Kunin ang temperatura ng mga bagay gamit ang iyong Pixel phone

Puwede mong sukatin ang temperatura ng surface ng mga bagay gamit ang iyong Pixel phone.

Mahalaga: Matatagpuan ang sensor ng temperatura sa kanang sulok sa itaas sa likod ng telepono, sa tabi ng camera. Hindi dapat dumikit sa mismong telepono ang bagay.

Para sukatin ang temperatura ng isang bagay gamit ang iyong PIxel phone:

  1. Sa iyong Pixel phone, buksan ang Thermometer app Thermometer.
  2. I-tap ang Temperatura ng Bagay.
  3. Piliin ang materyales ng bagay na gusto mong sukatin.
  4. I-tap ang Tapos na.
  5. Iposisyon ang iyong Pixel phone nang 5 cm (2 in) mula sa bagay.
  6. Mag-tap para magsukat.
  7. Para magsukat ulit, i-tap ang Ulitin Nauulit.

Mga Tip:

  • Mag-ingat kapag nagsusukat ng mga bagay na mainit o malamig.
  • Para sa mga tumpak na resulta, iposisyon ang sensor nang 5 cm (2 in) mula sa bagay at mas malapit pa para sa maliliit na bagay.
  • Posibleng maiba ang katumpakan depende sa:
    • Lapit sa pinakamataas o pinakamababang limitasyon ng saklaw na temperatura
    • Pagpili ng materyales
    • Laki ng bagay
    • Pagkakaiba sa temperatura sa pagitan ng sensor at ng bagay
  • Para sa mga bagay na may mainit na singaw, sukatin ang bahagi ng bagay na hindi natatakpan ng singaw o maghintay hanggang sa mawala ang singaw.

Ayusin ang mga error

Kung makuha mo ang mensahe ng error na "Hindi available ang sensor ng temperatura": Kung makakuha ka ng error na “Hindi available” ang resultang temperatura.
  • Isasaad na “Hindi available” ang mga resulta sa labas ng sinusuportahang saklaw na -5°F (-20°C) hanggang 392°F (200°C).
  • Ang mga resultang isinasaad na “Hindi available” ay mga error ng paglampas sa saklaw, na posibleng mangyari kapag:
    • Mababa ang emissivity ng piniling materyales.
    • Mas mataas o mas mababa ang nasukat na temperatura kaysa sa sinusuportahan ng sensor.

Tungkol sa emissivity

Nakadepende sa emissivity ng bagay ang mga nasusukat na temperatura. Inilalarawan ng emissivity kung gaano karaming enerhiya ang lumalabas mula sa isang bagay at mula sa zero hanggang isa ang saklaw nito.

Nakakatulong ang materyales na pipiliin mo na mas mahusay na mapili ang emissivity ng bagay at makakuha ng mga mas tumpak na resulta.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18306346789278611409
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false