsisimula ang telepono ng clean na Android OS sa isang nakalaang secure na partition na may mga limitadong function. Nagbibigay-daan ito sa mga technician na mag-diagnose at magserbisyo ng mga device nang walang pagkawala ng data sa pamamagitan ng pag-factory reset. Sa panahon ng serbisyo sa pagpapaayos, mapoprotektahan ng Repair Mode ang iyong personal na data at impormasyon mula sa hindi awtorisadong pag-access.


Tip: Alisin ang SIM card at itabi ito bago mo ipadala ang telepono sa mga serbisyo sa pagpapaayos.

I-access ang Repair Mode

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang System at pagkatapos ay Repair mode.
  3. Sundin ang mga prompt sa screen para i-on ang Repair Mode.
  4. Ilagay ang pin ng seguridad, password, o pattern ng iyong telepono (kapareho ng code ng lock screen mo).
    • Huwag ibahagi ang pin, password, o pattern sa technician.
    • Kung wala kang naka-set up na ganito, ipo-prompt kang gumawa at mag-verify nito.
  5. Payagang mag-reboot ang system.
    • Pagkatapos ng pag-reboot, nasa Repair Mode na ang iyong telepono.

Lumabas sa Repair Mode

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang System at pagkatapos ay Repair mode para simulan ang daloy ng paglabas.
    • Habang nasa Repair Mode, puwede mo ring i-tap ang notification para lumabas.
  3. Para kumpirmahin, ilagay ang iyong pin, password, o pattern.
  4. Payagang mag-reboot ang system.

Tip: Isa pang paraan para makalabas sa Repair Mode ay ang pumunta sa drop-down na menu ng mga notification sa itaas ng iyong screen. Pagkatapos, magpatuloy sa hakbang 3.

Matuto pa tungkol sa Repair Mode

  • Naka-pause bilang default ang ilang feature ng software pero puwedeng manual na i-activate.
    • Mga Tip sa Pixel
    • Google Play
    • Mga Mensahe
    • Wallpaper
    • Google Search App
    • Text-to-speech
  • Para sa mga layunin ng pag-troubleshoot, available pa rin ang ilang default na first-party na app para magamit sa Repair Mode. Aalisin sa device kapag lumabas ka sa Repair Mode ang anumang pagbabagong gagawin mo o ng serbisyo sa pagpapaayos o impormasyong nabuo mo, gaya ng mga larawan o file.
  • Para sa mga technician ang ilang karagdagang app na available lang sa Repair Mode para ma-diagnose at maserbisyuhan ang device at hindi makikipag-ugnayan ang mga ito sa iyong data.

Mga Kaugnay na Resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4418684785810652492
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false